Aurora Feliz
Dumating na si Benedict noon sa bahay. Kunwari ay excited ako. Nagpaalam kami ni Benedict kay Mommy. Inis na inis ang mukha niya pero sinabihan ko siya na tigilan iyon dahil baka mabastos si Benedict.
‘’Mommy, aalis na po kami. Ingat po kayo ha? Uuwi po ako nang maaga mamaya. Huwag kayong mag-alala sa akin. Tatawag po ako kapag nasa work na ako,’’ sabi ko kay Mommy.
‘’Tita, good morning po. Alis na po kami ni Aurora. Ingat po kayo rito,’’ nakangiting sabi ni Benedict kay Mommy.
‘’Pwede ngang hindi ka sumama sa anak ko,’’ bulong na sagot ni Mommy pero dahil kalapit niya ako ay narinig ko iyon sa kanya.
‘’Mommy, ano ka ba? Mamaya niyan, marinig ka ni Benedict eh. Ayusin mo nga, Mommy!’’ pagsuway ko sa kanya.
‘’Eh, nakakainis eh. Tingnan mo nga ang itsura niyan, hindi mo naman mapapagkatiwalaan iyan eh! Mukhang magnanakaw,’’ sabi pa ni Mommy.
Kung pwede lang na takpan ko ang bibig ni Mommy ay gagawin ko eh. Sana ay hindi narinig ni Benedict kung ano man ang sinabi ni Mommy sa kanya. Kahit naman kasi ayaw ko sa kanya bilang manliligaw ko eh ayaw ko namang may masabi na kung ano si Mommy sa kanya dahil hindi naman siya kilala ng aking ina. Nakakahiya rin kapag ganoon.
‘’Mommy, tama na po. Aalis na kami ha? Ingat ka po rito,’’ bulong ko na lang at hinayaan niya naman na ako na umalis na.
‘’Oh sige na, tara na Benedict. Late na rin kasi ako sa work. Mapapatay na naman ako ng boss ko kapag na-late ako lalo eh,’’ sabi ko sabay ngiti kay Benedict pero yung ngiti ko ay may kasamang hiya sa kanya.
‘’Sige, halika na. Akin na iyang bag mo. Ako na ang magdadala niyan para sa iyo,’’ ngumiti si Benedict sa akin.
Sa totoo lang, nakakakilig naman si Benedict para sa akin. Ideal man naman siya ng mga babae dahil grabe ang respeto niya sa akin. Pero, hindi ko talaga kaya na ibigay sa kanya yung level ng appreciation at love na pinapakita niya sa akin. Gusto ko mang subukan pero alam kong masasaktan ko lang naman siya kapag nag-go pa ako sa kanya.
Pumasok na kami sa kotse niya. Tahimik lang ako sa shotgun seat nang biglang nagtanong si Benedict sa akin na labis ko namang kinagulat. Lalo akong nahiya sa kanya, parang gusto ko nang magpakain sa lupa.
‘’Hmm, mukhang ayaw sa akin ni Mommy mo. Medyo lang naman, narinig ko kasi yung usapan niyo kanina. A-Ayos lang naman sa akin, tanggap ko naman na si Ellion pa rin ang gusto niya para sa iyo pero yung kanina, medyo grabe na yata iyon, ano?’’ medyo nahihiya pa si Benedict na sabihin sa akin iyon.
Ito talaga si Mommy, lagot talaga siya kapag umuwi ako mamaya. Papagalitan koi yon, grabe nga naman ang sinabi niya kay Benedict. Ang nakakahiya pa, narinig niya at sinabi niya sa akin. Hindi ko tuloy alam ang gagawin o sasabihin ko. Nakaka-guilty naman ang sinabi ng nanay ko.
‘’Ha? Ano ka ba? Siguro ay nagloloko lang talaga si Mommy kanina. Hindi mo kasi alam, joker iyon eh. Kung na-offend ka man niya, pagpasensyahan mo na lang. Alam mo naman, matanda na iyon eh. Sorry ha? Hayaan mo, pagsasabihan ko na lang siya mamaya,’’ sabi ko, hiyang-hiya ako sa kanya noong mga oras na iyon.
‘’Naku, ayos lang naman. Siguro, ganoon talaga sa una. Hindi pa kasi ako kilala ni Tita kaya ganoon siya sa akin. I would like to think it that way para hindi ako gaanong masaktan. Siguro, ipapakilala ko na lang sa kanya kung sino ang totoong ako,’’ sabi ni Benedict sa akin sabay ngiti.
Natawa ako sa loob-loob ko. So meaning, hindi pa rin pala siya titigil sa panliligaw sa akin kasi ipapakita niya pa kay Mommy kung anong kaya niyang ibigay na pagmamahal sa akin.
‘’Oo naman, magbabago pa iyon siguro. Basta, ipakita mo lang kung sino ka talaga at sure akong tatanggapin ka naman ni Mommy para sa akin. O siya,, mag-drive ka na at lata na talaga ako. Pag-usapan natin iyan kapag may time na ulit tayo ah,,’’sabi ko pa pero sa totoo lang ay nasusuka ako sa sinasabi ko sa kanya. Promise!
Imbes na hindi ko na siya kakausapin pagkatapos nito ay kailangan ko tuloy bigyan siya ng konting atensyon dahil nahihiya ako sa ginawa ni Mommy sa kanya. Nagsisisi na tuloy ako na tinawagan ko siya kanina para pagselosin si Ellion. Ano na ang gagawin ko ngayon eh parang lalaban pa rin siya sa pagmamahal niya sa akin?
Pagkatapos ng ilang minuto ay nandoon na nga ako sa aking opisina. Nagmamadali na ako pero pinigilan pa rin ako ni Benedict. Inis na inis ako pero hindi ko naman mapakita sa kanya kung ano talaga ang totoong nararamdaman ko dahil guilty pa rin naman ako roon sa ginawa ni Mama sa kanya kanina.
‘’Aurora, tanong ko lang? Anong oras ang out mo mamaya? Gusto sana kitang sunduin after work ko rin. Kung ayos lang sa iyo at kung wala namang susundo sa iyo,’’ sabi ni Benedict sa akin.
‘’A-Ah, 8pm ang out ko mamaya sa work pero ayos lang naman kung hindi mo na ako sunduin. Alam ko namang marami ka pang gagawin eh. Nakakahiya naman kung ikaw na nga naghatid sa akin dito tapos ikaw pa ang susundo. Sobra naman na yata iyon,’’ ngumiti pa ako sa kanya na may kasamang hiya.
Dahilan ko lang talaga ito para hindi na kami magkita pa mamaya. Ayaw ko na nitong ginagawa ko eh, nakaka-guilty na. Bakit kasi inumpisahan ko pa ito eh, baliw din talaga ako minsan! Sinubukan ko lang naman, baka makalusot ako eh.
‘’Naku, alam mo naman na pagdating sa iyo ay kaya kong magbigay ng oras. Wala sa akin ang busy schedule ko sa work kung ang kapalit naman noon ay ang makasama ka. Sige na, may pupuntahan din tayo kung sakali,’’ sabi ni Benedict sa akin.
Nagtaka naman ako kaya ako ay napatanong.
‘’Pupuntahan? Saan naman?’’
‘’Secret, basta. Samahan mo lang ako, ako na ang bahala sa iyo, okay?’’ sagot niya sa akin pagkatapos ay ngumiti.
Dahil nagu-guilty ako sa sinabi ni Mommy sa kanya ay napa-oo na lang ako. Para na rin matapos ito dahil gusto ko nang pumasok at late na late na ako sa trabaho ko. Hay, naku! Benedict, bakit ba ayaw mong sumuko sa akin eh wala naman ka namang mapapala sa isang katulad ko?