Ellion Jase
Nang makapag-isip isip na ako ay pumunta agad ako sa bahay nina Tita at Aurie. Alam ko namang may trabaho si Aurie kaya walang manggugulo sa amin ni Tita. Gusto ko lang talagang subukan muli. Dito ang basehan ko kung tutuloy pa ba ako o hindi na.
Sabi naman kasi ni Tita, may pag-asa raw ako kaya maniniwala ako sa kanya, pero kung ayaw din naman na talaga ni aurie ay hindi ko na ipilit pa kung ano ang pagmamahal na meron ako para sa kanya.
Syempre, para ako ay tanggapin ni Tita ay bumili muna ako ng dalawang bouquet ng flowers. May muffins din akong binili para kay Tita. Alam ko, paborito niya ito kaya ito ang bibilhin ko para sa kanya.
Nang makarating na ako sa bahay nila ay nag-door bell ako. Excited ako at walang mapaglagyan ang ngiti sa labi ko. Sana, maging maayos ang usapan namin ni Tita at tulungan niya ako na mapalapit ulit kay Aurie.
Nang buksan ni Tita ang pintuan ay gulat na gulat siya sa dala-dala ko. Napangiti naman siya pagkatapos noon kaya ngumiti rin naman ako sa kanya. Agad-agad niya akong pinapasok at pina-upo sa sofa.
‘’Ellion, magandang hapon sa iyo. Anong meron? Bakit ka napapunta rito sa bahay namin?’’ tanong sa akin ni Tita pagkatapos ay umupo siya sa upuang nasa harapan ko.
‘’Ah, Tita. Gusto ko lang sana kayong maka-usap tungkol sana kay Aurie. Hindi ko po kasi kayo nakausap noong isang araw dahil nandito siya. At alam niyo naman po na galit siya sa akin kaya hindi ko rin po talaga masabi kung ano ang tunay na saloobin ko,’’ sabi ko sa kanya. Mukha namang naintindihan niya ako agad dahil tumango-tango siya sa akin.
‘’Ano iyon? Pasensya ka na, wala si Aurie ngayon. Nasa trabaho eh pero ano ba ang sasabihin mo? Sabihin mo na lang sa akin para masabi ko na sa kanya,’’ sabi ni Tita sa akin sabay ngiti.
‘’Ah, ayos lang po Tita. Sinadya ko naman po na wala talaga siya eh. Ang gusto ko po sana ay tulungan niyo ako na magkabalikan po kami ni Aurie. Kung ayos lang po iyon sa inyo.. Pwede pa naman po, hindi ba? Hindi pa naman niya sinasagot si Benedict? sagot ko naman.
‘’Alam mo, hindi ko nga kilala yung Benedict na iyon at hindi naman kasi namin pinag-uusapan ang lalaking iyon. Sinabi ko rin naman sa kanya na ayaw ko sa Benedict na iyon eh,’’ kwento pa ni Tita sa akin.
‘’Talaga po? Sinabi niyo iyon sa kanya? Hindi po ba siya nagalit sa inyo?’’ tanong ko kay Tita.
‘’Syempre, nagalit. Kilala mo naman si Aurie, di ba? Pero, hinayaan ko lang siya. At least, naging honest ako na ayaw ko sa bagong manliligaw niya. Kaya kung ako sa iyo ay i-go mo na iyang panliligaw mo,’’ sabi ni Tita sa akin.
‘’Eh, ikaw talaga Tita. Nakakahiya naman po sa kanya. Baka sabihin ay kung anu-ano ang sinasabi ko sa inyo kaya pinipilit niyo ako sa kanya,’’ sagot ko naman kay Tita.
‘’Eh anong magagawa ko eh alam ko naman na mas deserving kayo para sa isa’t isa, hindi ba? Alam ko na kaya mo iniwan ang anak ko ay para matuto siya sa buhay niya na wala ka. Kaso, dyempre iba ang nasa isip ng anak kong si Aurora kaya pasensya ka na ah,’’ sabi ni Tita sa akin.
‘’Ayos lang po. Naiintindihan ko naman kung bakit siya naging ganoon. Kasalanan ko rin naman po eh,’’ sabi ko naman.
‘’Oh eh, ano palang matutulong ko sa iyo? Anong balak mo?’’ tanong ni Tita sa akin.
‘’Tita, sabihin mo naman sa kanya na may ihahanda akong dinner date para sa kanya. Pero, huwag niyo pong sabihin na ako ang makikita niya roon sa place. Kayo na po ang bahala kung paano pero huwag niyo pong sasabihin sa kanya na ako po ang nagpagawa noon sa inyo,’’ sabi ko kay Tita.
‘’Ah, ganoon ba? Nakakakilig naman iyan. Sige, ako ang bahalang magsabi sa kanya. Huwag kang mag-alala, pupunta siya roon sa meeting place ninyo. Saan ba iyon, Ellion?’’ tanong naman ni Tita.
‘’Ah, tanda niyo pa po ba yung maliit na bahay noong mga bata pa kami? Doon ko po balak sana na gawin ang plano ko bago bumalik sa Manila po,’’ sagot ko.
Ngumiti si Tita sa akin. Naalala niya siguro kung saan iyon. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin naman napupuntahan iyon. Actually, miss ko na nga eh. Baka pagkatapos ko rito kay Tita ay pumunta naman ako roon.
‘’Naku, naalala ko nga iyon. Noong bata pa kayo, lagi kayong nagpupunta roon at lagi rin kayong naglalaro. Kamusta na kaya ang lugar na iyon ngayon ano?’’ sabi ni Tita sa akin.
‘’Ah, yung lugar na iyon ay di ko pa po napupuntahan ulit pero pagkatapos po nito ay dederetso po ako roon para i-check kung okay pa po iyon,’’ sabi ko sabay ngumiti sa kanya.
Pagkatapos noon ay nakita kong hawak ko pa rin yung muffins at flowers ko para sa kanila ni Aurie kaya binigay ko na kay Tita iyon.
‘’Tita, ito po palang muffins at flowers para sa inyo. Binili ko po iyan para sa inyo. Sabihin niyo na lang po sa kanya na dumaan ako rito pero huwag niyo pong sabihin yung pinag-usapan po natin ah?’’ sabi ko.
‘’Oo, sasabihin ko na dumaan ka. O, may sasabihin ka pa ba sa akin, Ellion?’’ tanong niya.
‘’Wala naman na po. Salamat po sa pagtanggap ulit sa akin Tita ha? Alis na po ako, Tita. Pupuntahan ko pa po yung kaibigan ko para samahan ako sa tagpuan namin ni Aurie dati,’’ sabi ko.
‘’Oh, salamat din sa pagdalaw mo sa amin ah. Ingat ka ah?’’ sabi sa akin ni Tita.
‘’Salamat po. Ingat din po kayo rito, Tita. Babalik na lang po ako kapag naayos ko na po ang relasyon ko kay Aurie,’’ sabi ko sabay ngiti sa kanya.
Umalis na ako na may dala-dalang hope sa sarili ko na sana ay maayos ko pa ito. Masaya naman ang puso ko pero may takot din naman.