Chapter 22

1046 Words
Aurora Feliz Tumawag na sa akin si Benedict noon para sunduin ako. Inis na inis akong sinagot iyon pero hindi ko pinahalata dahil ayaw ko namang ma-feel bad siya sa akin. Isa pa, may kasalanan pa ako sa kanya dahil sa sinabi ni Mommy kanina kaya behave muna dapat talaga ako. ‘’Hey, nandyan ka na ba sa labas ng office niyo? Malapit na ako. Don’t worry. Sorry ha? Medyo na-late ako kasi may ginawa pa ako sa surprise dinner ko for you,’’ sabi niya sa call. Halata kong kinikilig siya at inis na inis naman ako, pinipigilan ko lang sarili ko. ‘’Ah, ayos lang naman sa akin. Kakalabas ko lang naman sa office. Hintayin na lang kita rito ha? Tatawagan ko rin si mommy para sabihin sa kanya na lalabas muna tayo saglit. Ayos lang ba? Hindi kasi niya alam eh. Hindi na ako nakapagsabi pa kanina,;’’ sabi ko naman, may inis pa rin sa loob-loob ko. ‘’Ah, oo naman. Pwedeng-pwede. Pasabi na rin kay Tita na sorry kasi hindi ako nakapag-paalam sa kanya kanina. Kanina ko lang naisip kasi,’’ sabi sa akin ni Benedict. Hindi ko nga rin alam kung bakit mo ako niyaya. Dapat hindi na eh. Nagsisisi tuloy akong nagpatulong ako sa iyo na palayuin si Ellion. Sana ay hindi ko na lang ginawa iyon at tinarayan ko na lang sana siya. Mas matatanggap pa niya iyon eh. Kung hindi ka lang sinabihan ng masama ni Mommy, hindi ako sasama sa iyo eh. ‘’Sige, sasabihin ko. Ingat ka sa byahe mo papunta rito. Nandito lang ako sa may labas ha. Kita naman agad ako kapag nag-park ka,;’’ sagot ko na lang, pinatay ko na ang tawag at hindi na hinintay pa ang sagot niya. Naiinis kasi talaga ako na siya ang kausap ko. Pagkatapos niyang tumawag sa akin ay si Mommy naman ang tinawagan ko. Inis din ako rito kay Mommy eh. Kung hindi dahil sa kanya, wala ako sa ganitong sitwasyon. Hay, naku naman! ‘’Oh, anak. Kumusta? Uuwi ka na ba? Alam mo, may sasabihin ako sa iyo na importante kaya kailangan mong umuwi nang maaga ha? Ipagluluto rin kita ng masarap na dinner. Alam kong-‘’ hindi na natapos ni Mommy ang kanyang sinasabi dahil sumagot agad ako sa kanya. ‘’Mommy, sorry. Hindi ako makakauwi nang maaga kasi kakain kami sa labas ni Benedict. Niyaya niya ako na makipag-date,’’ sabi ko, inis na inis pa rin ako kay Mommy pero hindi ko na pinakita kasi baka mag-away pa kaming dalawa. ‘’Ha? Talagang sasamahan mo pa iyang lalaki na iyan? Aba anak, talaga bang pinipili mo na iyan? Anak naman, ayaw ko niyan para sa iyo,’’ sagot ni Mommy sa akin. Mommy, kung hindi mo naman po kasi siya sinabihan ng kung ano ay wala ako sa ganitong sitwasyon. Imbes na magpahinga ako ay ito, makikipag-date ako kasi I felt bad dahil sa sinabi mo kay Benedict. Hay, naku! Kung pwede ko lang talagang sabihin kay Mommy iyon na hindi siya masasaktan eh gagawin ko na eh. ‘’At kanino mo naman ako gustong i-partner? Kay Ellion? Kay Ellion na iniwan naman ako at pumunta sa Mindoro? Mommy naman,’’ sabi ko kay Mommy. Ayaw ko mang masabi iyon pero wala eh, narinig ko na naman na ayaw niya kay Benedict. ‘’Anak naman, hindi naman siguro ginusto iyon. may dahilan naman siguro siya. Kung bakit niya nagawa iyon di ba? Saka, bumalik naman siya ngayon, hindi ba?’’ sabi naman ni Mommy sa akin. ‘’Bumalik para ano? Para guluhin ako? Hindi na niya ako magugulo pa. Alam ko naman ang ginagawa ko at hindi na ako magpapa-apekto,’’ sabi ko kay Mommy. ‘’Ewan ko sa iyo, anak. Basta ha, hihintayin kita mamaya rito. Eh kung talagang hindi na kita mapipigilan dyan kay Benedict eh wala naman na akong magagawa. Ang sinasabi ko lang naman, kilalanin mo pa rin naman iyang lalaki na iyan,’’ sabi ni Mommy. ‘’Mommy, alam ko naman na po iyon. Malaki na ako. Sige na po, nandito na si Benedict. Aalis na po kami.magte-text na lang po ako kapag pauwi na ako ha?’’ sagot ko naman at pinatay na ang tawag. Nakita ko nang paparating na yung kotse ni Benedict. Inayos ko na ang sarili ko at kunwari ay masaya ako sa presensya niya. Hay, naku! Sana ay hindi niya mahalatang hindi naman talaga ako masaya na kasama siya. ‘’Hey, pasensya ka na ha? Ang dami ko pang inasikaso eh. Alam mo naman, excited ako sa dinner date natin. Pinaghandaan ko talaga. Ano? Ayos lang baa ng araw mo?’’ bungad agad niya sa akin pagkababa niya ng kotse niya. ‘’Ah, ayos lang naman. Gets ko naman kung bakit ka late eh. Ayos lang iyon. Sabi ko nga kanina, hindi mo na dapat ako sinundo kasi nakakahiya eh,’’ sagot ko naman sa kanya, nakangiti ako pero halata mong nahihiya. ‘’Eh, nasabi mo na bas a mommy mo kung saan tayo pupunta? Baka hindi niya alam ah? Mamaya niyan, mapagalitan na naman niya ako o kung anon a naman ang sabihin niya sa akin,’’ sabi ni Benedict. Parang gusto ko na tuloy magpakain sa lupa dahil sa sobrang hiya nang marinig na naman sa kanya iyon. Hay, naku Mommy! Lagot ka talaga sa akin pag-uwi ko eh. ‘’Ay, oo. Nasabi ko na. Saka, huwag kang mag-isip ng ganyan ha? Kinausap ko na si Mommy tungkol dyan at alam na niya ang dapat niyang gawin. Sorry talaga sa attitude niya kanina,’’ sabi ko. ‘’Ah. Ayos lang naman iyon. Naiintindihan ko,’’ sabi ni Benedict sa akin pagkatapos ay binuksan na niya ang pinto ng kotse niya kaya naman ay pumasok na ako. Nang makapasok na kami pareho ay ngumiti kami sa isa’t isa. Hindi ko alam pero may ngiti sa labi niya na kakaiba. Hindi ko alam kung ano iyon pero parang kilig? Napangiti na lang ako habang iniisip na kinikilig ako sa isang katulad niya. ‘’Oh, bakit ka napapangiti na parang ewan dyan? Anong nasa isip mo, ha?’’ biglang tanong niya sa akin, napansin pala niya ako. ‘’Ah, wala. Sige na, mag-drive ka na kung saan man tayo pupunta. Huwag mo na akong pansinin ha?’’ sagot ko na lang sa kanya. Nahiya ako bigla doon ah.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD