Ellion Jase
Ilang araw na ang nakalipas nang makausap ko si Masaya akong nag-prepare sa dinner date namin ni Aurie. Agad kong tinawagan si Tita para i-confirm kung pupunta ba si Aurie sa meeting place na napag-usapan namin ni Tita.
Sa mga unang ring ng phone ay hindi sumagot si Tita sa akin kaya sinubukan ko ulit na tawagan siya. Sa pangalawang tawag ko sa kanya, finally ay sumagot na siya. Medyo malungkot ang boses niya kaya kinabahan ako sa balita na sasabihin niya sa akin ngayon.
‘’Oh Ellion, napatawag ka yata? Kumusta ka?’’ bungad niya sa akin, mahina ang kanyang boses at para bang nahihiya siya sa akin.
‘’Oh, Tita. Nasabi niyo na po ba kay Aurie na pumunta sa dating tagpuan namin? Handa na po kasi ako ngayon. Actually, nandito na po ako ngayon, hinihintay siya,’’ sagot ko sa kanya.
‘’Naku, Ellion. Pasensya ka na sa akin at hindi ko agad nasabi sa iyo na ayaw niyang pumunta dyan. Alam mo ba, nahulaan niya na gusto mo siyang papuntahin dyan? Nakita kasi niya yung flowers na binigay mo sa amin tapos naalala ka niya roon sa muffins kaya sinabi ko na ang totoo sa kanya. Sorry,’’ sabi ni Tita sa akin.
Nanlamig ang buong katawan ko nang marinig koi yon. Inisip ko, paano na yung mga ginastos ko para sa araw na ito? Handa na ang lahat. Siya na lang ang kulang. Durog na durog ang puso ko ngayon dahil wala rin palang pupuntahan lahat ng pagod ko ngayon.
‘’A-Ah, ayos lang naman po Tita. Naiintindihan ko naman si Aurie kung bakit siya ganoon sa akin eh. Sino nga ba ako para humingi ng second chance sa kanya eh ako nga po yung umayaw, di ba?’’ sabi ko.
‘’Ellion, hayaan mo muna ang anak ko. Kilala mo naman iyon kung paano mag-isip. Baliw talaga kung minsan eh. Tingnan mo, kapag nawala ka naman ay saka iyon mag-iisip. Promise! Hayaan mo, kakausapin ko naman siya tungkol dyan at sasabihin ko talaga na bigyan ka niya dapat ng second chance,’’ sabi pa ni Tita para lumakas ang loob ko pero wala na eh. Nasira na ang lahat ng plano ko.
‘’Naku, okay na po ako sa ganitong ending namin Tita. Siguro nga ay hindi talaga kami para sa isa’t isa. Ganoon po talaga siguro. Hindi ko na po ipipilit pa. Maraming salamat po, ha?’’ sabi ko sa kanya.
‘’Naku, nasira ko ba ang plano mo? Sorry, anak. Hindi ko naman sinasadya iyon. itong si Aurora lang talaga, ang lakas makaramdam sa mga bagay. Eh, gagawa pa rin ako ng paraan para magkita at magka-usap kayo. Kailan ba ang alis mo? Matanong ko lang,’’ tanong ni Tita.
Natuwa naman ako dahil sa huli ay anak pa rin ang tawag niya sa akin. Hindi pa rin niya nakalimutan kung paano niya ako tratuhin noon, pero wala eh. Yung anak na niya ang may ayaw sa akin. Ano pa bang laban ko roon, di ba? Wala na.
‘’Ay, hindi na po kailangan Tita. Ayos na po iyong ginawa niyo. Sinubukan ko lang naman po eh. Huwag niyo na rin po siyang pilitin kasi feeling ko ay mas maiinis siya kapag sinubukan pa po natin. Isa pa, aalis na rin na po ako ng Manila eh,’’ sabi ko.
‘’Oh? Kailan, anak?’’ tanong niya, medyo may lungkot sa boses ni Tita nang sabihin niya iyon.
‘’Siguro, bukas din po. Wala namang dahilan na para mag-stay pa po ako rito. Salamat po ng marami sa pagtanggap niyo sa akin ulit. Hindi ko po lubos akalain na gagawin niyo pa poi yon eh si Aurie nga po yung naiwanan, hindi naman ako.’’
‘’Grabe naman, anak. Bukas agad? Hindi ka ba muna mag-iisip? Aba, mahirap din yung padalos-dalos ha?’’ lalo pang may lungkot sa boses ni Tita nang sabihin niya iyon.
‘’Hindi naman po ako padalos-dalos kasi talaga naman pong sinubukan ko na ang lahat ng paraan para maibalik siya sa akin kaso siya na po yung may ayaw eh. Baka gusto na po talaga niya yung Benedict na iyon kaya magiging masaya na lang po ako para sa kanya,’’ sagot ko.
‘’Ay, oo nga. Tungkol sa Benedict na iyon. Noong araw na pumunta ka rito ay niyaya niya rin si Aurora noon. Nag-date sila. Sinubukan ko pa ngang pigilan eh pero wala, nagalit lang si Aurora sa akin kaya hinayaan ko na,’’ sabi ni Tita sa kabilang linya.
Ah, alam ko na kung bakit hindi talaga pumayag sa dinner date ko iyon. Pumayag na pala sa iba eh. Eh di, magiging masaya na lang ako sa mga gagawin nila. Tama rin na lumayo na lang ako para rin hindi ko na sila maisip pa. Sa Mindoro, busy ako. Hindi ko sila gaanong maiisip.
‘’Ah, ganoon po ba Tita? Kaya naman po pala. Hayaan na po natin sila kung saan sila masaya talaga. Hindi ko na sila guguluhin pa,’’ sabi ko sabay patay ng tawag,. Ayaw ko na makarinig ng kahit na anong balita mula kay Tita eh. Masyado na kasing masakita.
Pagbaba ko ng tawag ay tinawag ko agad ang mga katulong ko sa pagbuo noong dinner date namin. Gulat na gulat sila. Noong una pa nga ay ayaw nilang ayusin dahil akala nila ay nagloloko lang ako pero noong inulit ko nang inulit sa kanila ang gagawin ay tuluyan na nilang niligpit iyon.
‘’Naku, sayang naman. Pwede kayang i-uwi ko na lang yung mga pagkain? Sayang kasi talaga eh,’’ sabi noong isa.
‘’Oo nga. Grabe eh, parang fiesta pero hindi naman pumunta yung inimbita ni Sir Ellion. Alam mo, naaawa ako sa kanya,’’ rinig kong sagot naman noong isa.
Lumabas ako para kausapin sila. Nagulat nga sila sa paglapit ko eh.
‘’Pwede niyong i-uwi yung mga pagkain. Ayos lang sa akin. Alam kong pagod kayo kaya kailangan niyo rin naman ng sustansya sa katawan. Yung bulaklak, pwede mo namang i-uwi sa asawa mo, Gilbert.’’
Nang marinig nila iyon ay sobrang saya nila. Samantalang ako, sugatan ang puso ko sa aking mga nalaman. Bukas na bukas talaga ay uuwi na ako ng Mindoro. Pipilitin ko ang sarili ko na hindi na bumalik pa rito.