Chapter 24

1065 Words
Aurora Feliz Masaya naman ako sa pinuntahan naming dalawa ni Benedict. Sa totoo lang ay may kilig akong naramdaman sa kanya noong magkasama kami. Sobrang saya ko. Marahil ay hindi ko pa kasi ulit nararanasan ito sa mga tao sa paligid ko kaya noong may gumawa sa akin ay sobrang tuwa ko. Pag-uwi ko noon sa bahay ay nakangiti agad akong pumasok sa sala. Napansin naman iyon ni Mommy kaya tinanong niya agad ako kung bakit sobra-sobra yung ngiti ko sa kanya. ‘’Oh anak, bakit sobrang saya mo? Ano bang nangyari roon sa date mo, ha?’’ tanong sa akin ni Mommy. ‘’Ah, wala naman po. Natuwa lang ako kasi may nakaka-appreciate na po ulit sa akin. Ngayon ko lang poi yon ulit naramdaman eh,’’ nakangiti pang sabi ko. ‘’Aba, talaga palang may gusto ka nandyan sa Benedict na iyan? Ay, anak. Oo nga pala, may nagpapabigay ng muffins sa iyo at saka flowers. Hindi naman nagsabi kung sino siya pero ito, nagbigay pa rin siya. Ang galing nga eh, pati ako ay meron. Buti naman at naalala niya ako,’’ sabi pa ni Mommy sa akin. Noong una ay ay hindi ko pa alam kung sino ang nagbigay pero noong naalala ko yung muffins. Alam kong si Ellion lang yung may kakayahan na bigyan si Mommy noon kaya agad kong tinapat si Mommy tungkol doon. ‘’Mommy, niloloko mo naman ako eh. Alam naman natin na si Ellion lang ang nagbibigay sa iyo niyan dati nung kami pa. Sabihin mo sa akin ang totoo. Si Ellion nagbigay niyan ano? Pumunta ba siya rito?’’ sabi ko sa kanya. ‘’Ah, hindi anak ah. Ano ka ba naman? Porket parehas noong binibigay ni Ellion noon ay siya na agad? Hindi ba pwedeng ibang tao naman?’’ panloloko pa niya sa akin. ‘’Niloloko mo pa ako eh alam naman natin na si Ellion talaga iyan. Kung ano man ang sinabi niya sa inyo para maloko niya kayo eh pakisabi po na tumigil na siya dahil hindi ko na po talaga siya gusto,’’ napalunok ako sa sinabi kong iyon pero I have no choice. I have to say it. Napatingin sa akin si Mama na para bang nag-aalala na sa kanyang sasabihin. Unti-unti na siyang umupo na para bang ipapaliwanag na niya sa akin kung ano ba talaga yung nangyari. ‘’Anak, sorry na. Bigla na lang kasi siyang pumunta rito kanina kaya pinapasok ko naman. Eh, gusto niya ulit daw na manligaw,’’ sabi ni Mama sa akin na kinagulat ko naman. Ha? Bakit naman niya gagawin iyon? Para saan? Para mahulog ulit ako sa kanya at ano? Masasaktan na naman ako? Hindi na, ayaw ko nang mangyari pa iyon. Siya na nga itong nang-iwan, siya pa itong may gana na sabihin iyon? Grabe naman siya! ‘’Manliligaw ulit siya? Neknek niya, hoy! Wala na akong pakialam sa kanya, Mommy. Pasensya na po pero hindi ko na po iyan pagbibigyan kahit na ano pa ang mangyari,’’ sagot ko. ‘’Eh anak, anong sasabihin ko kapag gusto na niyang makipagkita sa iyo? Naku, ayaw ko naman siyang masaktan,’’ naaawa pa si Mommy sa kanya. ‘’Wala kang ibang sasabihin Mommy kung di ayaw ko na. Maiintindihan naman niya siguro iyon. Tagalog naman iyo,’’ sagot ko. Hindi na sumagot si Mommy sa akin. Hindi ko na rin siya kinausap pa dahil pumunta na ako sa kwarto ko. Nilapag ko roon ang mga bigay sa akin ni Benedict. Sobrang saya rin naman ng araw ko na kasama siya. ‘’Hala, ang ganda naman dito! Parang ang tagal mo na itong pinagka-abalahan ha? Eh sabi mo, kanina mo lang naisip?’’ ‘’Ah, matagal ko na kasing gustong gawin sa iyo ang mga ganitong bagay kaya feeling mo ay handing-handa talaga ako sa mga ganitong bagay.’’ ‘’Thank you kung ganoon. Ngayon na lang ako nakaramdam ng ganito ulit eh. Yung feeling na appreciated ako nung isang tao. Alam mo iyon?’’ ‘’Hayaan mo, darating naman tayo sa point na lagi kitang dadalhin sa mga ganitong lugar. Lalo na kapag naging tayo na talaga, di ba? ‘’Ah, yung tungkol naman dyan. Saka na natin pag-isipan siguro kapag nandyan na talaga, ha? Darating din naman tayo sa ganyang stage eh.’’ Nang matapos kami sa date namin. Habang nasa kotse ay kinausap ulit ako ni Benedict. ‘’Ay, nagustuhan mo ba yung pinuntahan natin? Maganda ba? Na-enjoy mo ba yung dinner date natin? ‘’Oo naman. Sobrang saya ko. Hindi ko akalain na mae-enjoy ko eh. Sobrang na-appreciate ko kung ano yung prinepare mo para sa akin. Salamat ha?’’ ‘’’Maraming salamat naman na nagustuhan mo kung ano man yung ginawa ko para sa iyo. Akala ko, hindi eh. Dahil sa sinabi mo, nabuhayan ang puso ko. May pag-asa pa pala na maging tayo.’’ Ano nga kaya ang mangyayari sa amin kung maging kami talaga? Ay, naku! Bakit ko ba naiisip iyon? Well, pwede naman pero hindi pa ako gaano ka-committed sa kanya. Hindi pa ako ganoon ka-in love katulad dati kay Ellion. Habang nag-iisip ako ng mga bagay-bagay sa nangyari kanina sa amin ni Benedict ay bigla namang tumunog ang phone ko. Isang unknown number ang lumabas kaya hinayaan ko lang. Anong paki ko roon? Baka mamaya bastos lang iyon eh. Hihiga na sana ako ulit nang bigla namang tumawag na naman yung unknown number. Dahil sa nakulitan na ako at baka importante rin yung tawag ay sinagot ko na siya. ‘’Hello, sino ba ito?’’ mataray ang tono ko nang sinabi ko iyon. ‘’Aurie, ako ito. Si Ellion. Bakit? Bakit ayaw mo na sa akin ulit? Aminin mo sa sarili mo, gusto mo pa rin ako, hindi ba?’’ lasing na lasing siya, alam ko. ‘’Aba, ang kapal naman ng mukha mo ha? Isa pa, paano mo nalaman ang number ko? Hindi ko naman binigay sa iyo ito ah!’’ inis pa na sabi ko. ‘’Hindi na importante kung kanino ko nakuha ang number mo. Ang importante eh sagutin moa ng tanong ko. Bakit ayaw mo na sa akin?’’ sabi ulit niya. ‘’’Tanungin moa ng sarili mo kung bakit ko ito nasabi. Alam mo iyan sa sarili mo. Ikaw ang unang nang-iwan sa akin, hindi ako.’’ Pagkatapos kong sabihin iyon ay binaba ko na yung tawag. Hindi ko na namalayan na may tumulo na pala na luha sa aking mga mata. May kirot din akong naramdaman sa aking puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD