Chapter 25

1334 Words
Ellion Jase Galit na galit ako sa sarili ko kung bakit nangyari ito sa akin. Dapat pala, hindi ko na lang siya iniwan noon. Ano kaya ang estado namin ngayon kung kami pa rin at hindi kami naghiwalay noon? Baka may anak na kami at kasal na. Kinikilig at natatawa ako kapag iniisip ko iyon pero inalis ko agad sa utak ko dahil naalala ko na naman yung sinabi ni Tita sa akin tungkol kay Benedict. Dahil sa inis ko ay napatawag ako kay Jonas. Yayayain ko na naman silang uminom ng alak. Alam kong tatawanan na naman nila ako pero wala na akong paki. Ang gusto ko lang ngayon ay maglasing at kalimutan na naman siya. Ang sakit pala talaga ma-reject. ‘’Oh, ano na naman ba ang problema mo? Huwag mo sabihin sa akin na iinom na naman tayo kasi brokenhearted ka? Hindi na ba talaga titigil iyan?’’ salubong sa akin ni Jonas nang makita niya ako na papalapit sa kanya. ‘’Pagbigyan mo na ako. Babalik na ako sa Mindoro eh. Hindi ko nga alam kung babalik pa ba ako. Mukhang wala naman na akong babalikan eh. Ayaw na sa akin ni Aurie talaga,’’ sagot ko kay Jonas. ‘’Oh, akala ko ba ay ayos naman kayo? May dinner date kayo noong isang gabi ba iyon o kagabi? Akala ko, natuloy iyon at okay na kayo,’’ sagot ni Jonas na may pang-asar pang ngiti sa akin. ‘’Iyon na nga eh, hindi naman kami natuloy kasi hindi siya pumunta. Sabi ni Tita sa akin, ayaw daw ng anak niya. Kaya, aalis na ako rito sa Manila at uuwi na sa Mindoro. Wala naman nang dahilan para ipilit ko pa ang sarili ko sa kanya eh,’’ sagot ko. ‘’Ah, ang sad naman noon. O siya, inuman na! Tatawagin ko na ang buong tropa ha? Dyan ka lang, ako ang bahala. Uuwi ka nang Mindoro na masaya,’’ may pang-aasar sa boses niya nang sabihin niya iyon sa akin. ‘’Eh naku, ha. Ayaw ko ng may dadalhin kang babae rito tapos ipapakilala mo sa akin. Hindi, hindi iyan ang sagot dyan ha? Hindi ko naman kailangan mambabae para makalimot,’’ sabi ko pa. ‘’Aba, wala naman akong sinabi ah? Sabi ko lang, sisiguraduhin kong makakalimutan mo si Aurie kapag nasa Mindoro ka na. Relax ka lang. magtiwala ka lang sa amin, kami ang bahala sa iyo,’’ pang-aasar pa rin sa akin ni Jonas. Natatawa na lang din ako pero deep inside ay masakit pa rin. Pagkatapos ng halos trenta minutos ay dumating na nga ang mga kaibigan namin. Nagulat ako nang may makita akong pamilyar na mukha sa mga dumarating. Kinalma ko muna ang sarili ko bago ako lumapit sa kanya. ‘’H-hello. H-Hindi ba kaibigan ka ni Aurie? Kaibigan ka rin pala ni Jonas? Hindi ko alam iyon ah,’’ sabi ko sa kanya. ‘’Oo. Naku, hindi lang si Jonas ang kilala ko sa mga kaibigan mo. Si Jairus din. Alam mo, nasa Alumni Homecoming din ako noon. Syempre, kilala kita,’’ sabi noong babae sa akin. Kilala niya ako? Naku, baka isa ito sa mga kaibigan ni Aurie na galit sa akin ah? Parang ayaw ko na tuloy itanong ang mga bagay-bagay tungko; kay Aurie. Bigla akong nagsisisi sa sa desisyon kong lumapit para makakuha ng balita tungkol kay Aurie ah. ‘’A-Ah, nandoon ka pala. May gusto sana akong tanungin sa iyo tungkol kay Aurie este kay Aurora. Kung pwede lang naman ha. Alam ko namang ako ang nang-iwan sa kanya at ang kapal ng mukha ko na tanungin pa sa inyo kung kumusta siya pero kung pwede ko lang naman malaman, Hindi kasi niya ako gustong kausapin kaya makikibalita na lang ako sa iyo,’’ hiling ko sa kanya. Alam ko namang hindi pa ako lasing sa puntong ito pero parang binaba ko na ang lahat ng pride na meron ako para sa kanya. Hindi ko na kasi alam kung ano ang gagawin ko. Siguro, huli na talaga ito. Kapag ayaw niya pa rin, hindi ko na susubukan pa. Uuwi ako ng Mindoro bukas pagkatapos ng gabi na ito. ‘’Ah, hindi ko alam kung tama bang ibigay sa iyo ang information about her kasi syempre, magagalit yung tao sa akin kapag pinayagan kita sa gusto mo, hindi ba?’’ sabi pa ni Jhulia sa akin. Ilang minuto pa ang nakalipas eh lumapit sa amin si Jairus. Ngumiti siya pagkatapos ay nagsalita. ‘’Jhulia, pakitulungan na itong kaibigan ko. Kailangan niya talaga si Aurora eh. Alam kong siya ang nang-iwan sa kaibigan mo pero aayusin naman na niya ngayon kaya pagbigyan mo na. Please?’’ sabi ni Julius, with puupy eyes pa. natatawa tuloy ako eh. ‘’Naku, eh baka nga magalit kasi si Aurora kapag pinangunahan ko siya. Mamaya i-friendship over pa ako noon kapag nalaman na nagtanong kayo sa akin eh,’’ sagot naman niya. Ramdam ko ang kaba sa bawat salita niya. ‘’Kami na ang bahala. Hindi naman namin sasabihin na ikaw ang nagsabi sa amin. Ako pa ba? Alam mo naman na your secrets are safe with me, di ba?’’ sabi pa ni Julius, pagkatapos ay kumindat kay Jhulia kaya natawa ako. Aba, mukhang may lihim nap ag-iibigan pa nga itong dalawa na ito. Naku, sana naman ay magamit ko ang koneksyon na meron sila para makausap o malaman ko kahit na anong tungkol kay Aurie. Hindi ko mapigilan, e. ‘’Hmm, sige na nga. Ibibigay ko ang number niya tapos kayo na siguro ang tumawag sa kanya ha? Ayaw ko kasing manggaling pa sa akin eh. Magagalit talaga iyon. Okay? Buti na lang, malakas ka sa akin, Julius. Naku!’’ inis pa na sabi ni Jhulia pero alam ko ay kinikilig naman siya sa kaibigan kong si Julius eh. ‘’Iyan! Sabi ko sa iyo pare, magiging ayos ang gabi mo. Ayusin mo na ha? Kailangan eh makuha mo na ang yes ni Aurora this time,’’ sabi ni Julius sa akin. ‘’Oo pare. Salamat. The best ka talaga. Sana nga ay mag-yes na siya this time,’’ sabi ko. ‘’oh, basta huwag niyong sasabihin sa kanya na ako nagbigay sa inyo ah? Malalagot talaga ako dyan eh. Naku,’’ sabi ni Jhulia sa amin. ‘’Oo, hindi ko talaga sasabihin. Pangako iyan,’’ sagot ko naman. Hinayaan na ako noong dalawa sa diskarte ko. Nagpakalasing akong konti saka ako tumawag sa kanya. Inis na inis pa ako noong una dahil parang walang balak na sumagot sa akin si Aurie. Aba, ayaw niya talaga akong kausapin ah. Ang sakit-sakit na! Nang tumawag ulit ako ay ramdam ko yung inis sa boses niya pero sobrang saya ko rin naman kasi finally ay sinagot na niya ang tawag ko. ‘’Hello, sino ba ito?’’ mataray ang tono niya nang sabihin niya sa akin ito. Parang may kirot tuloy sa puso ko. ‘’Aurie, ako ito. Si Ellion. Bakit? Bakit ayaw mo na sa akin ulit? Aminin mo sa sarili mo, gusto mo pa rin ako, hindi ba?’’ lasing na lasing na ang tono ko at alam kong alam niya iyon. ‘’Aba, ang kapal naman ng mukha mo ha? Isa pa, paano mo nalaman ang number ko? Hindi ko naman binigay sa iyo ito ah!’’ inis pa na sagot niya. ‘’Hindi na importante kung kanino ko nakuha ang number mo. Ang importante eh sagutin moa ng tanong ko. Bakit ayaw mo na sa akin?’’ matapang pa na sagot ko. Wow. Ang tapang mo naman, Ellion. Ikaw na nga ang nang-iwan, ikaw pa ang ganyan ngayon. Iba ka talaga eh. Ang lakas mo. ‘’’Tanungin mo ang sarili mo kung bakit ko ito nasabi. Alam mo iyan sa sarili mo. Ikaw ang unang nang-iwan sa akin, hindi ako.’’ Pagkatapos noon ay pinatay na nga niya ang tawag. Hindi ko na siguro talaga makukuha ang matamis niyang oo. Tiyak na wala na ako bukas dito sa Manila. Suko na ako. Hindi na ako aasa pa. Mahal ko siya pero tama na siguro ito. Mamahalin ko na lang siya sa malayo. Paalam na Aurie.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD