Chapter 26

1025 Words
Aurora Feliz Ilang araw na ang nakalipas noong kinausap ako ni Ellion. Inis na inis pa rin ako kapag naaalala ko kung ano ang sinabi niya sa akin. Day-off ko ngayon at nagso-scroll ako sa newsfeed nang biglang nakita ko ang isang picture. Nagulat ako nang makita na magkasama si Jhulia at Ellion sa isang picture. Uploaded ito few days ago. Dahil sa inis ko ay tinawagan ko agad si Jhulia para kumpirmahin ang lahat ng bagay sa kanya. ‘’Hello, napatawag ka? Anong meron, Aurie? Ayos ka lang ba?’’ tanong niya agad sa akin nang sagutin niya ang tawag. Hindi ko alam sa sarili ko pero nakaramdam talaga ako ng selos at konting kirot sa puso ko. Anong meaning nito? Bakit sila magkasama ni Jhulia noong isang gabi tapos hindi ko pa alam? Nagtatago na ba si Jhulia sa akin? ‘’Ah, may itatanong lang sana ako sa iyo. Kung pwede lang naman. Busy ka ba ngayon, Jhulia?’’ tanong ko pabalik. ‘’Ah, wala naman. Importante ba iyang tanong mo? Kung gusto mo, pupuntahan na lang kita sa inyo. Wala namang problema sa akin eh,’’ sabi pa ni Jhulia sa napakalambing na boses niya. ‘’Ah, huwag na. Ayos lang naman sa akin eh. Dito na lang tayo mag-usap. Simple lang naman ang tanong ko. Pwedeng-pwede mong sagutin dito sa call,’’ sabi ko pa. Pero sa loob-loob ko ay inis ako dahil hindi niya talaga sinabi sa akin ito pero magkasama naman kami noong isang araw. Huwag naman sana pero babae kaya ni Ellion si Jhulia? Ginagamit kaya ng ex-boyfriend ko ang kaibigan ko para magselos ako? Hay, naku! Hindi naman ako dapat magpa-apekto dahil wala na kaming dalawa. Siguro ay need ko na rin itigil kung ano ang nasa isip ko. Hindi nakaka-healthy. Baka mag-away pa kami ni Jhulia kung ituloy ko ang ganitong pag-iisip ko sa kanya. ‘’Oh, ano iyon? Sabihin mo sa akin, baka may problem aka. Nandito lang ako para makinig,’’ mabait pang sabi niya. ‘’Ah, gusto ko lang itanong kung bakit magkasama kayo ni Ellion noong isang araw? Nakita ko kasi sa newsfeed na magkasama kayo eh. Gusto ko lang itanong kung bakit? Saka, bakit hindi mo sinabi sa akin?’’ may inis sa tono noong sinabi ko. ‘’Ah, gusto ko sanang sabihin sa iyo kaso alam ko naman na maiinis ka lang sa akin kaya hindi ko na tinuloy. Pasensya ka na sa akin, si Julius kasi ang nagsabi sa akin na pumunta ako roon kaya hindi ako maka-hindi that time,’’ sabi niya pa sa akin. Ah, na-realize ko na tama naman ang sinabi ni Jhulia sa akin dahil naalala kong may gusto nga pala si Jhulia at Julius sa isa’t isa. Naalis naman agad yung pag-iisip ko sa kaibigan ko na babae siya ni Ellion pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit hindi niya sinabi sa akin iyon. ‘’Ah, okay pero hindi mo pa rin sinabi sa akin ah. Medyo nakakatampo. Kailan ba ito? Same day ba nang upload?’’ tanong ko sa kanya. ‘’A-Ah, Aurie ano kasi. Iyan yung gabi na ano eh,’’ nahihiyang sabi ni Jhulia sa akin. Hindi ko tuloy siya maintindihan. Bakit biglang humina ang kanyang boses? Parang nahihiya na ewan. Inulit ko tuloy ang tanong ko sa kanya. ‘’Uy, Jhulia. Ang sabi ko, kailan ito? Same day ba nang upload?’’ ‘’Ah, iyan kasi yung gabi na tumawag sa iyo si Ellion. Naaalala mo pa ba iyon?’’ nahihiya pa rin ang kanyang boses. Noong una ay hindi ko pa siya gets pero makaraan ang isang minuto ay na-realize ko na kung ano ang gusto niyang iparating sa akin. Inis na inis ako noon sa kanya pero wala naman na akong magagawa pa. Nangyari na eh. ‘’Ah, eh di ikaw pala yung kasama niya noon? Ikaw din siguro yung nagbigay ng phone number ko sa kanya. Tama ba?’’ may inis sa boses ko pero hindi ko masyadong pinahalata sa kanya. ‘’Ah eh, ano kasi. Sabi naman kasi nila, kakausapin ka lang daw ni Ellion kaya pinagbigyan ko na. di ba, matagal mo na rin naman siyang gustong makausap? Ngayon na nandyan na, ayaw mo na bigla? Nagmamakaawa na nga yung tao sa iyo eh,’’ pagtatanggol pa ni Jhulia kay Ellion. Doon na ako nainis sa kanya. Alam naman niya ang lahat ng nangyari before sa amin ni Ellion pero bakit doon siya kumakampi? Nandoon siya noong iniwan ako nitong ex-boyfriend ko pero bakit okay pa rin siya kay Ellion? Ellion, ano bang meron sa iyo? Bakit lahat sila ay gusto kung ano ang pinapakita mo? Grabe ka naman, kakabalik mo lang pero ganoon na agad sila kasaya na nandito ka na ulit sa Maynila? Para bang nakalimutan nila kung gaano karami yung iniyak ko noong nawala ka. Bakit ang bilis nilang magpatawad sa iyo? ‘’Kahit naman magmakaawa siya sa akin ay hindi ko na siya papapasukin pa sa buhay ko. Saka, may Benedict naman na ako ah? Alam mo naman iyon, di ba?’’ pagmamayabang ko naman sa kanya. Kinagulat niya iyon. ‘’Ha? Ayos na kayo ni Benedict? Eh isang taon na iyon nanliligaw sa iyo ah? Lagi namang busted dati. Akala ko, hindi na kayo maaayos,’’ sagot niya. ‘’Akala ko nga rin eh. Nakita ko na ayos naman pala siya bilang tao. Nakikita ko naman na mahal niya ako at nirerespeto kaya sinubukan ko. I think, magwo-work naman kami as a couple. Nakakailang date na rin naman kami eh,’’ sagot ko. ‘’Ah, good for you, Aurie. O teka, sasamahan ko muna si Julius ah? Ito kasing si Ellion, aalis na raw ng Manila kaya lalabas daw kami sa huling pagkakataon. Inuulit ko, pasensya ka na kung binigay ko sa kanya ang number mo, ha? Ang kulit kasi eh. Delete mo na lang kung ayaw mo na talaga sa kanya. O siya, aalis na kami,’’ sabi niya at binaba na ang tawag. Hindi ko alam kung bakit may kirot sa puso ko noong narinig ko na babalik na siya sa Mindoro. Parang gusto ko na naman siyang habulin pero ayaw ko rin namang magpakatanga sa kanya ulit. Hindi na, hindi na mangyayari iyon.                   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD