Chapter 27

1095 Words
Ellion Jase Bumalik na ako sa Manila para ayusin ang buhay ko. Pinilit ko na nga ang sarili ko para hindi na ako ma-distract sa mga gagawin ko pero wala, naiisip ko pa rin si Aurie kahit ayaw ko. Nakain ako ng breakfast noon nang biglang nagsalita si Mama sa akin. Ewan ko ba rito kay Mama, tahimik na nga ako pero todo kulit pa sa akin. ‘’Anak, may kaibigan ako. Single yung anak niya. Single ka rin naman, di ba? Ano kaya kung-‘’ hindi ko na pinatapos pa si mama dahil alam ko naman na ang sasabihin niya eh. ‘’Mama, huwag mo na pong ituloy kung ano man ang sinasabi mo. Alam ko na iyan. Hindi pa po ako mag-girlfriend. Okay? Ang dami ko pang trabaho para isipin po iyan,’’ sabi ko pa kay Mama. Feeling ko naman ay maniniwala naman siya sa sinabi ko dahil wala naman siyang alam sa giinawa ko sa Manila. Pero nagulat ako kasi iba ang sinagot niya sa akin. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano pero wala, iyan na eh. ‘’Hindi ka pa maggi-girlfriend o ayaw mo lang kasi mahal mo pa si Aurora? Sige nga, sabihin mo sa akin ang totoo, anak. Ano baa ng nangyari sa iyo sa Maynila?’’ tanong niya sa akin. Nagulat ako. Nandoon ba siya sa Manila at alam niya kung ano ang nangyari sa akin? Ang mga magulang talaga naman o. Hindi pa man nagsasalita. Ay alam na agad kung ano ang nasa puso ng kanilang anak. ‘’Mama, wala naman po nangyari sa Manila. Ikaw talaga. Kung anu-ano po ang nasa isip mo. Wala naman akong ginagawang masama eh,’’ sabi ko naman, nahihiya ako kaya lalo akong inasar ni Mama. ‘’Eh, maniwala sa iyo. Ano ka ba? Alam ko naman na mahal mo pa rin si Aurie kaya ka ganyan pero i-try mo naman itong anak ng kaibigan ko. Pwede ba? Wala namang masama kung susubukan mo, di ba? Ang tagal mo na kayang single, anak,’’ sabi ni Mama sa akin. O sige, isaksak niyo pa sa akin na single ako. Hindi naman kayo inaano dyan eh. Alam ko naman sa sarili ko na mahal ko pa rin si Aurie pero wala eh. Gusto ko munang maging mapag-isa at mag-focus na lang sa work. ‘’Masaya naman ako sa single life ko, Mama. Huwag mo na ako hanapan dahil baka hindi naman magtagal ang mga iyan,’’ sabi ko pa. ‘’Hindi magtagal o ayaw mo lang kasi nga mahal mo pa yung isa? Aminin!’’ pang-aasar ni Mama sa akin. Hay, naku! Hinuhuli na naman ako ng nanay ko. Sumagot pa ako at pinaglaban kung ano ang gusto kong sabihin sa kanya. ‘’Oo, Mama. Mahal ko pa siya pero hindi na para ipaglaban kung ano ang meron sa amin dati. Ayos na iyon. Tapos na po kami at malinaw sa akin iyon,’’ sagot ko. ‘’Eh may tanong ako. Nagkita ba kayo sa Manila? Alam mo na. ang liit naman kasi ng mundo niyo para hindi kayo magkita doon,’’ sabi ni Mama sa akin. ‘’Ah eh, ano po. Nagkita po,’’ mahinang sabi ko. ‘’Ah, kaya naman pala. Kaya ayaw mo roon sa ipapakilala ko sa iyo kasi nagkita kayo ni Aurie. Eh anong nangyari? May chance ba na magbalikan kayo?’’ sagot sa akin ni Mama. Sorry, Mama. Alam kong gusto mo rin siyang bumalik sa akin pero siya na yung ayaw sa akin. Ginawa ko naman lahat para magkaayos kami pero wala na. Huli na ako kasi may Benedict na siya. ‘’Ah, eh. Wala na raw eh. Kinausap ko naman siya pero iyon nga, may iba na siya eh. Ayos lang naman sa akin iyon kasi una sa lahat, ako naman ang nang-iwan sa kanya,’’ sabi ko. ‘’Aww. Sayang naman. Eh anak, ganoon talaga ang buhay. Kapag ayaw na sa atin noong tao, eh di tayo ang aalis. Marami pa naman na iba dyan, anak. Hanap ka lang. di ba, sabi ko naman eh may ipapakilala-‘’ ito na naman si Mama, nangungulit na naman sa akin. Sinabi ko na ngang ayaw ko eh. ‘’Mama, ayos na po iyon. Ayaw ko na. Kumain na nga lang po tayo at huwag na nating alalahanin kung ano man ang meron sa lovelife ko. Tawagin mo na si Minnie ha? Tulog pa yata iyon,’’  sabi ko. ‘’Ah, baka nga tulog pa siya. Titingnan ko muna sa loob ha? Dyan ka lang,’’ sabi ni Mama pagkatapos ay pumunta na siya sa kwarto ni Minnie. Kumain akong mag-isa habang hinihintay silang dalawa. Nasa isip ko pa rin yung sinabi ni Mama sa akin. Baliw eh. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit pinu-push niya akong mag-girlfriend na kahit gusto ko naman ang mag-isa. ‘’Mama, ano ka ba?! Akin na nga yung phone ko. Si Mama naman eh, pa-epal! Akin na sabi yung phone ko!’’ asar na asar si Minnie. Hindi ko alam kung bakit pero narinig kong tumawa si Mama sa kanya. ‘’Aba, buti ka pa anak. May lovelife ka na! Itong Kuya Ellion mo, wala pa eh. Ayaw pang mag-girlfriend eh bibigyan ko na nga siya eh,’’ narinig kong sabi ni Mama. Natawa naman ako. Ako na naman ang topic nila? Aba, buti naman at may boyfriend na ulit si Minnie. Sana, hindi na siya saktan noon. Napabalik ako sa aking senses nang ma-realize ko na   pati pala ako ay ‘’Mama, ano na naman ang sinasabi mo dyan kay Minnie? Ako na naman ang tampulan ng asaran ha. Ang bait-bait ko nga rito eh!’’ sabi ko. Umupo silang dalawa pagkatapos ay nagtatawanan. Masaya akong makita sila na nagtatawanan habang ang puso ko naman ay sugatan sa mga pangyayari sa amin ni Aurie sa Manila. ‘’ito kasing kapatid mo, anak. May boyfriend na. Nakita ko, may kausap na lalaki. Naka-video call sila. Ikaw, kailan ka?’’ pang-aasar ulit ni Mama sa akin. ‘’Mama, wala nga! Ano ba iyan. Ayos lang naman ako na single, di ba?  O, sino naman yung bago niyang boyfriend? Ipakilala mo nga sa akin iyan para mapatay ko,’’ pang-aasar ko naman kay Minnie pero alam naman niya na masaya ako para sa kanya. ‘’Kuya naman! Huwag kang mag-alala. Ipapakilala ko naman sa iyo iyon eh. Para lalo mong maramdaman na single ka talaga,’’ pang-aasar din ni Minnie sa akin. Tawa sila nang tawa ni Mama. Tumahimik na lang ako sa kinauupuan ko. Hay, naku! Kailangan na ba talaga ng asawa ngayon? Hindi ko pa kayang palitan sa puso ko si Aurie eh!      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD