Chapter 28

1052 Words
Aurora Feliz Ilang araw na ang nakakaraan nang kami ay magkita ni Benedict. Habang natagal ay nakikilala ko na siya. Medyo nagugustuhan ko na rin ang kanyang ugali. Ang sweet niya sa akin. Hindi ko alam kung kilig na ba ito o nararamdaman ko lang ito dahil siya yung nandyan. Naalala ko tuloy yung isa sa mga araw na sinamahan ko siya papunta sa Tagaytay. Tuwang-tuwa ako noon kasi noon lang ulit ako nakalabas mula sa bahay namin. Panay ako trabaho nitong nakaraan kaya nakita rin ni Benedict na pagod na pagod na ako eh. ‘’Ano? Ayos ba sa iyo itong nakuha kong place?’’ tanong niya sa akin noong araw na iyon. Yung place na sinasabi niya ay sobrang ganda. Lalo na kapag gabi. Kitang-kita ko ang mga butuin sa labas pagkatapos ay puro naman flower petals sa loob. Condo siya na ni-rent ni Benedict sa Tagatay para i-surprise ako. Sobrang appreciated koi yon. Ramdam na ramdam ko yung kilig sa puso ko. Ang sarap din noong pagkain na hinanda nila para sa amin. Talaga namang prepared si Benedict sa pagpapakilig sa akin. Hindi ko kinakaya, ha? Ano pa kaya ang kaya niyang gawin oras na sagutin ko siya? Baka deretso na iyon sa kasal ah? ‘’Benedict, I think this is too much,’’ sabi ko pero kilig na kilig ako syempre. ‘’Anong too much? Alam mo, kulang pa nga ito sa mga ginawa mo sa buhay ko eh. Alam mo ba, pinasaya mo ako dahil pinansin mo na ang nararamdaman ko sa iyo. Sana nga, magtagal na eh. Alam mo iyon? Sana eh maging tayo na,’’ sabi pa niya na kinagulat ko. Aminado naman ako na matagal nang nanliligaw sa akin si Benedict pero ngayon ko lang siya nabigyan talaga ng oras. Noon kasi, hindi ko makita ang halaga niya dahil mahal ko pa rin si Ellion noon. Siguro, moved on na talaga ako. ‘’Naku, ano pa kayang kaya mong gawin, ano? Baka mamaya niyan, bigla mo na lang akong pakasalan ha? Hindi pa ako handa. Ayaw ko pa,’’ sabi ko sabay tawa sa kanya hudyat na ako ay nagloloko lang. ‘’Paano kung oo? Paano kung sa susunod, singsing na nga ang surprise ko? Tatanggapin mo ba?’’ matapang na tanong niya sa akin, halos mabuga ko na nga ang iniinom ko dahil doon. Hindi ko naman akalain na seseryosohin niya kung ano man ang sinabi ko. Hindi agad ako nakapagsalita. Talagang inisip ko muna kung ano ang dapat na sagot. Parang ang aga pa kasi kung iisipin. ‘’Ano ka ba, nagloloko lang naman ako kanina. Huwag ka nga. Ang aga pa para isipin ang mga ganyang bagay, ha? Nag-uumpisa pa nga lang tayo, e. Di ba? Ikaw talaga,’’ nahihiyang sabi ko, kunwari ay natawa ako pero hindi talaga dahil sa sobrang hiya ko sa kanya. Uminom ulit ako ng wine para mahimasmasan ako sa mga narinig ko mula sa kanya. ‘’Eh ikaw kasi, kung anu-ano ang sinasabi mo sa akin. Napapalaban ka tuloy. Ano? Itutuloy mo pa pang-aasar sa akin ha?’’ natatawang sabi niya. Syempre, hindi ko na siya aasarin. Parang itutuloy niya kasi kung ano man yung sinabi ko eh. Ang lalaking ito pa naman eh madaming surpresa. Baka mapa-oo na lang ako bigla kahit na hindi pa ako handa. Hay, naku! ‘’Hindi na. O siya, ano bang meron at dinala mo ako rito ha?’’ tanong ko bigla. Hindi ko kasi siya nataong kung ano ang dahilan bakit kami pumunta rito. Alam kong gusto niya akong surpresahin pero hindi ko naman birthday, e. Hindi din naman kami para mag-celebrate kami agad ng monthsary. ‘’Ah, wala. Gusto ko lang naman na mapangiti kita. Mukhang nagawa ko naman kaya ayos na ako doon,’’ sabi niya sa akin, napangiti naman ako dahil doon. ‘’Grabe, so ano? Kaya mo bang bigyan ako araw-araw nito para lang maparamdam mo sa akin na mahal mo ako? Aba, kung ganoon ay masasabi kong iba ka,’’ sabi ko, natatawa pa rin ako sa kanya. ‘’Oo naman. Kayang-kaya ko gawin iyon pero nasa sa iyo naman kung tatanggapin mo ang bawat surprise na ibibigay ko sa iyo,’’ sabi niya sa akin. ‘’Huwag na, hindi naman na mahalaga sa akin kung may bigay ka sa akin o wala. Ang importante sa akin ay alam kong mahalaga ako sa iyo. For me, that’s already enough,’’ sagot ko. ‘’Ay, may ganyan. Kinikilig naman ako. Buti na lang at ginawa ko ito at na-appreciate mo naman iyon. Enjoyin na lang natin ang araw na ito,’’ sabi niya sa akin. Kumain na kami. Nag-usap kami sa mga bagay na hindi namin napag-uusapan dati. Ang saya ng mga bagay na pinag-usapan namin. Hindi ko akalain na ganoon ang nangyari sa buhay ni Benedict, ang daming pangyayari na hindi ko alam pero sobrang inspiring naman pala. ‘’Talaga? Ginawa mo iyon dati? Ang galing mo naman. I’m so proud of you. Kung ano ka ngayon, sure ako na pinaghirapan mo naman iyan at deserve mo itong lahat,’’ sabi ko sa kanya. Paano naman kasi, nalaman kong naglalako siya ng kung anong pwedeng itinda tapos nagkalakal din siya noong bata pa lang siya kaya ko nasabing deserve niya ang lahat ng ito ngayon. Isipin mo naman, kaya na niyang bilhin ang lahat ng gusto niya. He really worked hard for it, kaya for that ay proud ako sa kanya. ‘’Oo, ginawa ko lahat iyon dahil gusto kong umangat sa buhay pero syempre, nakababa pa rin ang paa ko sa lupa. Worth it naman lahat ng hirap ko kasi nandito na ako,’’ sabi ni Benedict sa akin. ‘’Good iyan. Keep it up. Alam kong mas magiging successful ka pa kasi ang bait mo sa mga taong nasa likod mo. Di ba? Lagi ka lang hihingi ng guidance kay Lord sa mga ginagawa at gagawin mo sa buhay,’’ sabi ko, nakangiti. I am really happy for him. ‘’Oo nga eh, sana i-guide Niya rin ako papunta sa puso mo. Ayie! Pwede ba iyon?’’ hirit pa niya. ‘’Naku, ikaw talaga. Tigilan mo na nga ang kakahirit sa akin at umuwi na tayo. Baka hinanap na ako ni Mommy eh.’’ ‘’O sige. Wala namang problema sa akin.’’ Iyon na, umalis na kami doon para umuwi na. Ano kaya kung sagutin ko na siya, ano?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD