Chapter 29

1006 Words
Ellion Jase Ilang araw na rin ang nakalipas nang mag-usap kami ni Mama dahil nga kay Kathrina. Si Kathrina ay ka-edad ko. Maganda naman siya, maputi pero aminado ako na mas maganda pa rin syempre si Aurie sa mata ko. Napagdesisyunan ko na bigyan ng chance itong sarili ko na makilala si Kathrina dahil ang kulit ni Mama sa akin. Isang beses lang. Pagkatapos noon ay tapos na. Pagbibigyan ko lang talaga si Mama para tumigil na. "Oh, magpa-pogi ka roon ah. Anak ng kaibigan ko iyon kaya dapat ay galingan mo. Unang kita niyo pa lang, dapat kayo na agad!" asar ni Mama sa akin. Natawa siya sa akin. "Mama, tama ka dyan! Kailangan na talaga ni Kuya ng girlfriend. Tumatanda na eh, baka mamaya eh tumandang binata iyan. Naku, patay tayo kapag ganoon ang nangyari!" pang-aasar pa ni Minnie sa akin. Sinagot ko tuloy siya. "Ikaw Minnie ah. Porket may boyfriend ka lang na bago dyan ay ganyan ka na magsalita. Hoy, gusto kong sabihin sa iyo na pwedeng-pwede pa rin na iwanan ka niyan. Tingnan mo!" sabi ko, naiinis siya pero ako ay natatawa. "Kuya naman! Joke lang eh. Oo na, stay single hanggang kaya mo. Pero sana, makahanap ka na rin talaga kasi feeling ko, ang lumgkot mo na," may pang-aasar na sabi ni Minnie sa akin. "O, tumigil ka na dyan. Nabawi mo na eh, humirit ka pa ulit. Talaga naman o! Mama, babalik na lang po ako mamaya ah? Ingat po kayo ni Minnie rito," sabi ko. "Basta ah, ingatan mo si Kathrina. Ang ganda noong batang iyon. Mabait pa! Wala kang masasabi roon, nak. Promise ko sa iyo iyan," hirit pa sa akin ni Mama. Ito namang si Mama, kikilalanin ko lang naman eh. Hindi pa ako makikipag-relasyon sa kanya, ano ba? Kayong dalawa ni Minnie, Ma ah? Ako ay pinagloloko niyo," naaasar na sabi ko pero joke lang naman iyon para sa akin. Alam iyan ni Mama. "Hay, naku! Paano eh mahal mo pa kasi si-" hindi ko na hinayaan pa na sabihin ni Mama ang pangalan ni Aurie. Iyon nga ang iniiwasan ko eh. "Mama, bibig mo. Ayaw ko munang marinig iyan ngayon. Moving on nga tayo, hindi ba? Tapos ganyan ang sasabihin mo? Mama naman," sabi ko. Napapailing na lang sa kanila ni Minnie eh. "Ay, oo na! Sige na. Pumunta ka na roon sa kung saan man niyo gustong magkita. Balitaan mo na lang ako mamaya, ha?" sabi ni Mama pagkatapos ay tuluyan na akong umalis ng bahay namin. Habang nagda-drive ako ay iniisip ko pa rin si Aurie. Hindi ko maiwasan. Naiinis na nga ako sa sarili ko dahil grabe na ang pagkagusto ko sa kanya. Baliw na ba ako? Hindi pa naman siguro ano? Ano ba ang meron sa iyo, Aurie? Ang puso ko? Hay, naku Ellion! Paano ka naman makikipagkilala sa ibang tao kung siya pa rin naman ang laman ng isip mo? Ayusin mo nga ang sarili mo! Pagkaraan ng ilang minuto ay nandoon na ako sa meeting place namin ni Kathrina. Nauna yata ako sa kanya. Wala pa kasi siya sa restaurant na iyon nang umikot ako. Umupo na lang ako sa vacant na upuan doon para hintayin siya. Ilang minuto pa ay nag-ring yung phone ko. Si Kathrina, tumatawag sa akin. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan pero iyon, ang lakas ng kaba ng dibdib ko. "Hey, Ellion! Padating na ako dyan ah. Wait for me. Medyo traffic lang kaya nahuli ako," sabi niya sa kabilang linya. Rinig na rinig ko ang traffic sa background niya. "A-Ayos lang naman sa akin. Don't worry, hihintayin lang kita rito. Okay? Gusto mo ba umorder na ako ng food para pagdating mo rito ay okay na? What do you think?" sabi ko sa kanya. Ewan ko ba kung bakit inoffer ko iyon pero ginawa ko na. I sounded like a gentleman doon ah? A new side of Ellion na nakita ko after my relationship with Aurie. "Oo naman, you can order na po. Basta, wait for me there ha? Pasensya na talaga at na-traffic. Okay, gotta go!" Pagkatapos noon ay binaba na niya yung tawag. Ako naman ay dumeretso na para tawagin ang isa sa mga waiter doon. I ordered iced tea and seafood pasta para sa aming dalawa ni Kathrina. Iyon nga lang, hindi ko alam kung nakain siya noon o hindi. Ilang minuto pa ang lumipas ay nakita ko na si Kathrina na papalapit sa akin. Ngumiti ako sa kanya bilang pagbati ko. Nang umupo na siya sa harapan ko ay parang nanlamig ang buong katawan ko. Alam ko pa ba kung paano manligaw? Parang hindi na. May takot na kong nararamdaman. "Hi, it's nice to finally meet you, Kathrina." "Nice to meet you too, Ellion." Ang akala ko ay hindi siya maganda sa personal pero napahanga ako kasi iba pala ang itsura niya. Hindi naman sa sinasabi kong sa itsura lang ako bumabase pero hindi ko maiwasan na hindi mapatingin sa ganda niya. "Please have a sit. Hmm, sana naksin ka ng seafood pasta. Iyon kasi ang inorder ko para sa atin," sabi ko. "A-Ah, nakain naman ako niyan. Hindi ko nga lang paborito pero no worries naman," sabi ni Kathrina sa akin. "Ah, gusto mo ba ay baguhin ko ang order mo? Pwede pa naman siguro iyon, on the way pa lang ang order ko eh," sabi ko. Nahihiya kasi ako sa kanya. "Ah, hindi na. Ayos lang naman sa akin iyan. Okay pa nga kasi mas healthy na food yung pinili no for us," sabi ni Kathrina sa akin. "Sure ka ah? O sige, hintayin na lang natin." . Pagkatapos nito ay nag-usap na kami sa mga bagay-bagay sa buhay. Sobrang saya pala kapag may ka-kwentuhan ka ng mga nangyayari sa buhay mo. Ewan ko. Siguro ay miss ko na ang ganoon kaya ito ang nararamdaman ko ngayon. Masayang kausap si Kathrina. Natuwa ako kasi makulit siya makipag-usap. Lahat ng bagay, may opinyon siya at laging may laman. ang mga iyon kaya napahanga niya talaga ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD