Aurora Feliz
Maganda ang gising ko ngayon. Magkausap kasi kami ni Benedict na ngayon niya ako ihahatid sa work. Sabi niya, araw-araw na raw iyon tapos kapag day off ko naman daw eh magde-date kami. Hay, naku! Para akong prinsesa eh kapag siya ang kasama ko. Sobrang sweet!
“Anak, kain ka ng marami kasi may pasok ka ngayon ha? Nagluto ako ng bacon and egg dyan,” sabi sa akin ni Mommy.
“Okay po, Mommy. Kakain po ako agad. Wait lang po. Sasagutin ko lang po ang text ni Benedict sa akin,” sabi ko.
“Wow. Talagang close na close na kayo ng Benedict na iyan ah? Sasagutin mo na ba, anak?” tanong sa akin ni Mommy na labis kong ikinagulat.
Sasagutin ko na ba talaga siya? Ito na ba ang araw na iyon?
“A-Ah eh, hindi ko po alam, Mommy. Sa ngayon po kasi, ay masaya naman ako sa company na meron siya. Hanggang doon lang po muna iyon,” sabi ko, nahihiya pa. Hindi ko alam kung ano isasagot ko eh.
“Ah, ganoon ba? Eh tama naman iyan, anak. Enjoy lang. Kung para sa iyo talaga si Benedict eh di para sayo talaga siya. Wala nang makakapagpabago noon, kahit ako na Mommy mo. Okay?” sabi ni Mommy sa akin, natuwa naman ako kasi payag na siya kay Benedict.
“Wow, ibig mo bang sabihin eh tanggap mo na si Benedict kung sakali man na sagutin ko siya? Hmm, bago iyon ah. Akala ko, panay Ellion ka na lang eh. Hindi naman pala,” sagot ko sa kanya.
“Eh wala na eh. Talagang talo na ang manok ko kaya hindi ko na ipipilit pa. At saka, nakita ko naman kasi anak na masaya ka kaya sino ba naman ako para pigilan ang kasiyahan mo, hind ba?” sabi ni Mommy sa akin na labis ko talang kinatuwa.
Finally! Nagising na rin sa katotohanan ang aking ina. Buti naman at na-realize na niya kung ano yung pino-point out ko noon pa. Oo, alam ko sa sarili ko na kahit konti ay may pagmamahal pa rin ako kay Ellion pero hindi na katulad dati. Ang layo nang mindset ko ngayon sa mindset ko noon. Mas natuto na ngayon.
“Ay, buti naman Mommy ay ganyan na ang mindset mo ngayon. Thank you for giving Benedict the chance to prove himself to you. Promise, hindi ka po magsisisi na binigyan mo po siya ng chance,” masayang sabi ko.
“Ngayon lang iyan. Kapag nakita ko na sinaktan ka niya, hindi ko na siya gusto. Babalik ang boto ko kay Ellion oras na saktan ka niya. Okay? Kaya umayos siya,” sabi ni Mommy. Natatawa na lang ako eh.
Akala ko, wala na si Ellion sa usapan. Nandoon pa rin pala. Hindi pa rin natatapos ang pagkukumpara ni Mommy sa kanilang dalawa. Tumahimik na lang ako habang nakain. Napansin yata iyon ni Mommy kaya tumahimik na lang din siya. Habang nag-aayos ako ng aking sarili ay tumawag naman si Benedict sa akin. Masaya ko iyong sinagot.
“Hi, good morning! Papunta kana rito?” tanong ko, may saya sa boses ko noong sinabi ko iyon.
“Hello, good morning din, Aurora. Ready ka na ba? Papunta na ako dyan. Wait mo lang ako ah. May dinaanan lang ako,” sabi ni Benedict sa kabilang linya.
“Yes, ready na ako. Nag-aayos na lang ng konti pero palabas na. Hihintayin na lang kita roon sa labas ah? Can’t wait to see you!” ramdam ang saya sa boses ko, alam kong alam iyon ni Benedict dahil nag-react siya about it.
“Wow. I feel like you are so excited about it, Aurora. Hmm, pupunta na ako dyan. Konting saglit lang na lang,” sabi niya sa akin, natawa na lang ako sa sarili ko.
Masyado bang halata na excited ako? Naku, mukhang kailangan kong ibaba ng konti iyon ah. Baka mamaya masabi niya sa akin ang mahiwagang tanong. Hindi pa ako ready! Gusto ko pa siyang kilala.
“Ay, hindi naman. Konti lang. O sige na, may tatapusin lang ako para kapag nandito ka na ay mabilis na tayong makakaalis. Thank you, Benedict!” sabi ko pagkatapos ay binaba ko na yung tawag. Hindi ko na nga narinig kung ano yung sagot niya eh.
Wala pang sampung minuto ay nandoon agad si Benedict sa may gate namin. Pinapasok siya ng Mommy ko. Kahit excited ako ay kinalma ko muna ang sarili ko. Ayaw ko munang ipahalata kay Benedict na nagugustuhan ko na siya.
“Hello, good morning po. Nandito po ako to pick up Aurora. Ready na po ba siya?” narinig kong tanong niya kay Mommy with his sweet voice.
Lalo akong lumalambot. Hindi ko maintindihan. Paano pa kaya kapag nakita ko na siya? Oh my gosh. I can feel those butterflies in my stomach! In love na nga yata ako sa kanya.
“Ah, oo. Nasa loob pa siya ng kwarto niya, Benedict. Lalabas din iyon mamaya. Hintayin mo lang. Tatawagin ko na nga rin siya, e. Late na kasi yung batang iyon. Teka lang ha. Aurora, lumabas ka na dyan at nandito na si Benedict!” sabi ni Mommy.
Inayos ko ang sarili pagkatapos ay lumabas na sa may pintuan. Nakangiti ako pagkatapos ay tumingin kay Benedict. He smiled back at me.
“Oh, alis na kayo at late ka na. Benedict, ikaw na ang bahala sa anak ko ha. Masungit lang iyan kung minsan dahil mana sa akin pero mabait naman iyan. Lagi mo lang pakainin para lagi kayong magkasundo,” pang-aasar pa ng Mommy ko sa akin.
Tiningnan ko siya nang masama pero at the same time ay natatawa ako kasi naloloko na niya nang ganoon si Benedict. Ibigsabihin, talagang binubuksan na niya ang puso niya sa pagtanggap dito sa bagong tao sa buhay ko.
“Mommy naman talaga! Nang-iinis ka ano? Sige na, aalis na po kami at late na nga talaga ako,” paalam ko sa kanya. Hinalikan ko ang pisngi niya at tumingin na kay Benedict, hudyat na umalis na kami.
“Tita, alis na po kami ha? Salamat po. Huwag po kayong mag-alala. Lahat po ng sinabi niyo ay noted na po. Thank you po ulit. Ingat po kayo rito,” paalam naman ni Benedict kay Mommy. Tumango na lang si Mommy sa kanya bilang tugon.
Paglabas namin ng bahay ay kita kong sobrang saya ni Benedict. Hindi man niya sabihin pero ramdam ko na sobrang saya niya. Sabagay, matagal-tagal na rin naman siyang naghihintay sa pagtanggap ni Mommy sa kanya. Ang sakit kaya na lagi siyang nakukumpara kay Ellion kahit na ang layo-layo naman ng ugali nila sa isa’t isa. Masaya ako na kahit paano ay nawala na ang tinik sa puso ni Benedict kahit paano.
“Let’s go. Mukhang mahabang-mahaba na yung ngiti mo dyan eh. Easy lang. Baka hindi ka na makapag-drive niyan ha. Kitang-kita ko ang saya mo eh,” sabi ko pagkatapos kong sumakay sa kotse niya.
“Aba, sino ba namang hindi sasaya? Eh yung gusto kong mangyari, nangyayari na. Teka, paano mo pala napabago isip ni Tita tungkol sa akin? Biglaan eh. Nasurpresa ako,” sabi niya.
Ito na nga ba yung sinasabi ko. Mapapa-amin na yata ako ngayon ah. No. I need to explain this a lot more. Sana ay hindi niya mahalata or what.Huminga akong malalim bago ako nagsalita.
“Ah, eh kasi ang sabi ko sa kanya eh bigyan ka ng chance. Ako nga, binibigyan kita ng chance na makilala pa kita di ba? Sabi ko sa kanya, dapat ganoon din siya. Wala namang masama eh,” sabi ko. Sana eh okay lang yung mga sinabi ko. Hay, naku!
“So, you are really giving me a chance? I mean, you are opening your heart to me na?” tanong niya, ramdam ko yung kilig sa boses niya. Gusto ko na ring kiligin pero kinalma ko pa ang sarili ko.
“Ah, eh. Oo naman. I mean, wala naman siguro tayo rito sa posisyon na ito kung hindi ko binibigyan ng chance yung sarili ko, di ba?” sagot ko, mukhang namumula na yung pisngi ko. Ang init eh.
“Ay, buti naman. For me, okay na ang sinabi mo sa akin ngayon. I mean, sapat na iyon para magpatuloy ako sa panliligaw ko sa iyo. Halika na nga, ihahatid na kita. Masyado na akong kinikilig rito eh. Baka mamaya niyan eh hindi ko na mapigilan,” sabi pa niya sa akin, natawa naman ako pero hindi ko pinakita sa kanya.
“Oo nga. Tara na. Baka mamaya niyan eh masagot na kita eh, mahirap na,” asar ko sa kanya.
Pagkasabi ko noon ay napatahimik siya bigla. Kitang-kita ko na lalo siyang kinilig doon sa sinabi ko. Dumating pa nga sa point na napahawak na siya sa kamay ko sa sobrang kilig habang nagda-drive. Habang nakahawak siya sa kamay ko ay nakatingin lang ako sa kanya. Alam kong alam niya iyon dahil paminsan-minsan eh hindi niya maiwasan na hindi tumingin sa akin.
Hay, naku. Ang swerte ko naman sa lalaking ito. Alam mo yung feeling na kahit ilang beses ko na siyang hindi sinagot ay nandito pa rin siya para sa akin. Handa pa rin siyang maghintay. Hindi katulad ng iba na. bigla na lang. akong iniwan na wala man lang sapat na dahilan.