Chapter 52

2352 Words
Ellion Jase Pinahinga ko na lang ang isip ko at nag-drive pa-uwi. Baka kasi kung ano pa ang mangyari sa akin kapag nag-isip ako nang nag-isip sa mga bagay na iyon. Nang malapit na ako sa bahay ko ay nagulat na lang ako dahil may kotse sa harapan ng bahay ko. Dali-dali akong pumunta roon para i-check kung sino iyon. mas nagulat ako nang ma-realize ko na pamilyar yung kotse. Kay Jairus ito. Pero na-realize ko rin at natanong ang sarili ko, bakit naman pupunta si Jairus dito eh napakalayo nito sa Manila? Pinikit ko ang mga mata ko kasi baka hindi totoo itong nakikita ko pero noong binuksan ko ulit ito ay nakita ko pa rin ang kotse ng kaibigan ko. Na-confirm ko pa ito lalo noong bumaba siya sa kotse niya. Mukhang kanina pa ako hinihintay nito. Bumaba na rin ako ng kotse ko at pinatay ang makina nito. Ano kayang problema? Bakit nandito ito? Nang lumapit siya sa akin ay parang naiiyak siya. Agad ko siyang pinapasok sa loob ng bahay para roon kami mag-usap. Feeling ko kasi, hindi siya agad makakapagsalita kung dito lang kami sa labas mag-uusap. Isa pa, galing pang Maynila itong kaibigan ko kaya alam kong pagod ito sa byahe. ‘’Oh, pasok ka muna. Halika dito sa loob,’’ yaya ko sa kanya, pumasok naman siya at naupo sa sofa. ‘’Salamat pare,’’ maikling sagot naman niya. Pumunta naman ako agad sa kitchen para maghanda ng makakain namin at nagtimpla na rin ako ng iced tea. Alam kong gabi na pero dahil hindi ako handa, ham and cheese sandwich lang ang nagawa ko. Hindi naman kasi niya sinabi na pupunta siya rito eh. Kung alam ko lang, bumili na siguro ako sa mall. Pagbalik ko sa sala ay nakaupo pa rin siya roon. Tinitingnan niya yung baby picture ko with family. Hindi ko alam pero nakita kong nakangiti siya roon kaya tinawag ko ang pansin niya. Halata ko namang nagulat siya at natawa na lang sa akin. ‘’Huy, ano bang ginagawa mo dyan? Ang cute ko ‘no? Crush mo na ba ako?’’ asar na tanong ko sa kanya. ‘’Huy, manigas ka! Hindi, mukha kang bulate dyan sa baby picture mo ah? Bakit hindi mo kamukha ang mga magulang mo? Tsk,’’ asar naman niya sa akin pabalik. ‘’Naku, huwag mo na i-deny. Alam kong cute ako dyan sa picture ko. O, ito na yung pagkain mo. Pasensya ka na at iyan lang ang naihanda ko. Hindi ka naman kasi nagsabi na pupunta ka rito eh. Kung nagsabi ka eh di sana eh pinaghanda kita, di ba?’’ sabi ko sa kanya, bahagya naman siyang natawa doon sa sinabi ko. ‘’Eh pasensya ka na, hindi na ako nakapag-text sa iyo kasi biglaan din naman ang desisyon ko na puntahan ka rito. Pero teka, mukhang ginabi ka na ng uwi ah? May pinuntahan ka ano? Si Kathrina ba iyan?’’ tanong niya sa akin na may pang-asar na tingin. ‘’Loko ka rin eh ‘no? teka, magsho-shower muna ako at magpapalit ng damit. Dyan ka muna. Huwag kang papasok ng kwarto ko ha? Baka pumunta ka pa roon eh,’’ asar ko sa kanya. ‘’Asa ka naman! Ang pangit mo para pagnasahan ko ah. Ewan ko sa iyo,’’ asar niya ulit sa akin. ‘’Weh? Eh noong highschool tayo, panay ang tingin mo sa akin noon. Nahuhuli pa nga kita, di ba? Aminin mo na kasi, crush mo ako eh!’’ asar ko sa kanya pagkatapos ay pumunta na nga sa kwarto ko para doon ay magbihis. Tawang-tawa ako noong pumasok ako sa loob. Humiga muna ako saglit sa kama at noong medyo nakapahinga na ako ay nag-shower na ako. Ayaw ko naman kasing bigla na lang akong magsho-shower eh hindi pa naman ako nakakapahinga. Papasmahin lang ako kapag ginawa ko iyon. Nang matapos akong mag-shower at magbihis ay lumabas na ako para harapin si Jairus. Natatawa ako sa kanya dahil parang kanina pa niya talaga ako hinihintay. Nang lumapit na ako sa kanya ay saka siya nagmaktol sa akin. ‘’Ang tagal mo naman! Akala ko, lalabasan na ako ng ugat dito kakaintay eh. Wala ka talagang balak na lumabas dyan sa kwarto moa no? Buti, naisip mo ako!’’ sabi ni Jairus sa akin, tinawanan ko lang siya saka ako umupo sa tabi niya. ‘’Hindi ah, matagal na ba iyon? Hindi pa naman ah. Ang bilis-bilis ko ngang lumabas eh. Buti nga, lumabas pa ako. Oras na kaya ng pahinga ko, ano? Dapat hindi na ako natanggap ng bisita ngayon,’’ asar ko pa sa kanya. ‘’Aba, napunta ka lang dito sa Mindoro eh ganyan ka na? Naku, talaga naman. People change!’’ asar niya ulit pabalik sa akin. Tawanan pa kami nang tawanan noon pero naisipan ko na siyang tanungin kung ano nga ba ang dahilan kung bakit siya pumunta rito. Napansin ko na biglang nag-iba ang tono niya simula noong tinanong ko siya tungkol doon. ‘’O, seryosong tanong na. Anong meron at pinuntahan mo ako rito? May problema ka, ano?’’ ‘’Grabe ka naman sa akin. Hindi ba pwedeng gusto lang kitang puntahan dito? Aba, buti nga at pinuntahan pa kita eh,’’ sabi niya sa akin, hindi naman ako naniniwala sa kanya. Noong nasa Manila kasi ako, kapag may problema ang isa sa amin ay pinupuntahan talaga namin ang isa’t isa ni Jairus. Kahit anong problema ay mabibigyan namin ng advice at sigurado kami na susundin namin iyon kahit na ano pa ang mangyari sa amin. ‘’Para naman tayong bata niyan kung hindi mo talaga sasabihin sa akin kung ano ang problema mo. Ano nga? Dali na, para mabigyan na natin ng solusyon,’’ sabi ko sa kanya. ‘’Ikaw muna, bakit gabi ka na umuwi? Eh di ba, kanina pa dapat ang out mo sa trabaho? Nambabae ka na naman siguro, ‘no?’’ pag-iiba pa niya ng usapan. Nahihiya siguro talaga siya sa akin kung ano ang problema niya. Ako na lang ang gumawa ng paraan para mag-kwento siya sa akin. ‘’O, sige. Ganito na lang ang gawin natin, ah? Kapag nag-kwento ka sa akin ng problema mo ay sasabihin ko rin agad kung saan ako galing. Para quits tayo. Ayos ba iyon?’’ sabi ko sa kanya, hindi agad siya nagsalita at parang nag-isip pa kung paano sasabihin sa akin ang totoo. ‘’Pare kasi, may problema kami ni Jhulia ngayon. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko pero alam ko rin naman na mali talaga ako roon,’’ sabi niya sa akin. Bahagya naman akong naguluhan sa sinasabi niya dahil ang huling pagkaka-alala ko ay ayos naman sila ni Jhulia. Tinanong ko pa siya kung ano talaga ang nangyari dahil nga naguguluhan ako sa kanila. ‘’Anong sinasabi mong prroblema eh noong huling pumunta ako sa Manila ay okay naman kayo, di ba? Anong problema ang sinasabi mo dyan?’’ ‘’Pare, nambabae ako eh. Hindi ko rin alam kung bakit ko-‘’ hindi ko na siya pinatapos sa kung ano man ang sinasabi niya sa akin. ‘’Ano? Nambabae ka? Paano? Kailan ka pa natuto niyan? Aba, ang kilala kong Jairus ay loyal kay Jhulia,’’ sabi ko sa kanya, indikasyon na hindi ko siya kinakampihan sa ginawa niyang iyon. ‘’Alam ko. Natukso ako pare. Ang ganda kasi noong babae. Nakilala ko lang sa inuman. Hindi ko naman akalain na magtatagal kami nang pag-uusap. Ano na ang gagawin ko, pare? Galit na galit sa akin si Jhulia ngayon,’’ kwento niya sa akin. Napa-iling na lang ako sa kung ano ang sinasabi niya. Kahit kaibigan ko siya ay hindi ko siya kakampihan dito sa ginawa niya. Kahit naman kasi kaibigan ni Aurie si Jhulia ay may respeto pa rin ako roon sa tao. Naging loyal at faithful naman iyon sa kaibigan ko. ‘’Alam mo naman siguro na hindi kita kakampihan sa ginawa mong iyan, hindi ba? Ikaw ang may mali dyan. Malinaw naman iyon sa iyo, hindi ba?’’ sabi ko sa kanya. ‘’Oo naman pare, alam ko iyon pero gusto ko pa rin naman na maayos kami. Siya pa rin naman talaga ang mahal ko eh. Sadyang nagkamali lang ako, tao lang,’’ sagot niya sa akin. ‘’Eh anong sabi ni Jhulia tungkol dyan? Baka naman gusto na niyang makipaghiwalay ah? Kapag ganoon, wala na tayong magagawa pare,’’ sabi ko sa kanya. ‘’Hindi naman sa ayaw na niya. Wala naman siyang sinabi sa akin na break na kami eh, galit na galit lang siya sa akin. At saka, sana naman ay huwag na umabot pa sa ganoon. Ayaw ko naman na bitawan na lang niya ako. Ang tagal na namin, ngayon pa ba kami bibitaw sa isa’t isa? Hindi ako papayag,’’ sabi niya sa akin, sa boses niyang iyon ay halata kong totoong ayaw niyang mawala si Jhulia sa kanya. ‘’Ayaw mong mawala sa iyo pero niloko mo naman yung tao? Ano ba naman iyon? Sa susunod kasi, isipin mo muna ang mga desisyon mo sa buhay. Kung ayaw mo pala makasakit eh bakit mo ginawa iyon? Hay, naku. Ano ang gusto mong mangyari ngayon?’’ tanong ko sa kanya. ‘’Hindi ko alam pare. Gusto ko munang mag-isip kung paano ko maibabalik yung buong tiwala niya sa akin eh. Alam kong mahirap pero gagawin ko naman lahat ng iyon para sa kanya. Iyon nga lang, pwede mo ba akong tulungan?’’ nagulat ako sa tanong niya. ‘’Ha? Bakit naman ako? Nandyan naman si Jonas o si Leo, ang dami nating tropa sa Manila, ah? Bakit sa akin ka magpapatulong eh ang layo-layo ko na nga sa inyo?’’ tanong ko sa kanya. ‘’Eh, alam mo naman na lolokohin lang ako ng mga iyon sa ganito. Panay kalokohan lang ang ipapagawa nila sa akin eh. Ikaw lang ang matinong kausap pagdating sa mga ganitong bagay. Alam mo iyan,’’ sabi niya, he sounded desperate. ‘’Ikaw itong nagkamali tapos isasali mo ako dyan. Ikaw talaga! Gusto mo pa akong pauwiin doon sa Manila eh tahimik na nga ang buhay ko rito. Hindi, hindi ako tutulong sa iyo,’’ sabi ko pa. ‘’Pare naman, aminado naman ako na mali ako eh. Ang gusto ko lang ay maayos ang mali ko. Please? Hindi naman masama ang gagawin natin. Kung masama ito, hindi naman kita isasama,’’ sabi niya sa akin, nagmamakaawa na talaga sa akin na tulungan ko siya. ‘’Paano ang trabaho ko rito, ah? Sige, sabihin mo nga sa akin. Akala mo naman eh madaling bumalik sa Manila basta-basta,’’ sabi ko sa kanya. Pero ang totoo kasi kaya ayaw ko na pumunta pa roon ay dahil nandoon sila ni Benedict. Ayaw ko na ma-feel nila na para bang gusto ko silang sirain. Para na rin iyon sa akin kasi at least ay hindi ko sila makikita, hindi ko na masasaktan pa ang sarili ko sa mga bagay-bagay. ‘’Eh, alibi mo lang iyan eh. Ayaw mo lang pumunta roon kasi nandoon si Aurie at Benedict. Ano? Hindi ka pa rin moved on sa inyo eh ikaw nga ang may gustong makipaghiwalay noon, ah?’’ sabi niya sa akin. Aba, ang bibig ng lalaking ito ah. Dali nang dali sa akin eh hindi pa nga ako sumasagot ng oo sa kanya na sasama ako sa Manila. Bahala ka dyan, mas lalong hindi ako sasama sa iyo. Akala mo ha? ‘’Baka nakakalimutan mo ah, hindi pa ako nagye-yes sa gusto mo. Baka lalo akong hindi sumama dahil dyan sa sinabi mo. Paalala ko lang,’’ pananakot ko, bigla naman siyang tumiklop na para bang bata. ‘’Eh pare, alam mo naman na joke ko lang iyon. Sorry na, o. Hindi ka naman mabiro,’’ sabi niya, mistulang maamong tupa. ‘’Joke iyon? Sigurado ka ba dyan? Ewan ko sa iyo. Hindi kita tutulungan!’’ sabi ko pa sa kanya. Well, tutulungan ko rin naman siya sa huli pero kailangan ay matuto din siya na hindi sa lahat ng bagay ay tutulungan ko siya with open arms. Para na siyang bata eh. Kailangan na rin naman niyang matuto na mag-solve ng problem on his own. ‘’Pare, sayang naman ang punta ko rito. Sige na, tulungan mo na ako. Promise, hindi na mauulit. Hindi ko na babanggitin pa ang pangalan ng ex-girlfriend mo kapag nag-uusap tayo,’’ sabi pa niya sa akin, natatawa na lang ako deep inside eh. ‘’O, siya. Huli na itong tulong ko sa iyo ah? Sa susunod na magkaroon ka ulit ng problema mo, ikaw na dapat ang mag-solusyon. Aba, matanda na tayo pare. Hindi na dapat ako nakikigulo pa sa mga problema mo. Hanggang payo na lang ako sa susunod pero yung mga plano, ikaw na iyon ha?’’ sabi ko sa kanya. ‘’Oo, pare. Pangako ko sa iyo, last na ito. Ayaw ko lang talagang mawala si Jhulia sa akin eh. Eh, ibigsabihin ba nito eh uuwi ka sa atin sa Manila?’’ may liwanag na ang mukha niya nangsabihin niya iyon. ‘’Oo naman, ano pa bang ibigsabihin noon? Eh di, uuwi ako ng Manila. Pero, pare ah, kapag okay na kayo ni Jhulia ay babalik na ako dito sa Mindoro. Alam mo naman na marami na akong trabaho rito. Okay?’’ sabi ko sa kanya. ‘’Oo sige pare. Naiintindihan ko. Sapat na sa akin na tutulungan mo ako na bumalik sa akin si Jhulia. Salamat, salamat talaga. Akala ko kanina, hindi na kita mapapapayag eh. Kinabahan ako roon ah, buti na lang at pinili mo pa rin ang pagkakaibigan natin,’’ sabi niya, ngiting-ngiti pa. ‘’Oo, tutulungan pa rin kita kahit kung anu-ano na ang sinabi mo sa akin kanina. Ikaw talaga! O, ubusin mo na iyang pagkain mo para makapagpahinga na ako,’’ sabi ko pa sa kanya. ‘’Aba, may nakakalimutan ka yata pare? Ang sabi mo kanina, sasabihin mo sa akin kung saan ka galing kapag kwinento ko sa iyo ang problema ko. Pare ah, huwag kang madaya,’’ sabi niya sa akin. Napasapo ako sa aking noo nang ma-realize ko na hindi ko pa nga pala nasasagot ang tanong niyang iyon. Hay, naku. Kapag ito talagang si Jairus ang kausap ko, wala akong takas eh. Paano ko nga ba sasabihin sa kanya ang lahat?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD