Aurora Feliz
Nakakailang araw na rin simula noong in-add ako sa social media ni Kathrina. Dahil hindi naman ako ganoon kasamaeh ina-accept ko rin naman siya. Isa pa, gusto kong makita kung ano ang mga pino-post niya para kahit wala sila ni Ellion dito sa Maynila ay updated pa rin ako sa kanila. Sabi naman ni Jhulia sa akin eh pati rin naman daw sila ni Patricia ay in-add ni Kathina kaya feeling ko, wala naman siyang problema sa akin. Lalo na at maayos naman akong nakitungo sa kanya noong nakasama namin sila ni Ellion.
Ngayon ay nasa bahay ako ni Jhulia dahil nagyaya siya ng inuman sa kanila. Gusto sanang sumama ni Benedict sa amin kaso sinabi ko sa kanyang huwag na kasi puro babae kami. Ayaw ko naman ma-awkward ang mga kaibigan ko sa akin. Isa pa, this is a girl talk kaya hindi talaga pwede si Benedict dito.
Paano naman kasi, nahuli ni Jhulia na may ka-text na iba si Jairus. Ang tawagan daw ay love kaya ngayon eh magka-away sila at mukhang magbe-break na rin dahil iyak nang iyak ngayon si Jhulia sa amin. Si Jairus, hindi pa niya ma-contact kaya lalo siyang galit na galit ngayon.
‘’Eh baka kasi love naman yung pangalan noong babae na kausap niya. Malay mo, online seller ng bags yung kausap niya tapos ibibili ka pala ng bag? Ano ka ba? Huwag ka ngang mag-iisip ng kung ano dyan. Kilala naman namin si Jairus, hindi ganoon ang boyfriend mo, ah?’’ sabi ni Patricia kay Jhulia.
‘’Ha? Online seller ng ano? Katawan niya? Ano ka ba? Nabasa ko eh, love din ang tawag ni Jairus sa kanya! Hindi naman pwede yung ganoon, di ba? Mukha naman silang tanga kung ganoon sila mag-isip. Alam niyo, buti na lang talaga at alam ko ang password noong account niya eh. Ang sakit, niloko niya ako!’’ iyak pa rin nang iyak si Jhulia noong sinasabi niya ito sa amin.
‘’Ha? Eh, hindi naman kami makapaniwala kasi hindi naman ganoon ang pagkakakilala namin kay Jairus. Ang bait at ang loyal noon sa iyo, paano naman nangyari na lolokohin ka niya? Ang tagal niyo na kaya. Di ba, Aurie? Nakakapanibago na niloko siya ni Jairus. Hindi ka rin naniniwala, di ba?’’ sabi sa amin ni Patricia.
‘’Oo, ang tagal na rin kasi nating kaibigan iyon. Hindi ko rin lubos maisip na magagawa niya iyon sa iyo kasi nga, ang tagal niyo na. Pero, lalaki pa rin kasi iyan, natutukso sa mga babae. Saka, kilala naman natin si Jairus na napakaraming kaibigan na babae, kaya siguro ganoon ang nangyari,’’ sagot ko sa kanila, nagulat na lang ako na lalong umiyak si Jhulia pagkatapos kong sabihin iyon.
‘’Oh, bakit umiyak ka lalo? May mali ba doon sa sinabi ko? Kung meron, alin doon?’’ tanong ko sa kanya.
‘’Paano naman kasi, dahil sa sinabi mo sa akin ngayon eh lalo kong naisip na niloko talaga ako ni Jairus! Bakit? Bakit niya ginawa sa akin ito? Binigay ko naman ang lahat ah? Hindi pa ba sapat iyon?’’ naiiyak niyang sabi sa akin.
‘’Alam mo kasi, kapag hindi naman talaga iyon ang kailangan ng tao, hahanap at hahanap pa rin sila ng iba. Kahit binigay mo na lahat, kung hindi sapat iyon para sa kanya, wala rin. Okay? Sana alam mo iyan,’’ sabi ko sa kanya, nagulat naman ako na bigla na naman siyang pumalahaw ng iyak.
‘’Ano na naman ba ang problema mo? May mali na naman ba sa sinabi ko?’’ tanong ko ulit sa kanya.
‘’Paano naman kasi, ang sakit mo na namang magsalita. Parang hindi kaibigan eh. Dahan-dahanin mo naman! Ang sakit na kaya. Palibhasa, maayos ang lovelife mo kaya parang wala lang sa iyo ito eh, ano? Hay!’’ naiyak pa rin na sabi niya sa akin.
Hala. Ayos daw ang lovelife ko? Eh nag-away nga kami ni Benedict noong isang araw. Diyos ko, kung alam mo lang ang sinasabi mo. How I wish na parang kay Cinderella ang story ko pero hindi eh. Hay, bakit ko ba iniisip ito ngayon eh kailangan ng advice ng kaibigan ko?
‘’Grabe ka naman, hindi naman din smooth sailing ang relasyon ko with Benedict, ano? May mga problema rin kami na kinakaharap. Sadyang hindi ko lang sinasabi sa inyo dahil alam kong may mga sarili din naman kayong problema, e.’’
‘’Eh nasaan na ba si Jairus ngayon? Alam mo naman ba kung nasaan?’’ tanong ni Patricia kay Jhulia.
‘’Iyon na nga eh, hindi! Alam niyo ba, kanina ko pa siya tinatawagan pero nakapatay ang phone niya? Baka nasa babae na naman niya iyon. Baka nasa love niya! Hay, naiinis ako eh,’’ sagot ni Jhulia kay Patricia.
‘’Eh baka naman kasi nagpapahangin lang. nag-away kayo eh, syempre nag-iisip din iyon ng paraan para magka-ayos kayo. Give him time to think. Ano ka ba?’’ sabi ko kay Jhulia, kitang-kita ko na inis siya sa sinabi ko.
‘’Time to think eh niloko niya nga ako? Siya pa pagbibigyan ko eh nasaktan na nga niya ako? Aurie naman, ano bang sinasabi mo dyan? Alam mo, parang hindi kita kaibigan eh! Bakit parang kampi ka pa sa manlolokong iyon, ha? Nakakainis ka naman!’’ iyak nang iyak na sabi ni Jhulia.
‘’Hindi naman sa ganoon. Nagkasakitan kayo eh, syeempre pahinga muna. Alam ni Jairus iyon. Malay mo naman, talagang ito ang kailangan niyo para mas lalo kayong tumatag. Hindi naman kasi palaging dapat eh aayusin agad ang away. Minsan, kailangan niyong huminga para isipin ang mga bagay-bagay sa buhay niyo. Okay? Ganun iyon, Jhulia. Sana huwag mong masamain itong sinabi ko, ah?’’
‘’Oo nga. Baka nga nag-iisip isip lang iyon si Jairus. Nagkamali siya eh. Alam niya sigurong galit ka kaya lumayo muna siya. Hintayin mo na lang, malay mo bumawi naman sa iyo kapag okay na ang lahat, di ba?’’ sabi naman ni Patricia, hudyat na ako ay sinasang-ayunan niya.
Lalong nainis si Jhulia sa amin. Tumayo siya at nagdabog. Hindi ko alam kung matatawa ako o kakabahan dahil sa ginawa niya. Pagtayo niya saka siya nagsalita sa amin.
‘’Mga kaibigan ko ba talaga kayo? Parang hindi eh, kaya ko nga kayo pinapunta dito ay para damayan ako tapos ganyan ang mga sinasabi niyo sa akin. Sige, doon na lang kayo makipag-kaibigan kay mokong. Wala na akong pakialam sa inyo ah, hindi na tayo friends!’’ sigaw niya.
‘’Ano ka ba naman? Alam naman namin na may kasalanan din si Jairus dito pero hindi naman totally sa kanya lang ang mali. Ikaw rin, kasi parehas kayong nasa loob ng relasyon, di ba? Sana tanggapin-‘’ hindi na natapos ang sinasabi ko dahil nagsalita agad siya.
‘’Hindi, ayaw ko na makinig sa inyo kung ayaw niyo rin namang makinig sa akin. Umalis na kayo rito kung ayaw niyo rin lang akong tulungan sa problema ko. Hindi na tayo friends!’’ sigaw ulit niya sa amin.
‘’Aba, nakinig naman kami sa sinabi mo ah? Ikaw itong ayaw makinig sa amin. Ayaw mong tanggapin na may mali ka rin sa sitwasyon mo. Aba, hindi naman porket kaibigan ka namin ay sa iyo na lahat ang suporta namin. Kailangan din namin balansehin ang mga bagay,’’ sabi ko, wala akong pakialam kung mainis siya lalo sa akin. Need niyang malaman ang pagkakamali niya eh.
Hindi na siya nagsalita. Pumasok na lang siya sa kwarto niya at doon ay nagkulong. Naiinis pa rin ako sa kanya kaya kinalma ko muna ang sarili ko at umupo sa sofa. Ilang minuto pa ay nagsalita na si Patricia sa akin.
‘’Hayaan mo muna iyon. Alam mo naman kapag galit iyon ay nagwawala talaga. Kapag na-realize naman na niya ang mali niya, babalik na ulit tayong tatlo sa dati,’’ ani Patricia.
‘’Oo naman, kilala ko na ang loka-lokang iyan. Darating din ang araw na sa atin din naman siya babagsak. Nagsalita lang talaga ako kanina kasi alam kong kailangan niya rin marinig kung ano man ang tama. Pasensya ka na sa akin kanina,’’ sabi ko sa kanya.
‘Ah, ayos lang naman sa akin. Tama ka naman kasi. Intindihin na lang natin siya dahil ang nagana sa kanya ngayon ay ang pagiging emotional niya. Okay?’’ sabi sa akin ni Patricia, tumango lang ako bilang tugon.
Habang naghihintay kami na pansinin na ulit kami ni Jhulia ay bigla na lang akong tinawag ni Patricia. Nagulat nga ako dahil parang gusto niya na magmabilis akong pumunta sa tabi niya. Wala naman akong magawa kundi sundin na lang iyon. Hindi ko alam sa babaeng ito kung ano ang nakita niya sa phone.
‘’Aurie, halika rito, dali! Sorry ha, pero mukhang kailangan mo itong makita. Hindi ba, friends kayo ni Kathrina sa social media? Dali, halika!’’ sabi pa niya, ang lakas nga ng boses niya. Sa sobrang lakas eh alam kong rinig ni Jhulia na nandito pa rin kami, buti na nga lang at hindi lumabas ang babae na iyon.
‘’Ano ba kasi iyon? Bakit parang kailangan kong magmadali? Akin na nga iyang cellphone mo. Patingin ako dali,’’ sabi ko sabay hablot na ng phone niya sa kanya.
Nagulat na lang ako nang makita na may in-upload pala si Kathrina sa social media. Picture ni Ellion na parang nagbabantay sa kanya. Nakahawak pa ang kamay ni Ellion sa kamay niya. Ang sweet ha? Sa buong relasyon namin, hindi naman siya ganyan sa akin. Maybe, people change talaga. Nakaramdam man ako ng konting kirot sa akin puso eh hindi ko na iyon pinahalata pa kay Patricia.
Ang nakasula doon sa post ay ganito.
Dear E,
Thank you for the flowers. Salamat sa pagbabantay mo sa akin kahit na hindi ko naman sinabi sa iyo na may sakit ako. I really appreciate you for doing these things. Hayaan mo, gagaling din ako. Sabi mo nga, kailangan ko lang ng pahinga kaya magpapahinga ako ng bongga para sa iyo. I really am thankful to have you by my side. Kahit saan at kahit kailan talaga eh.
Kathrina.
Agad kong binalik ang cellphone niya sa kanya pagkatapos kong basahin ang caption sa post ni Kathrina. Habang may hawak na wine sa kanilang kamay. Nagpatay malisya na lang ako para wala na ring issue. Problema na nga yung kay Jhulia, dadagdag pa ba ako? Syempre, hindi na.
‘’Ano? Ayos ka lang ba? Hay, sila nap ala talaga? Akala ko, hindi pa. Naniwala pa naman ako sa kanya na mahal ka pa rin niya at hindi ka niya ipagpapalita. Naku, si Ellion talaga!’’ sabi ni Patricia.
Ramdam na ramdam ko yung disappointment sa boses niya. Para mabasag ko kung ano man ang naiisip niya ay nagsalita na ako.
‘’Ano ka ba naman? Syempre, sila na talaga niyan. Ang tagal na naming hiwalay eh. Hayaan na lang natin sila sa gusto nila. Isa pa, may boyfriend na rin naman ako. Okay lang na parehas kaming may bago,’’ sabi ko.
Pero naisip ko rin yung sinabi ni Patricia. Kasi noong huling punta niya rito bago niya isama si Kathrina sa Maynila ay sinabi pa niya sa akin na mahal niya ako tapos biglang may bago na siya. Napataon pa na parehas kaming nagkaroon ng bago. Feeling tuloy ng mga kaibigan namin, sinasadya naming saktan ang isa’t isa eh.
‘’Hindi ka ba nasasaktan? Ako kasi, oo. Kahit kaibigan mo lang ako, alam ko kung ano ang tunay na pinagdaanan niyo at kung gaano niyo pinanghahawakan ang isa’t isa. Wala lang, nakakalungkot lang na wala na iyon ngayon. Tapos may sari-sarili na kayong buhay. Naiwan ako sa gitna. Hala, nakakaiyak!’’ sabi ni Patricia sa akin, tianwanan ko naman siya.
‘’Baliw. Bakit ka naman naiyak ha? Hindi bagay! Ang liit-liit na bagay noon, iniiyakan mo? Ako nga, okay na eh. Move on ka na rin, okay? Isa pa, pag-respeto mo na lang din sa mga bago naming kasama sa buhay. Okay? You will be okay. We will all be okay,’’ sabi ko na lang sa kanya, pero sa loob-loob ko ay naiiyak na rin ako kasi naisip ko na naman yung nangyari noon sa amin.
‘’Ano pa nga ba? Syempre, support pa rin ako sa inyo kahit ganoon na ang nagyari. Ganoon naman ang kaibigan, di ba? Hay, naku. Ang hirap kasi ng ako na lang ang single sa ating tatlo eh ano?’’ biro pa niya sa akin kaya biniro ko na lang din siya.
‘’Oo nga, mag-boyfriend ka na kasi para hindi ka na masaktan sa mga lovelife namin. For sure, i-cheer ka namin kapag may pinakilala ka na lalak sa amin. Promise iyan!’’ sabi ko pa sa kanya, tuwang-tuwa ako sa usapan namin.
‘’Ay, ayaw ko ‘no. Problema lang naman ang mga lalaki ngayon eh. May problema na nga sa mga lovelife niyo, dadagdag pa ba ako? Syempre, hindi na. Lalo pa at ako na lang ang palaging nasa gitna kapag may away kayo. Paano na lang kapag may boyfriend na ako? Eh di wala na gigitna para pakinggan kayo parehas, di ba?’’ sagot pa ni Patricia sa akin.
Natawa na lang ako pagkatapos ay uminom ulit ng wine. Hindi na lang ako sumagot sa kanya, inubos ko na lang ang iniinom ko. Pagkatapos ng ilang minuto ay nagpaalam na ako sa kanya dahil gabi na rin. As much as I want to wait for Jhulia ay hindi ko na rin kaya kasi pagod na ako. Sinabi naman sa akin ni Patricia na hihintayin na lang niya si Jhulia kaya I felt relieved. Nauna na akong umuwi sa kanya.