Ellion Jase
Well, tutulungan ko rin naman siya sa huli pero kailangan ay matuto din siya na hindi sa lahat ng bagay ay tutulungan ko siya with open arms. Para na siyang bata eh. Kailangan na rin naman niyang matuto na mag-solve ng problem on his own.
‘’Pare, sayang naman ang punta ko rito. Sige na, tulungan mo na ako. Promise, hindi na mauulit. Hindi ko na babanggitin pa ang pangalan ng ex-girlfriend mo kapag nag-uusap tayo,’’ sabi pa niya sa akin, natatawa na lang ako deep inside eh.
‘’O, siya. Huli na itong tulong ko sa iyo ah? Sa susunod na magkaroon ka ulit ng problema mo, ikaw na dapat ang mag-solusyon. Aba, matanda na tayo pare. Hindi na dapat ako nakikigulo pa sa mga problema mo. Hanggang payo na lang ako sa susunod pero yung mga plano, ikaw na iyon ha?’’ sabi ko sa kanya.
‘’Oo, pare. Pangako ko sa iyo, last na ito. Ayaw ko lang talagang mawala si Jhulia sa akin eh. Eh, ibigsabihin ba nito eh uuwi ka sa atin sa Manila?’’ may liwanag na ang mukha niya nangsabihin niya iyon.
‘’Oo naman, ano pa bang ibigsabihin noon? Eh di, uuwi ako ng Manila. Pero, pare ah, kapag okay na kayo ni Jhulia ay babalik na ako dito sa Mindoro. Alam mo naman na marami na akong trabaho rito. Okay?’’ sabi ko sa kanya.
‘’Oo sige pare. Naiintindihan ko. Sapat na sa akin na tutulungan mo ako na bumalik sa akin si Jhulia. Salamat, salamat talaga. Akala ko kanina, hindi na kita mapapapayag eh. Kinabahan ako roon ah, buti na lang at pinili mo pa rin ang pagkakaibigan natin,’’ sabi niya, ngiting-ngiti pa.
‘’Oo, tutulungan pa rin kita kahit kung anu-ano na ang sinabi mo sa akin kanina. Ikaw talaga! O, ubusin mo na iyang pagkain mo para makapagpahinga na ako,’’ sabi ko pa sa kanya.
‘’Aba, may nakakalimutan ka yata pare? Ang sabi mo kanina, sasabihin mo sa akin kung saan ka galing kapag kwinento ko sa iyo ang problema ko. Pare ah, huwag kang madaya,’’ sabi niya sa akin.
Napasapo ako sa aking noo nang ma-realize ko na hindi ko pa nga pala nasasagot ang tanong niyang iyon. Hay, naku. Kapag ito talagang si Jairus ang kausap ko, wala akong takas eh. Paano ko nga ba sasabihin sa kanya ang lahat?
‘’Ay, oo nga pare, ano? Pasensya ka na sa akin, nakalimutan ko na sa sobrang dami kong iniisip. Isa pa, ang dami mo rin namang sinabi kaya hindi ko na naalala pa na magke-kwento pala ako sa iyo,’’ sabi ko sa kanya.
‘’Naku, alam kong palusot mo lang iyan eh. Ano nga? Saan ka nagpunta? Alam mo bang ang aga ko roon kanina? Akala ko nga mamumuti na ang buhok ko sa kakahintay eh,’’ sabi pa niya sa akin.
‘’Ah, pumunta ako kina Kathrina kasi-‘’ hindi na natapos ang sinasabi ko sa kanya dahil sumagot agad siya sa akin.
‘’Bakit? Nanliligaw ka na talaga sa kanya, ano?’’ tanong niya na may halong pang-aasar sa akin.
‘’Baliw ka. Hindi ano. May sakit kasi siya kaya ako pumunta roon. Sinabihan kasi ako ng Daddy niya. Eh nakatulog kami pareho kaya-‘’ natigil na naman ang pagke-kwento ko dahil may sinagot na naman siya sa akin.
‘’Aba, natulog kayo sa kwarto ni Kathrina? Aba, iba na iyan pare ah,’’ pang-aasar na naman niya sa akin.
‘’Baliw ka talaga ano? Ano kaya kung patapusin mo muna ako bago ka magsalita na naman dyan? Hindi pa nga buo yung kwento ko eh,’’ sabi ko sa kanya, tumango-tango naman siya sa akin bilang tugon doon sa sinabi ko.
‘’O siya, ituloy mo ang kwento. Pasensya ka na sa akin, excited lang ako kaya ang dami kong tanong pero sige, i-kwento mo na nang buo iyan,’’ sabi niya sa akin.
‘’Iyon na nga, kaya ganitong oras na ako nakauwi ay dahil nakatulog nga ako sa kanila noong nagbabantay ako sa kanya. Tapos, may pinadala pang ulam sa akin si Tito at Tita kaya lalo akong natagalan,’’ paliwanag ko sa kanya.
‘’Ah, ganoon ba? Akala ko, nililigawan mo na talaga iyon kasi dinala mo na sa Manila eh. Eh, ano ba kasing status niyo noon? May feelings ka na bas a kanya? Kasi, alam mo naman si Aurie ay may Benedict na di ba?’’ tanong niya sa akin, napailing naman ako nang marinig ko na naman ang pangalan ng ex-girlfriend ko sa usapan.
‘’O, kakasabi mo lang sa akin kanina ah? Sabi mo, hindi na natin babanggitin pa ang pangalan niya. Ano na naman iyan?’’ paalala ko sa kanya.
‘’Ay, oo nga pala. Sorry, pero ano nga pare? May feelings ka na ba para sa babaeng iyon?’’ tanong ulit ni Jairus sa akin.
‘’Bago ko sagutin iyan, kukunin ko lang yung pinadalang ulam ng parents sa akin ni Kathrina. Nakalimutan ko sa kotse eh. Teka, kukunin ko lang ah,’’ paalam ko sa kanya at kinuha ang car keys ko.
Pagkaraan ng ilang minuto ay bumalik na ako sa loob ng bahay. Dala-dala yung paper bag na naglalaman ng Hamonado. I prepared it sa kitchen. Kumuha ako ng konti para may pulutan kami ni Jairus. Pagkatapos noon ay kumuha naman ako ng beer sa refrigerator. Tig dalawa kami.
Nagulat na lang siya nang makita na may dala-dala akong beer at pulutan. Todo ngiti sa akin si loko dahil alam niyang mag-iinuman kami. Kaya ko naman ito ginawa ay dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko masasabi ng maayos sa kanya ang mga bagay kapag hindi ako nakainom. Alam kong mas lalakas ang loob ko kapag ginawa koi to.
‘’Aba, mukhang mahaba-habang kwentuhan ang mangyayari ah. Prepared ka pa talaga. Sayang, wala akong dala. Hindi ko naman alam na magha-heart to heart talk tayong dalawa rito,’’ sabi pa niya sa akin, natatawa siya.
‘’Heart to heart talk naman daw, kalokohan mo uy! Uminom na lang tayo at tigilan mo ako sa panloloko mo. Ike-kwento ko na nga ang nangyayari sa buhay ko, e.’’
Umupo ako sa tabi niya at nagsimula na akong mag-kwento.
‘’Alam mo kasi pare, hindi ko na kaya ang mga nangyayari sa akin dito eh. Alam mo iyon? yung pagiging mabait ko roon sa tao, nagiging iba na pala ang dating sa kanya at sa pamilya niya. Nasasakal ako at hindi ko alam kung paano ko lalagpasan ito nagyon,’’ sabi ko pagkatapos ay binuksan ko ang beer at ininom iyon.
‘’So, you mean akala nila na may gusto ka kay Kathrina? Ganoon ba?’’ tanong ni Jairus sa akin. Ramdam kong gulat na gulat siya sa sinabi ko at hindi makapaniwala.
‘’Oo. Ganoon na nga. Gusto ko man sabihin sa kanila ang totoo ay hindi ko naman magawa kasi alam kong masasaktan ko sila. Ikaw, ano ba sa tingin mo ang tamang gawin?’’ tanong ko sa kanya, gulo na kasi talaga ako ngayon, buti na lang talaga at nandito si Jairus ngayon para may kausap ako.
‘’Sabihin mo pa rin kahit na makakasakit ka. At least, sinabi mo ang totoo. Tingnan mo ako, nahuli ako ni Jhulia na nambabae ako. Hindi ko na tinanggi dahil alam ko naman na mas masasaktan ko siya kapag ginawa ko pa iyon,’’ sabi niya sa akin.
Medyo humanga ako sa kanya ngayon dahil hindi ko naman laging kinakausap ng ganyan si Jairus. Ni hindi ko nga alam na sasagutin niya ako ng seryoso. Akala ko, lolokohin pa rin niya ako this time eh. Dahil seryoso naman ang sagot niya ay tinuloy ko na ang pakikipag-usap sa kanya.
‘’Magka-iba naman yata tayo. Panloloko naman kasi iyang sa iyo eh. Sa akin, hindi. Di ba?’’ sagot ko.
‘’Ano ka ba, pare? Kapag pinatagal mo pa iyan at hindi sinabi sa kanila, iisipin na nila na matagal mo na silang niloloko. Ayaw mo naman siguro na mangyari iyon, di ba?’’ sabi niya sa akin.
Napa-isip na naman ako sa sinabi niya. Aba, talagang pinapamangha ako ng lalaking ito ngayon ah. Iba siguro ang mindset niya kapag nakainom eh, ano? Tama nga naman siya, kapag pinalagpas ko pa ito nang matagal ay magagalit lalo sa akin si Kathrina, lalo na ang pamilya niya.
‘’Ah, oo nga ano? Tama ka. Hindi ako nasabihan na may silbi ka rin naman pala minsan. Maayos ka naman pala mag-isip, bakit ngayon ko lang nalaman iyan eh ang tagal na nating magkaibigan ah?’’ asar ko pa sa kanya, pagkatapos noon ay tumawa ako.
‘’Grabe ka naman sa akin. Tinutulungan ka na nga sa problema mo, ganyan pa ang sasabihin mo sa akin? Parang hindi magkaibigan, ah?’’ sabi niya, natawa lalo ako dahil asar na asar siya sa akin.
‘’Oo na, alam ko na ang gagawin. Siguro, hahanap na lang ako ng tyempo kung kailan ko sasabihin kasi ang hirap din naman na gawin ito. Hindi biro,’’ sagot ko.
‘’Bilisan mo ang pagsasabi sa kanila ah? Maiipit ka niyan kapag hulog na hulog na sa iyo si Kathrina tapos saka ka palang magsasabi na ayaw mo sa kanya. Ang pangit kapag ganoon ang nangyari sa inyo,’’ sabi ni Jairus sa akin.
‘’Oo, hindi ko naman tatagalan. Te-tyempo lang ako. Hindi pa naman ganoon kalalim ang pagkagusto niya sa akin eh. Okay pa ako,’’ sagot ko kay Jairus.
‘’O, baka gusto mo munang kilalanin si Kathrina? Pwede naman, baka ma-develop ang feelings na iyan. Hindi natin alam. Subukan mo kaya?’’ sagot niya at lumagok na naman ng beer.
‘’Naku, pare. Kilala mo naman ako, hindi ako naniniwala san a-develop na feelings kasi feeling ko kapag ganoon, napilitan lang ang tao. Mas gusto ko yung unang kita ko pa lang, may spark na akong nakita. Di ba, ganoon naman ako sa ex-girlfriend ko?’’ sagot ko sa kanya, napailing naman siya sa akin.
‘’Alam mo, magka-iba naman sila ng ex-girlfriend mo eh. Kaya pwedeng magka-iba rin ang maramdaman mo sa kanila, like kung yung isa ay love at first sight, itong isa naman ay hindi. Gets mo ba? O baka naman kasi mahal mo pa si Aurora kaya hindi mo kayang mahalin si Kathrina ngayon,’’ sabi niya sa akin.
Napailing at sumama ang tingin ko sa kanya dahil nasali na naman niya si Aurora sa usapan. Nang ma-realize niya ang kanyang ginawa ay nag-sorry naman agad siya sa akin. Buti na lang at iyon ang kanyang ginawa, akala ko aasarin na naman niya ako eh.
‘’Ay, sorry na. Oo nga pala, hindi nga pala dapat isali ang pangalan niya sa usapan. Baka bawiin mo pa yung pagtulog mo sa akin kaya iinom na lang ako ng alak at magpapakalasing dahil sa problema ko kay Jhulia. Iyang problema mo, ayusin mo rin at malala din ang pupuntahan mo dyan kapag hindi mo pa inayos iyan agad,’’ paalala niya sa akin.
Tumango-tango na lang ako sa kanya bilang tugon. Pagkatapos noon ay nag-inom pa kaming dalawa. Habang nag-uusap ay biglang nag-cellphone si Jairus. Nagulat na lang ako nang tawagin niya ang pangalan ko, parang nakakita ng multo sa kanyang cellphone eh.
‘’Pare, nagbabasa ka ba sa social media?’’ tanong niya sa akin, gulat na gulat pa rin.
‘’Ano ka ba? Alam mo naman na hindi ako fan ng social media eh. Puro kalokohan at kasinungalingan lang naman ang mga pino-post dyan ah. Bakit? Ano bang nakita mo at gulat na gulat ka? Para kang nakakita ng multo ah?’’’sagot ko naman sa kanya.
‘’Eh kasi pare, si Kathrina. Di ba, in-add niya ako noong isang araw? Eh di friends na kami-‘’napatigil siya sa kanyang pagsasalita dahil sumagot agad ako sa kanya.
‘’O, tapos? Ano naman ngayon kung in-add ka niya? Alam ko iyan kasi sinabi niya nga sa akin na gagawin niya iyan. Baka pati kayo sinama niya kasi si yung ex-girlfriend ko nga, in-add din niya eh,’’ sabi ko sa kanya.
‘’Iyon na nga eh, alam mo ba kung anong pinost niya regarding sa iyo? Ito o, basahin mo para maliwanagan ka sa sinabi ko,’’ sabi niya pagkatapos ay binigay niya sa akin ang cellphone niya.
Pati ako ay gulat na gulat sa aking nakita. Totoo ba ito? Talaga bang pinost niya ang picture naming dalawa na wala man lang permiso ko? Ito yung nahuli ko siyang tawa nang tawa sa akin eh, kaya pala hawak niya ang cellphone niya noon eh dahil pinicture-an niya ako.
Paulit-ulit kong binasa ang nakasulat sa caption noong picture. Hindi ko kasi mawari kung bakit niya ito pinost eh. Dati naman, hindi niya ito ginagawa. Bakit ngayon pa?
Dear E,
Thank you for the flowers. Salamat sa pagbabantay mo sa akin kahit na hindi ko naman sinabi sa iyo na may sakit ako. I really appreciate you for doing these things. Hayaan mo, gagaling din ako. Sabi mo nga, kailangan ko lang ng pahinga kaya magpapahinga ako ng bongga para sa iyo. I really am thankful to have you by my side. Kahit saan at kahit kailan talaga eh.
Kathrina.
Hindi ko tuloy alam kung maiinis ako o hindi sa kanya. Alam naman niyang ayaw kong nagpo-post ang mga tao ng picture ko eh. Isa pa, kung kaibigan na niya si Aurora ngayon sa social media ay tiyak ko na nakita na noon ang nakasulat dito. Baka isipin pa noon na ginagantihan namin siya o ano kaya siya in-add ni Kathrina.
Napagdesisyunan ko na kakausapin ko si Kathrina regarding dito kapag magaling na siya. Ayaw ko naman na dumagdag pa sa inaalala niya ngayon. Hindi naman ako ganoon kagago para gawin iyon. siguro, paraan na rin ito ng Diyos para magawa ko ang plano ko. Ang sabihin sa kanya na hanggang sa kaibigan lang ang turin ko sa kanya.