Benedict
Dahil nakainom na si Aurora ay nagpasundo na siya sa akin. Pagdating ko roon ay nakahiga na siya sa sala. Parang tulog na yata. Si Patricia naman ay medyo okay na ang pakiramdam. Sabi naman niya sa akin ay kanina pa daw sila tapos at lasing na lasing na daw talaga si Aurora kaya tinawagan niya na ako.
‘’Oh, ikaw na ang bahala sa kaibigan ko ah? Hindi ko rin alam kung bakit nag-inom iyan eh. May problema ba kayo?’’ tanong niya sa akin.
‘’Wala naman, sa pagkakaalala ko. Pero salamat at ako ang tinawagan mo para ihatid siya sa kanila. Ako na ang bahala,’’ sabi ko naman kay Patricia.
‘’Ah, oo naman. Kung si Tita kasi ang tatawagan ko eh magagalit iyon sa amin ni Aurora. Mas okay na ikaw na ang magdala sa kanya kay Tita, baka sayo ay di magalit iyon eh,’’ sabi naman sa akin ni Patricia.
‘’Ah, bigla akong natakot ah? Baka sa akin naman magalit, baka sabihin hinayaan ko siyang mag-inom mag-isa. O, nasaan nga pala si Jhulia?’’ tanong ko sa kanya.
‘’Ay, nasa loob. Nag-away kasi yung dalawa kanina. Hindi na lumabas ng kwarto eh. Baka tulog na iyon at lasing na rin eh. O sige, ingat kayo ha? Gabi na rin eh. Hinahanap na iyan ni Tita ngayon,’’ sabi sa akin ni Patricia.
‘’Ah, eh sige. Salamat ulit,’’ sabi ko na lang at sinamahan ko na sa kotse si Aurora.
Gusto ko pa sanang itanong sa kanya kung bakit nag-away si Aurora at Jhulia pero hindi ko na inalam pa at baka sabihin naman na chismoso pa ako. Habang pa-uwi kami sa bahay nina Aurora ay nagulat na lang ako nang biglang nagsalita si Aurora habang tulog. Noong una ay hindi malinaw kung ano man ang sinasabi niya, pero noong inulit niya iyon ay luminaw na ang lahat. Ang sakit. Parang binaril ang puso ko.
Ellion.
Iyon ang sabi niya. Napapanaginipan niya siguro ang ex-boyfriend niya. Ang sakit lang sa akin dahil naiisip niya pa rin pala iyon. Bakit ganoon? Sabi niya sa akin, ako na lang ang mahal niya pero hindi naman iyon ang nakikita at nararamdaman ko.
Dahil gabi naman na at ayaw ko na mag-isip pa ng kung anu-ano eh ay hinayaan ko na lang iyon. Saka ko na lang siya kakausapin kapag hindi na siya lasing. Ni hindi ko nga alam kung sasabihin ko pa ito sa kanya. Baka itago ko na lang itong sakit na nararamdaman ko eh.
Pagkatapos ng ilang minuto, dumating na kami sa bahay nina aurora. Kumatok ako sa pinto at pinagbuksan naman ako ni Tita. Gulat na gulat siya na ako ang nakita niyang kasama ni Aurora. Isa pa, gulat na gulat din siya dahil nakita niyang lasing si Aurora.
‘’Oh, anong nangyari? Bakit siya lasing? Eh sai niya, sasamahan niya lang daw ang mga kaibigan niya kasi may problema si Jhulia,’’ sabi ni Tita sa akin.
‘’Oo nga po, iyon po ang ginawa nila. Uminom kasi heart broken nga po si Jhulia. Napadami naman po ang inom niya. Pasensya na po at ngayon ko lang siya na-iuwi. Ngayon lang po kasi ako tinawagan ni Patricia, e.’’
‘’Eh, hayaan mo na iyon. Hindi mo naman kasalanan na nalasing siya. Maraming salamat ah? Sige, ihiga mo na siya sa kwarto niya. Pagkatapos noon, ako na ang bahala sa kanya,’’ sabi ni Tita sa akin.
Iyon naman ang ginawa ko. Hiniga ko siya sa kama niya. Hindi ko alam kung matatawa ako o masusuka dahil amoy alak si Aurora. Gusto ko man takpan ang ilong ko pero hindi ko naman magawa.
Nang maihiga ko na siya ay aalis na sana ako kaso nagulat ako nang may tinawag siyang pangalan.
Ellion.
Iyon na naman, narinig ko na namang sinabi niya iyon. ang matindi pa, ngayon ay nakatingin siya sa akin at nakangiti. Akala niya, ako si Ellion. Para na namang napunit ang puso ko sa nangyari. Gusto ko siyang gisingin at tanungin kung ano ba talaga ang nangyayari sa kanya. Naiiyak na lang kasi ako.
Tiningnan ko siya nang matagal, umupo pa nga ako sa may kama niya. Naiyak ako roon pero hindi rin ako nagtagal doon sa tabi niya. Paglabas ko ay pinunasan ko muna ang luha ko. Ayaw ko naman na mapansin iyon ni Tita tapos tanungin pa niya ako kung bakit ako umiiyak.
‘’Tita, okay na po si Aurora roon. Aalis na po ako. Goodnight po,’’ paalam ko kay Tita.
‘’Ah, sige. Titingnan ko na lang siya sa loob ah? Maraming salamat. Ingat ka, Benedict.’’
Pagkatapos noon ay pumasok na ako sa kotse ko. Uuwi na sana ako pero dahil gusto ko munang mag-isip isip ay pumunta muna ako sa bar. Hindi ko na alam kung sino ang dapat kausapin sa problema ko, e. Bakit ba kasi ganoon? Ako ang nandito pero hindi pa rin yata ako pinipili.
Feeling ko tuloy, napilitan lang siya na sabihing mahal niya ako kasi ako yung nandito. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin about it. Ayaw ko naman na mag-away kami pero kapag hindi ko naman sinabi, mapupuno ng galit ang puso ko.
I ordered Whiskey. Wala na akong pakialam kung may makakita sa akin dito na kakilala ko. Hindi kasi ako madalas sa mga ganitong lugar kaya kung meron man na makakita sa akin eh magtataka kung bakit ako nandito.
‘’Isa pang Whiskey, please?’’ sabi ko sa bartender at ginawa naman niya ang order ko.
Habang ako ay nainom eh biglang may babaeng lumapit sa akin. Noong una ay hindi ko siya agad nakilala pero noong nagsalita na siya, nalaman ko na isa pala iyon sa mga ka-klase ko noong college ako. Noon pa lang ay todo lapit na sa akin ito. Sabi nila, matagal na raw na may gusto sa akin si Venus eh.
‘’Hey, what are you doing here? Nag-iba na baa ng ihip ng hangin at nainom ka na sa mga ganitong klaseng lugar? Kasi the last time I checked, hindi mo ugaling pumunta sa mga ganitong lugar. Tama ba ako?’’ sabi niya sa akin.
Hindi naman ako sumagot dahil wala naman akong pakialam sa kanya. Busy ako sa kakaisip kung ano na ang mangyayari sa amin ni Aurora ngayon. Wasak na wakas ang puso ko to the point na wala na muna akong pakialam sa paligid ko.
‘’Uy, kinakausap kita Benedict. Anong ginagawa mo rito? May problema ka? Sige, pag-usapan natin iyan. Nandito naman ako para makinig sa iyo eh. Tungkol saan ba iyan?’’ tanong niya sa akin.
‘’Ano ba kasi iyon? Alam mo, kaya ako pumunta rito para makapag-isa eh. Kasi gusto ko munang lumayo sa stress, pero mukhang ikaw ang magbibigay noon sa akin eh. Ano bang problema mo ha? Oo, may problema ako at wala ka na roon,’’ inis na sabi ko sa kanya.
‘’Grabe ka naman sa akin, gusto ko lang naman malaman kung okay ka lang eh. Masama ba iyon? ikaw na nga ang inaalala, hindi mo pa ma-appreciate,’’ sabi naman niya sa akin.
‘’Okay lang ako. Mas magiging okay din ako kapag umalis ka sa harapan ko. Please? Wala ka bang kasama? Kung meron, doon ka na,’’ sabi ko.
‘’Hay, naku! Ewan ko sa iyo. Dyan ka na nga!’’ sabi niya sa akin.
Wala naman na akong sinabi pabalik dahil wala nga akong pakialam sa kanya. Uminom na lang ako nang uminom. At noong lasing na ako, binalak ko nang umuwi. Bago ako umuwi, binigyan ko muna ng tip yung bartender at nagbayad ako nang nainom ko.
Nasa labas na ako ng bar nang may narinig ako na sigaw mula sa isang babae. Parang nawala ang lahat ng pagkalasing ko nang marinig ko iyon. Agad kong hinanap kung saan nanggagaling yung sigaw na iyon.
‘’Tulong! Tulungan niyo ako!’’ sabi noong babae.
Noong una ay hindi ko pa siya makilala pero noong lumapit ako sa kanya ay nagulat ako dahil si Venus pala iyon. Agad akong lumapit sa kanila para iligtas siya. Wala na akong pakialam kung nag-away kami kanina. Para sa akin, babae pa rin siya at kailangan ko siyang iligtas mula sa bastos na lalaking iyon.
‘’Hoy, ikaw! Bitawan mo siya!’’ pigil ko sa kanila pagkatapos ay sinuntok ko yung lalaki.
Sinuntok din ako pabalik noong lalaki. Hindi ako tumigil hangga’t hindi ko nababasag ang mukha niya. Mas madami siyang tama kaysa sa akin. Pagkatapos kong mapatumba yung lalaki ay nilapitan ko agad si Venus. Nakita kong iyak siya nang iyak sa may kotse niya. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit bigla ko siyang niyakap. Dahil sa takot, napayakap din siya sa akin.
Lumapit na sa amin yung mga security guard para hulihin yung gago na iyon. Tumayo na kami ni Venus at dinala ko na siya sa kotse niya. Takot na takot siya at iyak pa rin nang iyak. Aalis na sana ako pero ayaw ni Venus.
‘’Oh, kailangan kong kausapin yung mga security guards. Para makausap ko siya tungkol sa ginawa niya sa iyo,’’ sabi ko, para paalisin na niya ako sa tabi niya.
‘’Hindi, ayaw ko. Dito ka lang sa tabi ko. Please? Baka balikan niya ako eh,’’ may takot sa boses niya noong sinabi niya iyon.
‘’Sige, ganito na lang ang gagawin ko. Pupuntahan ko muna sila roon at babalikan kita rito. Okay? Wait lang ah,’’ sabi ko.
Huminahon na siya at naghintay na sa akin. Kinausap ko muna yung mga security guard at sinabi ko sa kanila na sila na ang bahala sa lalaking iyon. Isa pa, sila na rin ang pinagbantay ko muna ng aking kotse kasi kailangan ko munang ihatid si Venus sa bahay niya.
‘’Oh, halika na. Iuuwi na kita para makapagpahinga ka na sa bahay mo,’’ sabi ko sa kanya pagbalik ko sa may kotse niya.
‘’Eh paano yung kotse mo? Ano na ang mangyayari roon?’’ tanong niya sa akin.
‘’Hayaan mo na iyon. Sinabi ko na sa security guard na babalikan ko na lang ang kotse ko kapag nahatid na kita sa bahay mo. Okay?’’ sabi ko.
Tumango na lang siya sa akin at pumasok na ako sa kotse. Ako na ang nag-drive for her kasi alam ko naman na takot na takot na siya. Tahimik lang kami habang nagda-drive ako. Tinanong ko lang kung saan ang bahay niya at sinagot naman niya ito.
Naawa ako sa kanya dahil hindi naman siya ganoon kanina. Eh ngayon, takot na siya at tahimik. Para siyang bata na nakakita ng multo. Nang makadating na kami sa condo niya ay sinamahan ko siya sa loob. Noong pumasok ako sa condo niya, nahihiya ako pero hindi ko naman siya maiwan agad.
‘’Ah, okay ka na ba rito mag-isa? Uuwi na sana ako eh. Ayos lang ba?’’ tanong ko sa kanya, nahihiya pa ako.
‘’Paano kung sabihin ko na hindi? Papayag ka ba?’’ sagot naman niya sa akin.
Natakot ako noong una dahil parang may iba siyang gustong iparating sa akin pero hindi ko iyon pinansin dahil alam ko rin naman na kailangan niya ako. Sinamahan ko siya sa loob ng kwarto niya, hiniga ko siya roon. Hindi ko alam kung bakit natawag ko si Aurora kahit alam kong si Venus ang kaharap ko ngayon.
Siguro, kaya ako ganoon ay dahil hiniga ko rin kasi si Aurora kanina bago ako nag-inom at naglasing sa bar. I want to say sorry to Venus. Hindi tama ang ginawa ko sa kanya.
‘’Siya pa rin pala ang hinahanap mo kahit na ako na ang kaharap mo,’’ sabi niya, halata mong lasing na lasing pa rin siya.
Nakatutok siya nang tingin sa akin. Para ngang iiyak na siya sa akin pero hindi niya lang magawa. Dahan-dahan akong lumayo pero hinawakan niya ako sa kamay kaya natumba ako sa kanya.
‘’Sorry. Hindi ko sinasadya,’’ sabi niya pero nagulat ako sa sunod na ginawa niya.
Hinalikan niya ako sa labi habang nakahiga siya roon sa kama at ako naman ay nakaupo. Tinapos ko agad ang halik na iyon dahil naalala ko agad si Aurora. Dahil sa nangyari sa akin ngayon, mas matindi pa tuloy ang kasalanan ko sa kanya. Paano na ito? Paano ko sasabihin na nagkamali ako?