Chapter 74 Inabot sa akin ni Ate Champagne ang sulat at doon, doon ko naintindihan na hindi lang pala ako ang naghirap. Hindi lang ako ang umiiyak. Hindi lang ako ang nasaktan. Hindi ko alam kung handa ko nang buksan ang laman ng sulat. Tinignan ko ang aking relo, kailangan ko nang magtungo sa bus terminal. Maiiwan ako ng bus lalo pa’t last trip na yung napa-reserve ko. “Ate, tuloy na ho ako ah. Oras na ho kasi e. Sa bus ko na lang ito babasahin. Baka kasi maiwan ako.” “Oo nga sige na. Hatid na kita sa labas. Ayaw mo naman kasing pahatid hanggang sa bus station e” “Okey nang ako lang ate. Maabala ka pa sa pag-uwi mamaya. Basta ate ha, si Nanang, ikaw na muna po ang bahala.” “Oo naman. Ikaw pa ba? Malakas ka sa akin e.” Naglakad kami. Nanginginig ako. Naluluha lalo na nang makita

