Akimara Pov.
(Corny)
Madalas ipaalala ni mama noon na hindi masamang umibig, sinasabihan kami nito na mararanasan din namin iyon ngunit hindi pa sa ngayon.
Ngunit bakit tila' y napaaga ang karanasan ko? Nahulog na ang loob ko sa isang binata na hindi ko naman lubos na kilala, hindi ko pa alam ang pagkatao at higit sa lahat ay ang binansagan nuturious playboy dito sa campus.
"H-hindi kita iniiwasan.." ilag na sagot ko, nahahalata ba nitong iniiwasan ko siya?
"Talaga? Kung ganon mali yung instinct ko na galit ka?"
"Bakit naman ako magagalit?"
Kinagat niya ang pang-ibabang labi, pinipigilang mangiti ngunit pilit lang iyon sumibol. "Akala ko galit ka.."
"Tsk, samahan mo ako sa mall, pili tayo ng jacket.."
"Huh, mall?" nagtatakang tanong nito, tumango ako. "Mahal dun ah.."
"Saan ba?"
"Pweding sa tabing simbahan na lang, marami doon.."
"Sa bangketa?" napakamot ito sa ulo, "Pero pwedi rin naman para malapit, tara na..."
Gaya ng nakagawian ay sa mutor kami nito sumakay, parang nagugustuhan ko na tuloy ang pagsakay-sakay rito. Nakakahumaling rin naman lalo na kung siya ang kasama ko.
"Madalas ka dito?" interesadong tanong ko, nilingon ako nito ng nakangiti.
"Hindi naman, hindi ako mahilig bumili-bili.." tumango ako, sa murang paninda kami huminto ng makakita ng nakahilerang mga sweater. "Madalas si mama noon ang namimili.." bigla' y anas niya, hinahawi isa isa ang mga nakahanger na jacket. "Si papa naman mahilig sa pagkain.." masaya itong nagkukwento, mababakas iyon sa mukha niya dala ng magandang ngiti.
"Si mama rin mahilig sa pagkain.." ani kom
"Talaga?" nakangiti pa rin siya, tumango ako matapos nitong itaas ang puting jacket. "Mahilig din ako sa pagkain, namana ko kay papa.." itinapat niya ang sweater sa katawan, may pagkahawig na iyon sa jacket ni tristan kung titingnan. Pasok na sa tingin ko. "Ito na, siguro naman hindi na siya choosy.." natawa ako, sana nga lang ay hindi siya mag-alburoto na parang bulkan, ipagdarasal ko na iyon mamayang gabi.
Binayaran ko ang puting jacket sa murang halaga, nakatipid pa ako dahil dito lang kami namili. Kung sigurong ako lang ay baka kanina pa ako tumungong mall.
"Magtitingin lang ako dito." turo ko sa isang tindahan ng may mapansing jacket din doon, tumango na lamang siya at hinayaan akong pumunta sa isang tindera.
"Magkano po?" tanong ko sa ginang habang turo ang kulay itim na jacket, maganda siya at may design itong puti sa harapan.
"Tatlong daan, hija.."
"Kukunin ko po.." kumuha ako ng pera sa pitaka bago iyon ilahad sa ginang, matapos iyon ay ibinigay na rin nito ang natipuhan kong jacket.
"Salamat, hija.." nginitian ko siya bago muling humarap sa pwesto ni thor, nasa isang lamesa siya na puno ng bracelet at doon ay seryosong nagtitingin. Napapangiti ako habang nakamasid dito dahil sa dami ng naaagaw niyang atensyon, ang mga ilang tindera ay halos silipin na ang kinaroroonan niya at kulang na lang ay itanong na nila kung anong pangalan niya.
Lumapit ako rito dala ang plastik bag, agad siyang napalingon kasabay na pagtayo ng maayos.
"Tapos ka na?"
"Oo, tara na?" tumango siya, sabay naming nilakad ang kahabaan ng sari saring tindahan hangga sa marating namin ang mutor niya.
"Ginabi na tayo.." tumingala ito sa langit na halos madilim na nga. Kung sa akin ay wala namang problema, wala rin naman si mama sa bahay dahil sa linggo pa ito makakauwi.
"May pupuntaha ka pa pala.." bigla' y naalala ko ang sinabi niya kanina, nagbaba ito ng tingin sakin bago guluhin ang buhok ko.
"Kumain muna tayo gusto mo?" tanong niya, hindi man lang pinansin ang sinabi ko.
Umiling ako. "Hindi na, baka naaabala ko na ang oras mo.."
"Tsk, ikaw pa.. malakas ka sa' kin.." napairap ako, kalok*han nga naman ng salazar.
"Saan tayo kakain?" nilingon ko ang paligid, mga street foods lang naman ang narito.
"May nagtitinda ng kalamay doon, gusto mo?"
"Huh, ano?" takang tanong ko,
"Kalamay, kakanin..."
"Sa gabi talaga?"
"Oo, may maha blanca pa nga.."
Ngumuso ako, "Ayoko non.." tumuwid ito ng tayo, tuluyan ng humarap sa' kin?
"Ayaw mo ng maha blanca?" umiling ako, "Huh, ayaw mong mahalin ako balang-araw?" hindi ko naiwasan matawa dahil sa corny nitong sinabi, ano daw? Mahalin balang araw.. tsk, ang taba ng utak ha..
"Nagugutom ka na nga, pero ayoko talaga ng kakanin sa gabi.." bumuntong hininga siya, nang hindi ako mapilit ay inilinga nito ang paningin sa paligid.
"Yun oh! Siomai gusto mo?"
Napangiwi ako. "Ano yan, para siomailove for you?" natawa ako sa sariling naisip, maging siya ay natawa rin dahil 'don.
"Hindi, mali.." napairap ako, hihirit na naman.
"Ayoko ng marinig, thor.." natatawa akong nag-iwas ng tingin.
"Sasaya ka pag narinig mo, dahil siomaiya ako ng dumating ka.." natawa ito sa reaksyon ko, nang hindi mapigilan ang tawa ay natakpan ko na lang ang mukha dahil sa kainitan nito. Pafall talaga ang ampt.
"Oh, saan ka pupunta?" habol ako nito ng maglakad ako sa tindero ng siomai, wala naman din akong choice na pagbibilhan. Gutom na ako! "Kinikilig pa ako iniwan muna, tsk.. bad.." nilingon ko ito, kunwari naiirita.
"Tigilan muna yan, thor.." pinaglapat niya ang labing nagpipigil ng tawa, may pagkalok* din pala ang isang 'to.
Dala ang nabiling siomai ay tumungo kami sa isang shed malapit sa tapat ng simbahan. Naupo kami doon at tahimik na pinapanuod ang mga dumadaang tao sa harapan.
"How' s your study?" pagbabasag nito sa katahimikan, nilingon ko siya. Nasa harapan ang paningin nito at ni hindi man lang ako sinulyapan.
"Medyo tinatamad ako.." doon na ako nito nilingon, kunot ang noo.
"Bakit naman?"
I sighed before place the cup of siomai on my side. "Ayoko sa kurso ko.."
"Then why are you take that?"
"Si papa.."
Nag-iwas ako ng tingin sa mapanuri niyang mata, halatang nais magtanong ngunit tila' y ayaw manghimasok.
"Pinilit akong kunin ito ni papa, wala akong magagawa kung hindi sundin ang gusto niya.."
"Masunuring bata.." aniya, pilit akong pinapatawa. "But, Im bothered, why dont you choice your like?"
"Sinunod ko lang ang gusto ni papa, but after I finish this course i start to pursue my dreams.." ngumiti siya sa'kin, iniangat nito ang siomai na parang inaalok akong makipag-cheers.
"For your dreams.." natawa ako bago idampi ang basong nasa gilid, ang dami talagang pakulo. "What is your real want?"
"I want to become a reporter.." nangunot ang noo nito, alam kong naweirduhan rin siya sa gusto kong trabaho. Pero iyon talaga, hindi ko rin alam ngunit gustong gusto ko talagang mapabilang sa media.
"Then, for future salazar, ayy este... future media reporter.." naiiling ako bago muling ipagdampi ang basong hawak, nakakarami na siya ngayong gabi.
"How about you?" usisa ko, hindi ko alam kung saang lakas ng loob ako kumuha para magtanong. "Why do you took that course?" ngumiti ito, ngunit ang ngiting iyon ay hindi man lang umabot sa mata niya. tila lahat ng ngiti nito kanina ay hindi humahawig sa ngiting pinapakita niya ngayon. Nababagabag ako na baka hindi tama na nagtanong ako.
"My mom was a rape victim..."
__