bc

IF I DON'T HAVE YOU

book_age16+
1.2K
FOLLOW
4.9K
READ
billionaire
opposites attract
arrogant
popstar
drama
sweet
bxg
humorous
enimies to lovers
sassy
like
intro-logo
Blurb

He was known as The Predator. The cold-blooded businessman who can ruthlessly ruin a person with just a few choice words. While she has ‘Prey’ written all over her. With her quite naïve, outgoing and too trusting character. They were miles apart from each other when it comes to social standing, personality and beliefs.

Hindi sana magkukrus ang mga landas nila kung hindi lamang sa pangingialam ng dalawang matandang humabi ng isang malaking kasinungalingan para lang mapaglapit sila.

Hisoka believes that Charie is the goldigger who was callously manipulating his grandfather. Kung kaya gumawa ito ng hakbang para maialis ang dalaga sa landas ng lolo nito. Paano? By k********g her and taking her to his private island. Charie hated him for it.

Dahil buong paniwala niya, simula na iyon ng kanyang Great Lovestory. Pero sa halip na ipakita iyon dito, mas pinili niyang pasakitin ang ulo nito. Hindi siya nagpakita ng galit dito. Bagkus, kumilos siya na para bang sa umpisa pa lang ay iyon na ang balak niya. Kung iniisip nitong inaakit niya ang lolo nito, pwes, humanda ito. Hindi pa nito nakikita kung paano totoong mang-akit ang isang Charie Veil. Will the Predator still win against her? Or will he be the one who will end up as her prey?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
A PAGE FROM THE MEMOIRS OF AN OLD, INTERFERING, MEDDLING, MANIPULATIVE, SCHEMING--- ERASE, ERASE…HMM… A PAGE FROM THE MEMOIRS OF NEMO ASERON, THE MOST LOVING AND CARING GRANDFATHER…                                           I am glad that I have achieved what I had set out to do for my grandsons Ravin, Simoun, Bastian, Giac and Flynn. And so now I must focus on my grandson Hisoka.        There are three things that are absolutely important to Hisoka. Hisoka, Hisoka and Hisoka. And sometimes if it is challenging enough, he could be called on to do his familial duty. I don’t know why but I am really worried about this grandson of mine. Sa lahat ng aking apo ay siya ang masasabi kong pinakamalapit ang ugali sa akin. Ang perpektong clone ko, ika nga. As hard as a rock. As strong as as an ox. And as manipulative, as scheming and as domineering as I was when I was his age. Kung kaya naman dahil din doon kaya madalas sa palagay ko ay nami-misunderstood siya ng mga taong nakapaligid sa kanya. This grandson of mine has not had it easy growing up under his crazy mother’s family. Maagang yumao ang aking pang-walong anak na si Hilario. At isang malaking trahedya pa ito dahil hindi siya namatay sa natural na dahilan. Kung hindi dahil sa isang malagim na aksidente. Hisoka was just ten then. He was only a frightened and deeply traumatised boy when the tragedy that took my son’s life occurred. Nang sumugod sa bahay nina Hilario ang dating nobya ni Hilario na si Nikita at tangkain nitong barilin sina Hitomi at Hisoka, nagtagumpay si Hilario na ipagtanggol ang mag-ina niya. Naagaw niya ang baril ni Nikita bago pa may masaktang kahit sino sa kanila. Ang hindi niya alam, isang baril din pala ang papatay sa kanya kinabukasan lang ng trahedyang iyon. It was an accident caused by negligence on Hilario’s part when he failed to hide his own licensed gun in a safer place. Dahil sa nasaksihan ni Hisoka na pagtatangka ni Nikita sa buhay nilang mag-ina, inisip nitong hanapin ang baril ni Hilario upang maging handa sakaling mangyari ulit iyon. Naisip niyang anumang sandali ay maaring makalabas ng kulungan si Nikita upang pagtangkaan ulit ang buhay nila. To his ten-year-old mind, he needed to be ready to defend his family in case somebody attacked them again. Walang alam sa paghawak ng baril si Hisoka. Ni hindi niya alam na may bala pala ang baril nang matagpuan niya iyon mula sa drawer sa gilid ng kama nina Hilario at Hitomi. Kung kaya’t nang magulat siya sa biglang pagpasok ni Hilario sa master’s bedroom kung saan naroon siya at hawak ang baril ay hindi sinasadyang nakalabit niya ang gatilyo ng baril. And accidentally shot his father in the chest. Hilario died instantly.  For a time, we all thought Hisoka would be too traumatized by what happened to survive with his sanity intact. But he did survive. Sane albeit a whole lot different from the laughing boy we once knew. Naging tahimik siya kumpara sa dating makulit at malikot na batang kilala ko. At naging overprotective sa kanyang ina at sa kahit na sino pang taong sa isip niya ay mas mahina sa kanya. Animo sa isang kurap ng mga mata ay naging matured siya para sa edad niya. Matagal na naming alam na isa siyang gifted child dahil sa taas ng resulta ng IQ test niya noong limang taong gulang pa lang siya. Subalit hindi gusto ni Hilario na lumaki siya ng iba sa ordinaryong mga bata. Kaya hindi nila inobligang ipasok siya sa eskwelahan para sa mga katulad niya. Hinayaan nila siyang lasapin ang kabataan niya kahit pa mangahulugan iyon ng pagbubulakbol paminsan-minsan at pagkakasangkot sa mga kapilyuhang pinasisimunuan niya at ng mga pilyo ding pinsan niyang sina Dylan, Ethan at Giac. Hilario did not want his son to grow up too fast. Ayaw niyang mawala agad ang kainosentehan ng kanyang unico hijo. Minsan nga nasabi niya sa akin noong nabubuhay pa siya, ang pinakamalaking achievement na natanggap niya sa buhay niya ay ang pagkakataong makitang tumatawa ang anak niya. Kaya nasisiguro kong kung buhay lamang siya ngayon, labis siyang magdadalamhati kung makikita niya si Hisoka ngayon. Sapagkat matapos ang trahedya, nagsimulang maging seryoso si Hisoka sa lahat ng bagay. Sa kanyang pag-aaral, sa mga aktibidad at sports na sinasalihan niya at sa pakikitungo niya sa ibang tao. Naging maingat ang mga kilos at galaw na para bang isa siyang robot. Na para bang takot na siyang mawalan ng kontrol sa sariling mga emosyon niya. But the important thing was he survived. The same way he survived Hitomi’s cold, controlling and cruel family. Umpisa pa lang kasi ay hindi na boto ang mga Kudo kay Hilario para mapangasawa ni Hitomi. May ibang nobyo kasing Hapones din si Hitomi bago nito nakilala ang aking si Hilario. Nobyong hiniwalayan nito nang makilala si Hilario. Ngunit nang mabiyuda si Hitomi ay pinakasalan din nito ang naturang dating nobyo. Sa malas, kay Hisoka ibinunton ng naturang lalaki ang galit nito at selos noon kay Hilario. Kung kaya’t lumaki ang aking kawawang apo sa ilalim ng istrikto at malupit nitong kamay.   Kung sana lang ay maaga kong natuklasan ang pinaggagagawa kay Hisoka ng pamilya at pangalawang asawa ni Hitomi. Maaga ko sana siyang nabawi sa poder nila. Matapos kasing bawiin ng mga Kudo sa poder ko si Hitomi at si Hisoka pagkamatay ng aking anak, bibihira na lamang nila kaming pinayagan ng aking esposang si Salome, na makita ang aming manugang at apo. Kung kaya’t wala kaming kaalam-alam na bini-brainwash na pala nila ang aking manugang at apo laban sa amin. But it is too late now for regrets.        Isa lamang ang aking ipinagpapasalamat. At iyon ay ang katatagan ng loob at tibay ng isipan ng aking apo. Mga katangiang batid kong namana niya sa akin, syempre. At ang mga katangiang iyon ang nagpapaalam sa akin na anumang oras ay maari siyang magtagal mag-isa sa isang uninhabited na isla o masukal na gubat nang walang sinumang kasama o inaasahan. Na maari siyang magtagal mag-isa habang-buhay niya.  Not because he was trained in combat like Flynn and Ethan. Not because he knows all about surviving in the wilds like Ravin, Irvine or Zrael. Kung hindi dahil kumpara sa mga pating na nakasanayan na niyang kaharapin sa loob ng mundong ginagalawan niya gabi-gabi, sisiw na lang kumbaga ang maiwan siyang mag-isa sa isang isla o gubat. Even the sharks out to get him in the flashy and deceptive world he lives in as a hotel and casino owner in various parts of the world are scared of him.  At iyon ay hindi lang dahil sa reputasyon niya bilang mahirap gapiin na katunggali. Kung hindi higit lalo dahil sa reputasyon niya bilang malupit na kaaway. He does not give second chances. Kung kaya mabibilang sa iisang kamay ang may lakas ng loob kalabanin siya. Pero sa pagkakataong ito, ang mamuhay ng mag-isa ay isang bagay na hindi ko mapapayagang mangyari sa kanya. I failed him when he was a kid. But not anymore. Dahil titiyakin ko ngayon na makakamtan niya ang kaligayahang matagal nang dapat napasakanya.        

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.0K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook