If she was not so desperate for this plan to work, Charie would have laughed at the ridiculous picture she made. She was wearing Jackielou’s extra large dowdy clothes, a huge thick eyeglasses and a long, thick wig that resembles the other woman’s hair.
Hindi siya natatawa sa hitsura ng may katabaan at may pagka-manang manamit na sekretarya ng manager niya na siyang ginagaya niya ngayon para makalusot sa matitinik na bodyguards na nasa labas ng hotel suite niya. Natatawa siya sa ideyang siya bilang si Jackielou ngayon ay mistulang espiya ng gobyerno kung maglakad at magtagu-tago sa likod ng malalaking halamang dekorasyon sa mahabang pasilyo ng hotel.
Kumukubli siya saanmang sulok na maari niyang pagkublihan sa pag-aalalang may makakilala sa kanya at ialerto ang manager niyang kasalukuyang nakikipag-meeting sa record producers ng bagong label na paggagawan niya ng next album niya. At sa tuwing may makakasalubong siyang guest sa hotel o staff, kunwari ay may dinudukot siya sa bag niyang kasya ang buong mundo sa laki upang maitago niya ang mukha niya.
Mga bagay na malabong gawin ni Jackielou. Dahil unang-una, hindi nito ugali ang magdala ng kahit ano’ng klase ng bag. Mistula ding colonel sa militar kung maglakad ito. Tuwid na tuwid ang tindig nito at diretso sa harap ang tingin. Hindi ito tumitingin saanmang panig, mas lalo na ang kalikutin ang
bag nito sa pag-aalalang mabunggo o makabunggo ito.
At kung makatingin ito sa mga makakasalubong nito ay animo sinisilaban nito ang mga iyon ng buhay gamit lang ang mga mata nito. Ang totoo, maging ang dalawang bodyguards nga ni Mother Violy na sina Iego at Julio ay ilag dito sa kabila ng laki ng katawan ng mga iyon.
“Ang laki talaga ng utang ko sa iyo, Jackie. Salamat ng marami,” anas niya sa sarili habang binabagtas ang eleganteng pasilyo ng Hisihima Hotel and Casino. Ilang hakbang na lang at malapit na siya sa elevators.
Jackielou Dimasupil is a firm believer that for chaos not to reign on earth, kailangang sumunod palagi sa batas at moral code ang mga tao. Subalit para sa kanya ay walang pangingimi nitong binalewala ang sariling prinsipyo nang pumayag itong matakasan niya kahit pansamantala ang ayaw paawat na pagmamanipula sa buhay niya ng manager niyang si Mother Violy.
Magkatulong ito at ang personal asisstant niyang si Ronnel sa pagdadamit at pagmi-make up sa kanya upang makamukha niya ito. Nang sa gayon ay malayang makaalis siya ng hotel nang hindi agad naipapaalam ng mga bodyguards niya sa kinauukulan.
And yet here she is, paying the other woman’s help by ruining her reputation as a prim and proper lady with her mad dashes for cover everytime she suspects someone was looking too closely at her. Nag-aalala kasi siyang hindi sapat ang pagkakapareho nila ng taas ni Jackielou.
Pakiramdam din niya ay wala na sa porma ang mga unang inilagay ni Ronnel sa tiyan at likod niya upang magmukha siyang sing taba ni Jackielou.
Siguro mas mabuting tumawag sila ng propesyunal na make-up artist at prosthetics expert para kuhang-kuha talaga niya ang hitsura at katawan ni Jackielou. Ngunit tiyak namang makakarating iyon kay Mother Violy at sa mga espiya nito kaya malamang mabuko din agad sila.
Sabi naman ni Ronnel, kayang-kaya naman daw niyang magpanggap bilang si Jackielou. Kayang-kaya nga daw niyang gayahin ang boses nito. Iyon pa kayang mas madali lang gayahin na pagkilos daw nito.
Huwag lang daw siyang matataranta o magpapahalata sa ibang tao na kinakabahan siya. Doon kasi nabubukong pang-singer lang talaga siya at hindi pang-actress.
Mas tiwala pa ito sa husay niyang umarte kaysa siya mismo sa sarili niya. Pero hindi naman kasi siya isang artista. Kahit pa anong pilit ng manager niya na hindi niya kasalanan kaya hindi tinangkilik ng tao ang nilabasan niyang teleserye noong isang taon. Aminado naman kasi siya sa sarili niya na kahit gaano pa kadali ang role sa pelikula o telebisyon na ibigay sa kanya, hindi niya iyon magagampanan ng maayos.
Singer siya. Sa pag-awit lang siya mahusay, hindi sa pagdrama. Sa malas, ayaw iyong tanggapin ng kanyang manager na gustong samantalahin pang lalo ang popularidad ng mga novelty songs na pinasikat niya. Kaya kahit batid na nitong wala naman talaga siyang talento sa pag-arte, pilit siyang isinasali sa kung saan-saang programa sa telebisyon.
Humakbang siya patungo sa elevator at agad na pinindot ang button niyon habang panay pa rin ang paglinga niya sa paligid. Hanggat hindi siya nakakalabas o nakakalayo sa hotel ay hindi mababawasan ang aprehensyon sa dibdib niya.
Siguro kung naging reasonable si Mother Violy at pinayagan siyang makapagpahinga man lang matapos ang nakakapagod niyang pagtu-tour sa halos lahat na yata ng malls sa buong Pilipinas, hindi siya mapipilitang gawin ito. Dalawang buwang bakasyon lang naman ang hinihingi niya dito. Kaunting pahinga lang bago siya sumabak ulit sa recording ng pangalawang album niya.
Magmula nang ma-discover siya nito sa pamamagitan ng kaibigan ni Jackielou na parokyano nila sa parlor na pinagtatrabahuhan niya tatlong taon na ang nakakaraan, ngayon pa lang siya humingi ng pahinga dito. Subalit ayaw siyang payagan nito.
‘’Sasakay ka ba, miss, o hindi?’’ untag sa kanya ng naiiritang boses-lalaki na iyon.
At ang boses na iyon ay pag-aari ng matangkad na morenong lalaking kahawig ni Antonio Banderas noong medyo bata-bata pa ang aktor. Isa ito sa tatlong nakasakay sa elevator na bumukas na pala.
Hindi niya agad napuna iyon dahil sa paglilibot ng mga mata niya sa pasilyo.
‘’Sasakay ako! Sandali lang!’’ sambit niya.
Saka malalaki ang mga hakbang na pumasok siya ng
elevator. Malalaki ang mga elevators dito sa Hishima Hotel and Casino. Kaya naman kahit malaki siya bilang si Jackielou at malaki din ang bitbit niyang bag na naglalaman ng mga gamit niya, kasyang-kasya silang apat doon. May espasyo pa nga para sa lima pa.
Subalit nang masulyapan niya ang isa pang lalaking lulan ng elevator, tila biglang sumikip ang elevator sa wari niya. Napapagitnaan ito ng iritadong morenong kumausap sa kanya kanina at ng mukhang Japanese na lalaking nakasuot ng itim na business suit. Para kasi siyang kinapos ng hininga habang nakatitig sa naturang lalaki na sa tantiya niya ay nasa six-feet paitaas ang height.
Hindi niya malaman kung paanong hindi niya agad ito napansin pagpasok pa lang siya ng elevator kanina. Dahil sa hitsura nito, bulag, manhid o patay na lang ang isang babae kung hindi maaapektuhan ng kagwapuhan at kakisigan nito.
How could anyone resist staring at his dark gray wolf eyes? Lalo pa at animo nanunuot hanggang sa kaluluwa ng kaluluwa mo, kung posible nga iyon, kung makatingin ito. Kung hindi lang niya nasisigurong natural ang katingkaran ng pagka-itim ng mga kilay nito pati na ng makakapal at mahahabang pilikmata nito, iisipin niyang naka-eyeliner at brow definer ito.
Isang parte tuloy niya ang naiinggit dito. Dahil ito hilamos lang ang gawin ay ganoon na agad ang hitsura. Siya katakut-takot na make-up pa muna ang kailangan para lumitaw na maganda pa rin ang may kalakihang mata niya.
And how could anyone avoid gaping at his black as midnight long hair neatly tied by a black ribbon at the base of his nape? Para itong Pirate Prince na nakikita niya sa cover ng mga historical books na hilig basahin ng kaibigan niyang si Ninya. Lalo pa at puting-puti ang suot nitong business suit. Lalong lumutang ang matingkad na pagka-itim ng makintab nitong buhok.
Furthermore, how could any woman refrain from ogling his strongly sculpted jaws and most especially his irresistibly kissable lips?
Kilala niya ito. Subalit siya ay hindi niya sigurado kung kilala siya nito. Bagamat naipakilala kasi sila ng pormal sa isa’t isa ni Mother Violy noong una siyang isama ng manager niya dito sa hotel na ito tatlong taon na ang nakakaraan, hindi naman siya kinausap ng lalaki.
Tipid na tinanguan lang siya nito saka nilagpasan ng tingin. Iyon ang una at huling beses na nagkaharap sila nang ganoon kalapit bagamat ilang beses na niya itong natatanawan mula sa malayo sa tuwing narito sila nina Mother Violy sa hotel na ito.
Gayunpaman, hindi na nabura sa isipan niya ang tila nuknukan ng perpektong kagwapuhan nito.
Ito ay walang iba kung hindi si Hisoka Kudo Aseron. The half-Japanese, half-British-Filipino owner of all the seven five-star Hishima Hotels and Casinos all over the world.
At isa sa mga apo ng kilalang bilyonaryong si Nemo Aseron.
Hindi mahilig si Hisoka na magpakuha ng litrato o magbigay ng interview sa press. Ang totoo, ilag ito sa press at mahigpit ang bilin sa mga tauhan nito na walang litrato nito o video footage ang maaring lumabas sa publiko nang walang pahintulot nito. Kung mangyayari daw iyon, ihahabla nito ang mga maglalabas niyon.
Tanging ang mga publicists lang nito ang humaharap sa publiko kung may mga okasyong kailangan para sa publicity ng hotels and casinos nito. Bagay na hindi maunawaan ng marami. Dahil sa hitsura nito at sa pangalang dala-dala nito hindi lang bilang isa sa mga apo ng bilyonaryong si Nemo Aseron kung hindi bilang isa din sa mga tagapagmana ng milyonaryong mga Kudo, wala naman itong dapat ikahiya o itago maging laman man ito ng TV.
Mas dapat pa nga ay taas-noo itong humarap sa mundo dahil kabilang ito sa isa sa mga pinakabatang bilyonaryo sa buong mundo. Hindi lang sa peso, yen o pounds, pati sa dollars at euro! Kung tutuusin, mas mayaman na nga daw ito kaysa sa lolo nito.
And yet he detests the glare of publicity.
Kahit pa karamihan sa mga kamag-anak nito ay halos sa harap na ng camera naglalagi at namumuhay. Minsan dahil sa trabaho iyon pero minsan dahil din iyon sa eskandalong kinasangkutan.
Tulad na lang ng pinsan nitong international model at
Hollywood actor na si Dylan Ashe o Dylan Aseron sa tunay na buhay. Th man earns millions everytime his face appears on TV, billboards or if he has a new movie. And yet ilang beses nang inakusahang tumakas sa mga responsibilidad nito sa mga nabuntis daw na ex-girlfriends nito.
Ang isa pang pinsan naman ni Hisoka na si Zrael En-Ey, ang bokalista ng sikat na international rock band na Zenith, isang wallet-sized na litrato lang nito ay nagkakahalaga na ng libu-libo. At pinakamababang ticket sa concerts nito? Tumataginting na twenty-five thousand kahit pa nasa pinaka-parking lot ka na at sa widescreen na lang manonood. Ngunit tulad ng ibang rock stars na mabilis nagsisikat, sinasabing gumagamit din daw ito ng bawal na gamot.