WHO IS HISOKA ASERON?

1497 Words
  Maging ang pinsan ni Hisoka na si Teree Aseron na sikat na modelo sa Europe at America pero ngayon ay nag-aaral na rin upang maging isang fashion designer, hindi naman takot sa limelight. Kahit pa napabalitang may psycho-stalker ito na kamuntik nang gumahasa at pumatay dito ilang buwan lang ang nakaaraan. Kahit ang isa pang pinsan nito na si Danieca Aseron ay madalas ding makita sa TV dahil sa pagiging isa sa mahuhusay na reporter ng isang malaking TV network kahit baguhan pa lang ito. At maging iyong ilang pinsan nitong negosyante din tulad nito na sina Bastian, Simoun at Giac, hindi kasing tindi ang pagtutol tulad nito na humarap sa press paminsan-minsan at magpakuha ng litrato. Tuloy mas marami ang nais lumutas sa misteryosong pagkatao nito.  Pero salamat sa dalas ng pananatili nila nina Mother Violy dito sa Hishima, karamihan sa staff dito ay kilala at kaibigan na niya. Kaya sa mga ito niya nalalaman ang mga bagay-bagay tungkol sa binatang may-ari ng naturang hotel at anim pang tulad niyon sa iba’t ibang panig ng mundo. At ayon sa mga ito, kung sa pamosong libro ni Sophie Kinsella ay sinasabing The Devil Wears Prada, sa loob daw ng engrandeng Hishima Hotels and Casinos, ang linya ng mga empleyado ay The Devil Wears Armani. At malayo pa lang ang Devil, este, si Hisoka Aseron, nanginginig na daw sa kaba ang mga ito. Kapag gumagala na at nag-iinspeksyon sa buong gusali ang lalaki kasama ng mga staff nito, lahat daw ng empleyado ng hotel ay halos hindi na daw humihinga sa takot na mapuna ng istriktong amo. Kadalasan daw kasi, hindi mo mapapansin agad na galit na pala ito o nayayamot. Bibihira daw kasing silayan ng anumang klase ng emosyon ang gwapong mukha nito. Animo ito isang buhay na perpektong obra ng pinakamahusay na maestro ng sining. At bilang isang obra, wala nga itong emosyon. He was too beautiful, too perfectly formed to just be a mere human. Tila ang tanging emosyong kaya daw taglayin nito sa likod ng kakisigang kinaiinggitan ng marami ay kabagutan. Para bang sa sobrang kahustuhan at kaperpektuhan nito, wala nang ordinaryong bagay sa mundo ang maari pang makapukaw ng interes nito.        Dahil doon, walang makapagsabi kung kailan ang kalmadong anyo nito at malamig na tingin ay nangangahulugan na pala ng malabis na pagkayamot o iritasyon. At ang tanging babala bago nito pakawalan ang lupit at bagsik ng temper nito ay ang nanunuyang pagkurba ng mga labi nito paitaas. Pagkatapos ay bigla na nitong tatapusin sa malumanay na tinig ang tiwala sa sarili ng malas na taong umani ng galit nito. In a few choice words, he could reduce you to humiliated tears as he enumerate one by one all the reasons why you should not even exist in this world. Sa kabila niyon, walang empleyado nito ang nagsasabing unfair itong amo. Dahil bagamat perfectionist daw ito, malaki itong magpasweldo at higit pa sa hinihingi ng batas ang compensation na tinatanggap ng bawat empleyado nito. Kumpleto din lahat ng life insurance at health plans ng bawat empleyado nito sampu ng mga kapamilya ng mga iyon. Katakut-takot na incentives at bonuses din ang tinatanggap ng mga empleyadong tapat at mahusay magtrabaho para dito. Basta daw sinusunod mo ang mga batas at patakaran nito sa hotels and casinos nito, kahit umabot ka pa sa edad na singkwenta ay papayagan ka nitong magtrabaho para dito. Give what he asks for and he will give you back what you deserve to get from him. Hindi niya alam kung gaano na siya katagal nakatitig sa mukha nito. Ngunit nang biglang tumikhim ng malakas ang mukhang Japanese na lalaki sa kaliwa nito ay saka lang siya nahimasmasan. Napakurap-kurap siya saka dagling bumaling paharap sa sarado nang pinto ng elevator. Kanina pa pala siya tila namatandang nakatitig kay Hisoka. Sumara at umandar na pala kasi ang elevator nang hindi man lang niya napupuna. Ang masama ay tila kanina pa din siya napansin ng tatlo na nakatitig kay Hisoka base sa iba’t ibang reaksyong nakabakas sa anyo ng mga ito. Nakakahiya. Namumulang napasulyap siya sa Japanese. Malinaw na nakabakas sa mukha nito ang kaaliwan sa kanya. Mula naman sa sulok ng mga mata niya ay nakita niya ang eksasperadong pag-iikot ng mga mata ng morenong lalaki. At si Hisoka? Hindi niya mawari kung kaaliwan ba o pagkayamot ang emosyong mabilis na dumaan sa mga mata nito nang diretsong salubungin ang palihim na pagsulyap niya dito. “Lady?” wika nito sa boses na animo malamig na yelong humahagod sa likod niya. Napakasarap sa tainga ng timbre ng boses nito. “Y-yes?” nauutal na untag niya dito. Hindi siya mahiyaing tao. Ang totoo, madalas nga ay gustong busalan ng mga nakakakilala sa kanya ang bibig niya mapatigil lang siya sa pagsasalita o sa pagkanta. Minsan pa nga kapag wala siyang mahanap na kausap, kahit sarili niya kinakausap na niya. Pero nang mga sandaling iyon, pakiwari niya ay isa siyang teenager na bago pa lang natututong lumandi! Hiyang-hiya pati mga daliri niya. ‘Lady’ pa lang ang sinasabi ng binata sa kanya pero para na siyang sinabihan nito ng ‘Will you marry me’ kung mag-react ang puso niya. “If you’re trying to give birth to your premature baby pillow, I suggest you go straight to the hotel’s clinic, Charie. We do not want to shock the guests here too much,” walang emosyon ang tonong komento nito. Saka hinayon ng mga mata nito ang tiyan niya. Noon naman niya naramdaman na biglang umiimpis ang tiyan niya dahil sa pagkakalas ng tali sa unan na inilagay doon ni Jackielou. “Anak ng baklang pating!” wala sa loob na sambit niya sa paboritong ekspresyon ni Ronnel. Maagap na sinalo niya ang unan bago pa iyon tuluyang bumagsak sa carpeted na sahig ng elevator. Nanlalaki ang mga matang napamaang sa kanya ang morenong lalaki pati na ang Japanese. “You might consider fixing it before you reach the lobby. That is if you truly don’t want your bodyguards to notice it is you behind that bizarre disguise. Nakita ko ang isa sa kanila na sumasakay sa isa pang elevator kanina,” kalmadong pagpapatuloy naman ni Hisoka. Iglap ang dating ng realisasyon sa kanya. Kilala siya nito! Tinawag siya nitong Charie!  O dapat ba niyang sabihing nakilala pa rin siya nito sa kabila ng disguise niya? Whatever! Isa ang malinaw, kilala siya nito at batid nitong tumatakas siya ngayon sa mga bodyguards niya kaya ganito ang hitsura niya. “Oh! Kilala mo ako!” sambit niya. “Pero paano mo ako nakilala?! Kahit nga ako hindi ko nakilala ang sarili ko nang tumingin ako sa salamin kanina! Ang galing mo naman! May X-ray vision ka ba?” Tipid na kumurba paitaas ang isang sulok ng mga labi nito. Pero hindi niya masasabing tunay na ngiti na iyon. “Kilala ko lahat ng bisita sa hotel ko, Miss Charie Veil. With or without your added hundred pounds disguise, I would still recognize you. I don’t need X-ray vision for that,” tugon naman nito. “Can you fix it?” tango nito sa unang hawak niya. “Ha? Oo! Oo, kaya kong ayusin ito. Pero---” “Then I suggest you start fixing it now.” “P-pero paano mo nga ako nakilala? Saka hindi mo ba isusumbong ang pagtakas ko kay Mother Violy?” usisa niya dito. Pag-uusisang umani ng matalim na tingin mula kay Antonio Banderas look-alike. Tila ba sinasabi nitong itikom na lang niya ang bibig niya at gawin ang sinabi ng amo nito. Para bang pinipigilan siyang patuloy na kwestyunin ang amo nito. Bilang sagot dito ay pinandilatan din niya ito ng mga mata. Ano bang problema nito? Ibinaling ulit niya ang tingin kay Hisoka. Sa pagkaka-alam niya ay kaibigan ng pamilya ni Hisoka ang manager niya. Dahil bukod sa pinsan ni Mother Violy ang manager ng pamangkin nitong si Pauline Aseron, talamak na sugarol ang asawa ni Mother Violy sa Hishima Casino. Posibleng isumbong siya nito kay Mother Violy hindi pa man siya nakakatapak sa labas ng hotel. “Please lang, huwag mo naman akong isumbong kay Mother Violy ‘o.” “And I would do that because…?” bagot ang tonong balik-tanong naman nito sa kanya. “Out of the---of the, ano nga ba ulit iyon?” baling niya kay masungit na Antonio Banderas. Sa halip naman sagutin siya ay pinandilatan lang ulit siya nito ng mga mata. “Cosntipated ka ba? O may sakit ka sa mata? Hindi na nga bale, natandaan ko na,” irap na lang niya dito na lalo namang ikinapanlaki ng mga mata nito. Tila nasamid ang Japanese na sinundan ng maikling pagtawa. Pagkuwan ay may sinabi ito kay Antonio look-alike sa wikang Hapon na tila mas lalong ikinayamot ng lalaki. Malamang nakakaunawa din ng Tagalog ang Japanese kung ganitong nagri-react ito sa usapan nila sa Tagalog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD