Pakiwari ni Charie ay bigla siyang napasok sa ibang mundo habang kaharap niya sa loob ng London Room ang tatlong Aseron. Buong paniwala niya ay itatama na ni Lolo Nemo ang maling akala ni Hisoka ukol sa kanila. Gayundin ni Lola Dorinda. Sa halip, pagpasok pa lang niya sa silid kasunod ni Hisoka, animo tunay ngang mangingibig niya na sumamo si Lolo Nemo sa kanya na sumama na dito paalis ng isla. Ibibigay daw nito anuman ang naisin niya. Kahit ora ismo daw ay handa itong pakasalan siya iwan lang niya at kalimutan si Hisoka. Habang si Hisoka naman ay animo isang posessive na nobyo din kung umasta. Hindi lumalayo sa tabi niya at pirming nakahawak sa kamay niya. “Hindi siya sasama sa inyo. Mananatili siya dito sa tabi ko. Nakapagpasya na siya. At ako ang pinili niya,” mariing pahayag

