“Stay here,” mariing bilin ni Hisoka kay Charie nang dalhin niya ito sa Pearl Room. Batid niyang hinihintay sila nina Lolo Nemo at Lola Dorinda sa London Room. Doon niy ainiutos kay Aling Sylvia na ihatid ang mga ito. Pero bago niya iharap ang dalaga sa lolo niya ay nais muna niyang makausap ng sarilinan ang matanda. Kaya naman sa left side entrance ng villa niya sila dumaan ni Charie upang hindi na nila kailanganing daanan ang London Room. “Arf! Arf!” sarkastikong gagad naman ng dalaga sa pagtahol ng aso. Kasabay niyon ay ang pagpukol nito ng matalim na tingin sa kanya. Hindi na niya kailangang manghula para malamang galit ito sa kanya. Ang totoo, isang parte din niya ang galit sa sarili niya. He was a callous bastard but he had to do it. “Mukha ba akong aso?! ‘Stay

