END OF TRUCE

1682 Words

                                      Aliw na aliw sa pamimitas ng mga bulaklak sa hardin si Charie. Sariwa pa sa isip niya ang namagitang halik sa pagitan nila ni Hisoka kagabi. It was certainly not their first kiss. Pero pakiwari niya mas higit na matamis at makahulugan iyon kaysa sa unang halik nila. Kagabi kasi, animo nalimutan na nito ang kaugnayan niya kay Lolo Nemo. Hinagkan siya nito na para bang wala nang iba pang babae sa mundo maliban sa kanya. Maingat, masuyo. Pero biglang natigilan siya nang maramdaman niya ang init ng titig mula sa likod niya. Noong una akala niya ay si Aling Sylvia iyon. Pero nang lingunin niya ang pigurang namataan mula sa sulok ng mga mata, natuklasan niyang si Aling Bebe pala iyon. At nag-uumapaw sa panunuya ang ngiti at ekspresyong nasa mga mata nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD