MAY KUNG anong mabigat na bumundol sa dibdib ko. Hindi kaya nagkakamali lang ang pandinig ko? Marahas na tumayo si Papa at tinungo ang pinto. Sunod na binuksan at tumambad si Aling Tere na isa sa kasambahay namin. May takot sa mukha niya na tiningnan si Papa saka saglit na sinulyapan ako. “S-si Marcus po ba nasa labas, Aling Tere?” tanong ko. Gusto ko makasigurado na tama ang narinig ko. “A-ang asawa ko po ba ang tinutukoy ninyo?” Marahan akong kumilos upang umahon sa kama. Dahan-dahan akong lumapit sa pinto. May pag-aatubiling tumango si Aling Tere kasunod ng makahulugang tingin kay Papa. “Pupunatahan ko siya – “ Maagap na hinawakan ni Papa ang braso ko. “Anak, pahihintulutan kita na makita siya ngunit sa malayo lamang. Hayaan mo kami ng Mama mo na makausap siya, please.” Gusto kong tu

