Pauwi na si Kai kakahatid lang niya kay Sam. Napangiti siya sa ginawa, nagmadali siyang umalis baka kasi masapak siya nito. Pagdating niya nakita niya ang Mama at Papa niya kasama si Kaycee at nagkukwentuhan, ang Ate Kyla at Kuya Steve niya nasa may garden at naglalambingan habang nag uusap. Napangiti siya sa dami ng pinagdaanan nila ng pamilya niya nakaya nila yun at nakasurvive. Okey na ang Ate niya malakas na ito at cancer free sobra silang nagpasalamat at nabigyan pa ng isa pang pagkakataon ito para makasama nila. Bubukod na din ang mag asawa pero ayaw humiwalay ng husto ng Mama niya ang Ate kaya sa isang subdivision din kumuha ng bahay ang Ate at Kuya niya. Nagpagawa din ng clinic si Steve para sa trabaho niya. Nakausap na din niya ang biological parents niya baka next week lum

