Nakatulala si Kai sa harap ng laptop. "Oh anak baka naman ikatunaw ng laptop yan" Biro ng Papa niya. Natawa lang siya "Ano ba iniisip mo anak?" Tanong nito. "Alam mo naman diba Pa" Malungkot na sagot nito. "Galit pa din ba siya?" Biglang pasok din ng Mama Kamilla niya. "Opo eh"Sabi niya at sumandal sa upuan at pumikit. Lumapit naman ang kanyang ina, at hinimas ang buhok ng anak. "Maayos din yan Anak" Nakangiting sabi nito. ** "Pakicheck yung mga delivery natin" Utos ni Sam sa isang staff niya. Busy siya habang may mga pinirmahan tseke. Ng matapos na siya lalabasin niya ang mga customer para makipag usap naging gawi na ng dalagang makipag usap sa mga customer nila. Pero bago pa siya makalalabas ay may kumatok sa pinto ng office niya. Yes?" Nakangiti niyang tanong. "May naghaha

