“Condolence, Aradelle.” “Salamat ho, tuloy po.” Nakangiting bati ko sa mga ito. Pilit akong ngumiti sa bati ng mga taong panay ang dating sa amin nang magsimula ang burol para kay Ate. Magdadalawang-araw na ako dito sa bahay simula noong gabing nagka-engkwentro kami ni Arkin. Pinasundo ako nina Mama kinabukasan noong gabing iyon at kagaya ng dati, nakiusap si Papa na makisama na lamang ako habang hindi pa tapos ang burol ni Ate. “Dito ho kayo, magpapahatid na lang ho ako ng makakakain ninyo. Ipapaalam ko na rin lang ho kina Mama na narito kayo,” sabi ko pa pagtapos na asistihan ang mga bagong dating sa isang bakanteng mesa sa malawak na hall ng aming bahay. Makulimlim ang ilaw ng bahay dahil tanging ilaw mula sa naka set-up na kabaong ni Ate sa gitna ang nagbibigay liwanag sa silid.

