Chapter 2

1858 Words
“Ate,” bulong ko. Parang gusto ko nang tumakbo at saluhin ang mga palo na lumalatay kay Ate pero agad akong hinawakan ni Lori para pigilan. Nagtama ang mga mata namin ni Ate pagpasok na pagpasok namin sa silid pero ngumiti lamang siya. Ngiti na madalas na binibigay niya sa akin para ipaalam na ayos lamang siya kahit hindi. “Ito na ba ang lahat?” Nabaling ang tingin ko sa nagsalita at napasinghap nang mapagtanto na may mga pari pala rito. Hindi lamang basta mga pari, andito ang pinaka nasa itaas, si Padre Feruvio. “Opo, ito na po lahat,” tugon ni Superiora at yumuko sa mga pari. May mga nauna na rin palang mga kababaihan dito na mga nakapantulog rin. “Tingnan ninyong mabuti ang mga babaeng ito na nahuli naming lumalabag sa mga batas,” sabi ni Padre Feruvio nang maglakad ito sa harapan ng hilera nina Ate. Tumaas ang kamay nito at tumigil naman ang paghampas na kahit papano ay nakagaan sa pakiramdam ko. “Ilan sa mga kababaihang ito ay nasa huling isang taon at ang ilan naman ay magtatapos na ngayong taon pero kita niyo naman na nangunguna pa sa pagsuway, parang walang natutunan,” sabi nito saka ibinaba ang kamay. Parang tumigil ang paghinga ko nang kasabay nang pagbaba ng kamay ni Padre Feruvio ay ang paghampas ulit kina Ate pero mas malakas. “Ito, may nakakilala ba sa kaniya rito?” Tumigil si Padre Feruvio sa tapat ni Ate. Nilingon ko ang mga kasamahan ko maging ang mga kasamahan ni Ate sa kaniyang kwarto at wala ni isa ang naglakas-loob na magpakilala. “Kahit isa? Maliban sa kapatid niya,” sabi pa ni Padre ulit at tumingin sa akin ng kakaiba. Hindi ko mawari ang tingin nito gayong lagi naman ito noon sa bahay noong mga bata pa kami. Taong simbahan sina Mama kaya alam kong kilala na kami ni Padre dahil sa madalas sa bahay namin sila pinapakain sa tuwing may mga pampurok na pagdiriwang na misa. “Si Serena, dapat ay matagal na siyang nagtapos pero napag-iwanan na siya dahil sa lagi siyang sumusuway sa mga patakaran. Kahit naman palaging napaparusahan ay hindi nagtatanda.” Napaluhod na si Ate pero diretso pa rin ang paghampas sa kaniya. Nangingilid na ang mga luha ko pero alam ko namang pag nagpakita ako ng kahinaan ay mapaparusahan rin ako. “Dati ay magagaan lamang ang parusa na binibigay namin sa mga sumusuway pero ngayon ay napagdesisyunan naming bigatan na ang parusa dahil sa mabigat rin ang ginawang kasalanan. Tumakas sila sa oras na dapat ay ipagtutulog na at natagpuang nakikipagsaya sa mga kalalakihan sa kabilang dormitoryo. Isang halal na gawain na labis na ipinagbabawal sa paglilingkod. Kaya kayo...huwag na huwag kayong magtatangkang gumaya sa kanila o makakalasap rin kayo ng parusa. Didito sila ng isang buong araw mula ngayong oras hanggang kinabukasan ng ganitong oras, walang pagkain at walang inom ng tubig. Walang lalapit o tutulong o doble riyan ang magiging kaparusahan ninyo. Tandaan niyo, ang pagpasok ninyo rito ay nangangahulugang tinalikuran at tinanggap niyo nang hindi na kayo makakatamasa ng makamundong uri ng pamumuhay. Dahil ang mga buhay ninyo ay iaalay na ninyo sa nasa itaas.” Naglakad na si Padre Feruvio palabas ng silid na saglit pang tumigil sa tapat ko bago tuluyang naglakad paalis. Tinangka kong lapitan agad si Ate pero pinigil ako ni Superiora. “Bumalik na kayo sa kwarto, Aradelle. Narinig mo naman ang utos ni Padre.” “Bibigyan ko lang ho ng pamalit na damit ang kapatid ko,” “Ang pagtitiis ay kasama sa paghingi ng tawad. Kulang pa iyan kung tutuusin,” Nanlulumo akong naglakad palayo na panay pa ang lingon kay Ate bago tuluyang lumabas ng silid. Nang makabalik sa kwarto ay humiga na ulit kami. Nag-iwan pa ng babala si Superiora bago tuluyan kaming iniwan. Ramdam ko ang mahinang iyakan ng mga kasamahan ko kahit mga nakahiga na. Ganon din naman ako, naiiyak ako pero mas lamang sakin ang galit dahil sa kahabag-habag na sitwasyon ni Ate. Nang maramdaman kong tulog na ang mga kasamahan ko paglipas ng mahigit isang oras ay marahan akong bumangon sa pagkakahiga at nagtungo sa kusina. Kumuha ako ng mga tirang tinapay at isang botilya ng tubig. Mabilis lamang ako, kailangan ko lamang pakainin si Ate para may lakas siya sa buong maghapon na hindi sila papakainin. Marahan kong binaybay ang daan patungo sa silid na kinaroroonan nina Ate. “Ara!” singhap ng isa sa kasamahan ko sa kwarto. “Anong ginagawa mo rito? Bawal ka dito. Bumalik ka na, mahirap na!” “Thianna, si Ate?” bulong ko, wala na akong pakialam sa sinabi niyang babala. Lumaguslos naman ang luha nito, “K—kinuha nila si Serena.” “Ha?” “Kung tama ang hinala ko, dinala siya sa dormitoryo ng mga lalaki,” “Anong ibig mong sabihin? Imposible yan! Bawal tayo doon!” “Tulungan mo siya, Ara. Tulungan mo siya,” “Hindi kita maunawaan,” “Ara, ang Ate Shiela ko ay nakagawa rin ng kasalanan noon. Napag-alaman ko na lamang na sa dormitoryo ng mga lalaki siya dinala noong magpaalam ito sakin bago nawala. Pinilit kong alamin pero kahit pamilya ko ay parang balewala na lamang at naniwala na pinadala si Ate sa ibang bansa para doon maglingkod. Pero iba ang kutob ko. Takot na takot ang Ate noong nagpaalam sakin noon.” “Hindi ko maunawaan ang mga sinasabi mo. P-pero susubukan ko pa rin. Ito, kumain kayo. Itapon niyo na lamang ang bote para di kayo mahuli ha,” “Mag-ingat ka,” Tumango na lamang ako at tumayo. “Aradelle!” Nanlamig ako nang may tumawag sa akin at marahang humarap rito. “Mother Flora,” “Aradelle, anong ginagawa mo dito? Bawal dito!” galit na sabi nito nang lumapit sa akin. Kita ko na may dala itong mga pagkain at inumin. “Mother, kailangan ko pong hanapin si Ate. Pakiusap ho,” Saglit pa itong tumitig bago inabutan ako ng flaslight, “Sa dormitoryo ng mga lalaki. Yon lang ang kaya kong ibigay na tulong.” “Salamat po, Mother!” sabi ko at niyakap ito. Madali ako lumabas sa likuran nitong silid at nagulat na nasa gubat na agad ako. Binuhay ko ang flashlight pero ipinasok sa loob ng damit ko ng sa ganon ay hindi masyado malayo ang dating ng liwanag. Mabigat ang bawat hininga na lumalabas sakin sa kaba na baka mamaya ay merong makahuli sa akin. Buti na lamang at wala na masyadong nagbabantay dahil sa mga nangyari kanina. Pinatay ko na ang aking flashlight at pinilit na umakyat sa pader sa likurang bahagi ng dormitoryo ng mga lalaki. “ARAY!!!” impit na daing ko nang mahulog ako pababa dahil namali ako ng kapit. Hirap akong bumangon at nagpasalamat na lamang na parehas na parehas pala ng dormitoryo namin ang istruktura ng sa mga lalaki. Sinubukan kong suriin isa-isa ang mga bintana ng mga kwarto kung may bukas at sa awa ng diyos ay may isa. Marahan ko itong binuksan at sinipat muna kung may nagising. Nang makitang wala namang nagising ay marahan akong pumasok at sinara ang bintana. Titingkayad-tingakayad akong naglakad sa gitna ng mga hanay ng mga kama at nang makarating sa pinto ay halos hindi na ako huminga sa pagbukas ng pinto. Paglabas ko ay wala na kahit isang makikita sa labas kaya kahit masakit na ang aking mga talampakan ay pinilit kong lumakad para mahanap si Ate. “Nasaan na iyon?” bulong ko habang inaaral ang paligid. Natigilan pa ako saglit nang biglang bumuhos ang ulan kasabay ng malalakas na kulog at kidlat. Bagamat malaking bagay ito na hindi ako mamalayan ay magiging mahirap ito pabalik. Kumidlat ng malakas at lumiwanag ang isang pasilyo sa harapan ko at parang tumigil ang hininga ko nang makita si Ate na naglalakad sa likuran ng dalawang mga pari. “A-ate,” lunok-laway na saad ko. Nagtago ako madali sa likod ng isang malaking poste at inintay kung anong mga susunod na mangyayari. Napakabilis ng pagbaba at pagtaas ng aking dibdib habang nanunuyo na ang lalamunan sa pagtitig sa kwarto kung saan pumasok si Ate. Nang makitang lumabas na iyong dalawang pari ay marahan na akong gumapang palapit sa silid. Halos magkandapa-dapa pa ako dahil sa basa ng ulan na tumitilamsik sa pasilyo. Hindi ko alam bakit ganoon na lamang ang kaba at takot ko habang papalapit sa silid na tanging ilaw mula sa lampara ang nagsisilbing ilaw. Nang makalapit sa silid ay natigilan ako sa paggapang, nanginig ang mga tuhod at dalawang braso na nakatukod sa basang sahig. “AH! Tama na po, Padre!” Para akong nalulunod sa mga iyak ng aking kapatid na humahalo sa malakas na bugso ng ulan. Hindi iyon iyak ng pinapalo. At mas lalong hindi iyon iyak na mula sa pagbubuhat ng kamay. Lumaguslos na ang mga luha ko nang pilitin kong igalaw ang mga braso kong ano mang oras ay tila bibigay na lamang. Pagtapat sa silid ay tumigil ang paghinga ko nang makita ang Ate na nakahandusay sa sahig habang naka-ibabaw si Padre Feruvio at nilalabas-masok ang ar* nito sa aking kapatid. Kitang-kita ko ang pagpupumiglas ni Ate habang hinahabol ang hininga sa pagpilit na mailayo ang katawan sa pari. “Manahimik ka!” galit na sabi ni Padre Feruvio at malakas na ibinaon ang ar* nito kay Ate dahilan para mapasinghap si Ate sa sakit. Bumagsak ang dalawang kamay ni Ate sa pagkahaplay. Walang-awa na pwersahang pinunit ng pari ang taas ng dress ni Ate at kinulong ang dalawang dibdib sa dalawang kamay nito. “A—Ate,” hinagpis ko. Tumagilid ang ulo ni Ate at alam kong nakita niya ako. “A—Ate...” Kita ko ang kamay nito na nagmwestra na wag akong papasok at ngumiti na naman. Ate!! HINDI!!! Hindi ko kaya to!!! Pinilit kong tumayo at akma nang papasok sa kwarto nang biglang may humigit sa akin at sinandal ako sa likod ng poste saka tinakpan ang aking bibig. “AHHH! AHHH!!!” rinig kong palahaw ni Padre Feruvio. “B---BITAW!” pilit kong sabi habang inaalis ang kamay nitong lalaki sa harapan ko. “AHHH! HA! AH!!!” ATE!! ATE!! Para akong mababaliw. “Ate!!!” pilit kong sigaw dahil sa pangingilabot sa mga pagraos na ginagawa niyong hayop na iyon. “Ate!!!” hinaing ko ulit sa pagitan ng mga iyak ko. Kumidlat muli at lumiwanag sa pwesto kung saan kami nakatayo nitong lalaki. Natigil ako sa pag-iyak nang makita ang mga mata nitong lalaki. Pamilyar ako sa mga matang ito. Sa isang tao lamang ako nakakita ng ganitong mga mata. Marahang lumapit ang mukha sakin saka tumigil sa tapat ng tenga ko. “Alam mo ba, ang pinaka ayaw ko ay mahihinang tao!” sabi nito. “Kaya tumigil ka sa pag-iyak!” Nanlaki ang mga mata ko, ito rin iyong lalaki na kausap ko kanina sa lawa. “D—Dev--” hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang hampasin ako nito sa may leeg at nawalan na ako ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD