"Gising na siya, Ka Javier," wika ni Erning sa kasamahan nang gumalaw ang babaeng nasagip nila sa tabi ng ilog. Maraming pasa ang babae sanhi marahil ng isang aksidente dahil nabalitaan nilang may nahulog na sasakyan sa kapatagan. Pero dahil wala itong malay nang saklolohan nila ay kinailangan nila itong dalhin sa gitna ng kagubatan. Agad namang tinungo ni Javier ang babaeng nakahiga sa papag na may kung ano-anong dahon ang nakatapal sa katawan. Napabalikwas ito ng bangon ng makita siya. "Sino kayo? Nasaan ako?" "Huwag kang matakot. Ako si Javier. Nakita ka namin sa gilid ng ilog na nakahandusay. Kumusta ang pakiramdam mo?" Kahit mabait ang pakikipag-usap ng lalaki ay may takot pa ring nadarama si Lenna sa kaharap. Agad bumalik sa isip niya ang malagim na pagharang sa kanila

