Isang linggo na mula nang maganap ang malagim na pagharang sa kanya at habang tumatagal ay lumalalim ang sakit sa puso niya. Hindi niya alam kung hanggang kailan siya ganito. Kahit ang alak ay hindi mapawi ang sakit na nararamdaman niya. "Bakit mo ba ako idiniin sa kasong 'to, Mr. Silvestre?!" galit na tanong ni Lucio sa kanya nang magkaharap silang muli sa presinto. "I have no intention to take Lenna away from you! Alam ko ang pagmamahal niya sa 'yo kaya hindi ko na pinilit pa ang sarili ko!" "Why do I need to believe you?! Tatanggapin ko na lang bang aksidente ang lahat ng 'yun?!" Walang magawa ang mga pulis sa palitan nila ng salita. Nagpunta si Lucio doon para magbigay muli ng pahayag na wala siyang kinalaman sa pagdukot sa asawa niya. "I am a womanizer, I admit that. Pero

