Sa ospital na nagkamalay si Dash na agad hinanap ang asawa. "Where's Lenna, 'Ma?" Malungkot namang ginanap ni Matilda ang kamay ng anak na hindi alam kung paano ipaliliwanag na hanggang ngayon ay walang balita kay Lenna. Ayon sa mga pulis ay nahulog ang kotseng kinalululanan ng mga ito. Nagkaroon na ng rescue and operations sa lugar pero walang nakitang bangkay kung hindi dalawang lalaki. Ang isa pang lalaki ay himala na nabuhay pero nasa ospital din ito dahil sa tinamong pagkabaldado ng katawan. Hanggang ngayon ay wala pa itong malay. "H-hinahanap pa ng mg pulis... Nahulog ang kotseng sinasakyan nila sa isang bangin. Nakita na ang bangkay ng dalawang lalaki at ang isa ay agaw-buhay sa ospital. Pero wala si Lenna doon, Dash." "What do you mean, 'Ma? Hindi maaaring wala doon an

