"Gustong mamasyal ni Jassy sa farm, Dash. Sasama ba kayo ni Alejandro?" tanong ng ina na pumasok sa silid niya isang umaga. Kasalukuyan siyang nagbibihis dahil papunta talaga siya sa bukid. "Baka magtagal ako roon, 'Ma. Hindi ko sila maihahatid pabalik." "I can drive. Malapit lang naman 'yun at kasama rin daw si Mama." Napilitan siyang tumango saka itinuloy ang pagbibihis nang lumabas ng silid niya ang dalawa. Napahugot siya ng malalim na hininga nang magtungo siya sa balkonahe. Walong buwan na pero wala pa ring linaw kung nasaan ang bangkay ni Lenna. Nagalugad na ng mga rescuer ang pinangyarihan ng krimen at ang kalapit lugar pero walang bakas ng asawa niya. She vanished like thin air. May mga bangkay rin na nahahanap na inanod ng ilog pero walang nag-match kay Lenna. Gus

