"Sigurado ka na ba sa pagbabalik mo?" tanong ni Javier sa kanya nang matapos siyang magbihis. Mula sa b****a ng gubat ay maglalakad pa siya ng ilang kilometro para makahingi ng tulong sa mga militar. Pero susubukan siyang maihatid ni Javier kung nagkataong maluwag na sa kapatagan at wala na ang nagbabantay na mga militar. Mahigit walong buwan naman na mula nang huling magkaroon ng engkwentro sa magkabilang panig. Mabigat ang kalooban niya na bumalik sa Hacienda Luna. Kung hindi kay Alejandro ay hindi niya gugustuhin pang bumalik. Hindi siya kailanman sumali sa grupo nila Javier at nauunawaan siya ng mga ito. Pero kung bakit natagalan siya bago bumalik sa kapatagan ay si Dash din ang dahilan. Ilang buwan na nang makababa ang isang miyembro at makibalita kung ano ang nangyari sa mag

