Maagang gumising si Lenna kinabukasan at habang kausap niya sina Tonet at Cecil sa komedor ay dumating si Dash. "Can we talk?" mahinang pakiusap ni Dash sa kanya na hindi niya nilingon. Nang hindi ito umalis sa kinatatayuan nito ay lumakad siya palayo roon at iniwan ang anak sa dalawang katulong. Nagtungo siya sa opisina ng Papa niya saka umupo sa mesa nito bilang siyang nagmamay-ari ng mansyon ngayon. Nakasunod pa rin si Dash na tahimik lang na nakamasid sa kanya. "You have to leave this house, Dash. Dapat ay sumama ka na sa pag-alis ni Jassy kaninang madaling araw. Kayo ng Mamam mo," walang emosyon niyang wika. "You are my wife..." Lumunok muna ito bago nagsalita. "Ano ang nangyari sa 'yo? Saan ka tumira sa mga panahong hinahanap ka namin... ng mga pulis... ng mga rescuer...

