Nagising ako na walang maalala. Kahit ano'ng piga ko sa utak ko, hindi ko na maalala ang mga nangyari kagabi. Nag-message lang sa akin no'n si Elisa pero pagdating ko rito sa room, walang tao. Dali-dali kong ni-check ang sarili. Hindi naman siguro ako naababoy kagabi? Maayos na nakasuot smh dress ko at ang underwears ko ay kompleto rin. Mariin akong pumikit at huminga nang malalim. Walang nangyaring masama. Prank lang 'to nina Elisa, ito ang surprise nila. Huminga ako nang malalim saka bumaba sa kama nang biglang bumukas ang pinto ng shower room. Iniluwal no'n ang presko at bagong paligong si Raven. Nangunot ang noo ko. Bakit siya nandito? Lumukob kaagad ang takot sa dibdib ko nang may napagtanto. "A-anong ginagawa mo rito?" "Ako dapat ang magtanong niyan. Ano ang ginagawa mo rito

