“Girl, narinig niyo ba?” Bulong ni Jazz sa amin habang nasa Cafeteria kami.
“Bagong chismis? Department?” sagot ni Dalcy. Napailing nalang ako sa kanila. Hindi yata talaga nauubusan.
“Sa medtech beh, mukhang inimbitahan si Doc. Gavilan sa isang birthday party. Kilala mo naman si Justine di ba? He's close pala sa gwapo nating doctor.” Naintriga ako. May close pala si Zairon dito? Lumilikot na naman muli ang isip ko.
“O eh, ano naman ngayon? Hindi naman tayo imbitado.” Sagot ni Dalcy at sumubo ng spaghetti.
“Iyon na nga! Inimbitahan niya ang buong department natin dahil may girlfriend siya sa block 1.” sabay gesture pa niya sa kaniyang kamay.
“Wow, talaga? So, pupunta ba tayo?” na e-excite na tanong ni Dalcy.
I paused in the middle of my bite when they both turned to look at me with innocent eyes. I just raised one eyebrow and continued eating.
“Punta tayo girl, please?” Sabay puppy eyes nilang dalawa at pinagdikit ang mga kamay. Na parang nagdadasal na papayag ako.
“Ayoko.” Sagot ko.
Bumagsak ang dalawang balikat nila. “Last year na natin sa college. Hindi ba dapat ay magsaya rin tayo? Lalo na ikaw. Halos events wala ka.” Saad ni Darcy at ngumunguso pa.
"Tama siya, Girl," dagdag ni Jazz, "Hindi ka nga namin kasama sa mga events. Baka mag-regret ka na hindi mo na-enjoy ang college life mo."
Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pag-iling. "Kahit hindi ako sumasama sa mga events, nag-eenjoy naman ako sa college life ko. I don't need parties to be happy."
"Pero hindi naman masama na sumama ka naman sa amin minsan," sabi ni Dalcy, "Para hindi boring ang life, di ba?"
"Oo nga, Girl," Sang ayon ni Jazz.
Napabuntong-hininga ako. Hindi ko rin naman masabi na hindi ako naintriga sa party na 'yon. “I have priorities, girls. You know naman siguro.”
“Pero girl, hindi ka ba naintriga?” Tumingin kami kay Jazz. “I mean, Dr. Gray eyes will be there. What if pala may maipapakita siyang opposite sa pinapakita niya inside the campus. He's serious, mas prefer niya pa yatang mapag isa ‘eh. Gusto ko tuloy siyang damayan hehe.” Sabay hagikhik.
“Kung alam mo lang girl, halos babae sa medicine department ay nagkandarapa sa kaniya! Nag request pa ang mga babaitang mag change instructor sila. Jusko, hindi nalang nahiya sa instructor nila. For sure, disappointed si Madam.” Agad na saad ni Darcy.
Napangiti ako sa sinabi ni Darcy. "Ganun ba talaga ka-intense ang mga babae sa medicine department? At parang may pagka-chismosa ka na rin, ah," sabi ko sabay tawa.
"Naku, hindi lang intense. Parang mga linta na kumakapit sa kanya," sabi ni Jazz. "Pero you know what, I think it's a good opportunity para makilala natin siya outside the campus. Baka iba ang aura niya kapag wala siya sa school."
"Oo nga, eh. Pero hindi rin natin sila masisisi. Ang gwapo kaya ni Dr. Gray Eyes! Kahit ako, kinikilig kapag nakikita ko siya! You know when he looked at you? Na imagine kong itatali niya ako sa kama!" sabi ni Dalcy na nagpasamid sa akin. Napaubo tuloy ako at inabot agad ang tubig ko.
"Ay hala, okay ka lang?" Tanong ni Jazz at inabot ang tissue sa akin na kinuha ko agad.
"Ay, mukhang may na trigger sa kama. Hahahaha!" Binatukan siya ni Jazz, napanguso nalang si Dalcy habang sapong-sapo ang batok niya.
"Shup up ka diyan girl, that's privacy." Duro niya pa kay Dalcy.
"Maka privacy ka diyan, ikaw nga halos ipalandakan mo kung paano ka--" tinakpan ni Jazz ang bibig niya dahil mukhang may sasabihin si Dalcy na sa kanila lang ang alam, lalo na at may dumaan pang mga estudyante palapit sa amin ngunit binitawan niya naman nang tinapik si Dalcy ang kaniyang palad.
"Hindi ba talaga tayo pupunta? Sayang naman 'yung opportunity na 'yon ah. Baka naman magbago ang isip mo," sabi ni Jazz, at tumingin siya sa akin na parang may hinihintay na sagot.
Napaisip ako. Chance na rin ‘to para mas maclose ko ulit si Zairon at saka, naririndi ako kapag ganito sila kakulit dahil buong araw silang magpaparinig sa akin. "Sige, pupunta ako. Pero, basta, walang kalokohan ha?"
Napalakas ang sigawan nila, at hindi ko mapigilan ang ngiti sa mukha ko. "Sige na, kumain na tayo. Baka ma-late pa tayo sa klase."
Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin sa party na 'yon, pero isang bagay ang sigurado ako: hindi ito magiging isang ordinaryong gabi.
Bumalik rin kami sa klase at bago pa kami makapasok sa room ay nakasalubong pa namin si Zairon. Nagkatinginan kaming dalawa at pati rin sila Jazz ay napahinto rin pero alam kong napansin nila ang tinginan namin dahil nagpabalik-balik ang baling nila sa aming dalawa bago sila tumingin sa isa't isa.
Ako mismo ang umiwas dahil hindi niya talaga inaalis ang paningin sa akin. Kinabahan na tuloy ako.
“Good afternoon doc!” Hyper na bati ni Dalcy nang lumapit si Zairon sa harap namin.
“Good afternoon. Are you ready for the long quiz?” Nawala ang ngiti ng dalawa sa sinabi niya.
“Ay, doc. Huwag niyo po kaming pahirapan, please?” Saad ni Jazz. Natawa nalang si Zairon sa sinabi niya.
"Sure, I'll try to make it easy for you," sagot ni Zairon na may halong ngiti. "Pero seryoso, mag-aral kayo. Hindi biro ang long quiz."
"Opo, Doc. Promise, mag-aaral kami," sabay sabi nina Jazz at Dalcy.
"Ay, teka, Doc. Gavilan," biglang sabi ni Jazz, "Pupunta po ba kayo sa party ni Justine?"
Napakurap si Zairon at tumingin sa kanya. "Ah, oo. Inimbitahan niya ako. Kayo ba pupunta?"
Tumingin sila sakin, nag-aabang ng sagot. "Oo, Doc. Pupunta rin kami," sagot ko, pinipilit na hindi magpakita ng kahit anong emosyon.
"Ah, okay. Sige, magkita-kita na lang tayo doon. Pero bago 'yon, mag-aral muna kayo para mamaya, okay?" sabi niya sabay ngiti.
"Sige po, Doc. Gavilan. Mag-aaral kami," sabi nina Jazz at Dalcy sabay tawa.
Nagpaalam si Zairon at umalis na. Nang mawala na siya, biglang nagsisigawan sina Jazz at Dalcy. "Girl, pupunta si Doc. Gavilan sa party! Exciting 'to!"
Ngumiti lang ako at pasimpleng tinanaw ang likod ni Zairon. May sumalubong na ibang estudyante sa kaniya kaya napahinto siya ulit at nakita pala iyon ng dalawa.
“Did you see that woman talking to Doc? Noong isang araw pa ‘yan tapos kilig na kilig!” halukipkip na saad ni Jazz.
“Mukhang may gusto yata kay doc girl.” Dagdag pa ni Dalcy. Nagulat nalang ako nang tiningnan ako ng sabay sa dalawa at namutawi ang pagdududa sa kanilang mukha.
Lumunok ako. “Bakit?”
“Alam mo, may napansin lang ako ha. Magkakilala ba kayo ni Doc outside the campus?” Taas kilay na tanong ni Jazz. Ang problema lang talaga kay Jazz ay lahat ng pagdududa niya ay nagkatotoo kaya umiiwas akong magpakita ng kahit anong emosyon.
“B-ba’t niyo naman naisip ‘yan?”
“Girl, whenever I see Doc gray eyes, parati siyang may tinitingnan. And you know who that is?” Lumunok ako dahil sa kaba at umiling.
“Wala akong kinalaman diyan. Huwag niyo akong tingnan ng ganiyan.” Agad kong sagot dahil mas lalo lamang tataas ang kwento.
“Wala ka naman talagang kinalaman dahil ikaw naman parating tinitingnan niya at kapag nagtitinginan kayo para talagang may something sa inyo 'eh."Dagdag pa ni Dalcy.
“K-kayong dalawa talaga ang nakaobserba sa ganiyan?” ani ko.
“Girl, obvious naman eh. Lagi kang napapansin ni Doc. Gavilan. Hindi ka na ba nagtataka kung bakit ka laging pinagmamasdan niyan?” Sabi ni Jazz na parang malakas ang kutob.
Dalcy nodded in agreement, smirking. “Oo nga, hindi mo ba napapansin yung mata niya kapag nakatingin sayo? Parang may ibang kahulugan.”
Nagtago ako sa likod ng aking libro, subukang itago ang kaba at kahit konting blush na bumabalot sa pisngi ko. "Wala 'yan, mga chismosa kayo. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang tingin niya sa akin."
"Sus, huwag ako. Part time ko rin ang pagiging observer. Qualifications 'yan basta tsismosa ka." Nag apir pa silang dalawa na parang nagkasang ayunan.
Tumawa ako ng bahagya habang naglalakad kami."Hindi ba pwedeng maging professional lang kami? Teacher- student relationship, gano'n."
Wow, ngayon pa ako nagdahilan. Noon nga, wala akong pakialam sa status namin ni Zaiden kahit alam kong teacher siya.
"Hindi mo ba nararamdaman 'yung sparks?" sabi ni Jazz, na tila mas lalong kinikilig sa iniisip.
Napa-iling ako at hinayaan ang libro na mahulog pababa sa kamay ko. "Hindi naman ako naniniwala sa sparks-sparks na 'yan. Baka feeling lang ninyo 'yan."
"Sus, ang daming dahilan! Pero tandaan mo, maraming babae ang nasa loob at labas ng campus na gustong maging sa kanila lang si Doc. Gavilan. So, kunin mo na ang chance habang nandito ka pa sa college. Baka may iba nang umagaw sa'yo," sabi ni Jazz, na parang adviser ko na ngayon sa love life. Wala namang kami ni Zairon, wala naman akong pakialam kung may umagaw sa kaniya.
Walang pakialam? Pero bakit nagdadawang isip ako?
"Yes, landiin mo at sure akong bibigay 'yan!" Ngumiwi ako, ang hanep ng advice.
“Tigilan niyo nga ako. Wala akong pakialam sa kaniya and besides, sa quiz tayo focus, okay? Let's not overthink things.” naiinis na sagot ko, pero alam kong hindi ko maitatago ang pangangampay na nararamdaman tuwing nababanggit ang pangalan ni Zairon.
“Hindi mo kasi matanggap. Siguradong gusto ka ni Doc. Gavilan!” Masayang sabi ni Jazz na parang nakuha ang jackpot.
“Nakakainis kayo! Sige, mag-assume kayo kung gusto niyo. Pero tandaan niyo, wala akong balak mag-create ng issue. Focus tayo sa study!” Pagdadahilan ko kahit na masyado na akong apektado.
“Ayaw mo lang aminin kasi natatakot ka!” Singit ni Jazz.
Tinakpan ko nalang ang dalawang tenga ko habang pumapasok kami sa room. Pagkaupo ko ay kinuha ko agad ang mga notes ko para basahin ang mga na studyhan ko na kagabi. Hindi na sila nangulit pa dahil tumahimik na ako at nagbabasa na rin. I want to occupy my thoughts dahil na bo-bother ako sa mga pinagsasabi nila kanina. Maya-maya lang ay pumasok na si Zairon at seryosong nagbubuklat sa harap. Ang dalawa naman ay kilig na kilig at sinisiko pa ako ng mahina. Alam kong tinutukso lang talaga ako ng mga ‘to.
When we finished the quizzes, dumiretso agad ako palabas. Sumunod rin sila pero hindi na nila ako kinulit pa dahil na bothered na sila sa mga sagot nila sa quiz kanina.
“Bagsak yata ako beh! Akala ko easy lang. Naniwala naman ako agad!” Reklamo ni Dalcy at kamot kamot pa ng buhok. Nagulo tuloy.
“Same girl, mukhang chill lang ang isa rito. Hindi man lang ako pinakopya!” I raised an eyebrow and glanced at them.
Pinaikot niya lang ang mata niya.”Well, ano pa ba ang inaasahan natin? Sa lahat ng classmate ko, si Laurene lang talaga ang maramot!” Ani Jazz. “Pero, mahal ka parin namin kahit ganiyan ka!” Sabay angkla sa braso ko.
Gusto ko rin naman pakopyahin sila kaso nahihiya ako dahil baka mali pa ang sagot ko. Ako pa sisihin. Unang umalis ang dalawa habang ako ay naghihintay na sunduin ako ni Lolo. Namamasada kasi siya ngayon. Ilang minuto lang ang nakalipas ay dumating na rin si lolo at sinilip ako pero bago ako sumakay ay nahinto ang mata niya sa likod ko.
“Oh! Kilala kita!” turo niya sa likod ko.
Lumingon ako at nakita si Zairon roon. Lumapit siya sa amin at nagulat nalang ako nang nagmano siya kay Lolo.
“Hello lo, kumusta? Ang tagal na nitong tricycle mo ah.” Nakita kong ngumiti siya rito. Si lolo naman ay mukhang ngayon lang rin narealize at lumiwanag ang kaniyang mukha.
“Ikaw pala ‘yan! Ikaw hindi ba ang naghatid sa amin noon? Naalala ko pa ang kulay ng mata mo! Katulad kasi iyon ng kulay ng ap–”
Bago pa ipagpatuloy ni Lolo ang sasabihin niya ang sumigaw ako ng pagkalakas-lakas. Tumigil ang mga tao sa ginagawa nila at lahat napunta sa’kin
Bwesit, nakakahiya! Pero kailangan kong panindigan ‘to. Ngunit hindi na ako nakareact pa nang biglang lumapit sa akin si Zairon at seryoso akong tiningnan.
“Are you okay?” Napamaang nalang ako sa tanong niya. “Why did you shout? May nambastos ba sayo?” Salubong na kilay niya pang tanong. Hindi ako makasagot at tiningnan lang ang mukha niya.
“Hey.. Laurene.” Kumurap ako at nginitian siya ng pag alinlangan.
“O-okay lang ako. Nagpapractice lang ako maging biritera.” Rason ko at kunwari pang tumitikhim upang magsimulang kumanta ulit. “Ahem, ahem..”
Hindi ko na mabasa ang reaksiyon niya dahil sa rason ko. Kahit naman ako ay mawiwindang kung may sumisigaw tapos ang rason ay nag vo-voice lesson lang pala.
Tumaas ang kilay niya kalaunan at nakita ko pang umangat ang gilid ng kaniyang labi.
“Pinapractice pa pala ‘yan?”
“Ha? Ang ano?”
“Ang pagkanta,” he smirked. “Sa naalala ko, magaling ka na.”
“Eh?”