Hindi ko ma gets ang ibig niyang sabihin at dala ko iyon hanggang sa bahay. Doon ko lang nakuha ang meaning no’n nang aksidente kong nakita ang mga toys ko. Hindi ko pa kasi ito tinapon at tinago lang pero sinigurado kong walang makakita.
Napasapo nalang ako ng noo at ngayon ko lang maramdaman ang pagkapahiya. Feeling, inosente Laurene?
Napansin kong bumukas ang pintuan ng kwarto at nakita kong tinulak ito ni Calia. She's on her pajama already because it's already 8pm.
“I want milk, mommy.” Tinago ko muna ang mga gamit ko at saka lumapit sa anak ko. I lift her up and proceed to go in the kitchen. Pumupungay- pungay pa ang mata niya nang Inaba ko siya sa upuan at tiningnan lang akong nagtitimpla.
I smiled at my baby and I noticed a beautiful butterfly red bracelet on her wrist. Hindi ko siya binilhan nito, baka si Serina dahil mahilig pa naman rin iyon ng mga ganito. Ang ganda ng anak ko kaso nakikita ko talaga sa kaniya ang female version ni Zairon.
“Here you go, sweetie. Do you want to eat?” Umiling siya at kinuha ang gatas at ininom iyon. When she finished, I send her to their room at doon na rin ako nakatulog.
-----
“Maganda ba ang dress? Ito isusuot ko mamayang gabi! Surely, may mabibitag ako!” Nasamid ako sa ininom kong mineral water nang marinig ang tinig isa sa mga classmate ko. Nandito ako sa field at naghihintay na matapos sila Jazz dahil mukhang dito trip nilang mag meeting kasama ka club niya.
Tumingin ang babae sa cellphone nito. “Wow, ang ganda best pero makakaya mo ba ‘yang isuot? u***g nalang matatakpan ng damit na ‘to eh.”
Humagikhik ang babae.”Well, this is part of my seduction. Gusto kong lahat nakatingin sa akin lalo na si Doc. Lalaki iyon at mate-temp talaga iyon.”
The other girl raised an eyebrow. "Seduction? Seriously? Anong akala mo sa party, nightclub? You're aiming for attention, not a medical conference."
The first girl smirked. "Well, it wouldn't hurt to have some fun, right? Besides, who knows, maybe I'll catch Doc Gavilan's eye."
I couldn't help but sigh inwardly at the mention of Zairon. It seemed like everywhere I turned, his name came up. I was determined not to let these discussions bother me, but it was becoming increasingly challenging.
Challenging because parehas ko lang sila noon. Bakit ba lahat ng mga naririnig ko ay parang pinatatamaan ako? Ewan ko nalang kung kumagat nga ba si Zairon kasi kumagat nga siya noong ako eh, lalo na siguro kapag iba naman gumawa.
Kumirot bigla ang puso ko sa hindi malamang dahilan. Bakit ba masyado na akong bother sa mga naririnig ko?
"Hoy, Laurene!" Jazz called me, snapping me out of my thoughts. "Ano bang iniisip mo diyan? Sabayan mo naman kami."
"Hala, Laurene! Anong iniisip mo? Parang ang lungkot-lungkot mo diyan," sabi ni Dalcy.
Napataas ang kilay ko. "Hindi ah, wala lang. May iniisip lang talaga ako."
"Hmm, sure ka ba diyan? Kanina ka pa tulala. Nare-realize mo na bang may pagtingin na–”
“Please lang Jazz, I don't want to hear about him anymore. Oras-oras nalang narinig ko kapangalan niya. Nakakairita!” Naiinis kong wika at tumayo na.
Jazz and Dalcy exchanged glances, sensing my frustration. Dalcy took a deep breath before speaking, "Girl, relax. We're just teasing you. Pero seryoso, pupunta ka ba mamaya sa party?"
I sighed, trying to compose myself. "Oo, pupunta ako. Pero wag niyo na akong asarin tungkol kay Doc. Gavilan. Let's just enjoy the night, okay?"
Jazz and Dalcy nodded, understanding my request. "Okay, girl. No more teasing. Let's just have a good time at the party. Baka sakaling makalimutan mo muna ang lahat ng 'yan," Jazz reassured me.
I managed a small smile, appreciating their effort to lighten the mood. "Thanks, girs. I just need to clear my head. Let's focus on having fun tonight."
-----
I just wore a simple dress pero dahil sa katawan ko ay mukha pa ring daring tingnan para sa akin lalo na at kita pa ang cleavage ko. Nagdadawang isip rin ako kung mag co-contact lenses ba ako o hindi pero kalaunan ay sinuot ko nalang rin. Nilugay ko lang ang buhok ko dahil hanggang bewang na rin ang taas at saka lagi namang nakatali ang buhok namin kapag naka uniporme kami.
Nandito lang rin si Serina at isa pa, natulog ng maaga ang kambal dahil napagod sila kakalaro kanina. Pinasyal kasi ni Serina ang kambal sa labas. Pumasok muna ako sa kwarto nila at hinalikan sila isa-isa bago ko tinahak ang bahay ni Justine. Mayaman si Justine at doon sa Mansiyon nila ihe-held ang birthday party niya. Pagkapasok ko palang ng gate ay ang lakas ng music. Nasa labas lang pala sila, sa may garden.
Tinawagan ko sila Dalcy ngunit hindi man lang sila sumasagot. Pinapasok na ako ng isang guard at wala na akong choice kung hindi ay pumasok nalang sa loob. Nilibot ko ang paningin habang naglalakad hanggang sa mapadako ang aking tingin sa kausap ni Justine – si Zairon.
May kausap na naman siya. ‘yung babaeng lagi siyang nilalapitan at kahit hindi man lang ngumingiti si Zairon ay kabaliktaran naman sa babae. Napasimangot ako sa nakikita ko. Kailan ba siya lulubayan ng babaeng ‘yan? Teka, ano naman sa'kin?
Kinagat ko ang labi ko bago ako lumapit sa kanila. Babatiin ko lang si Justine kahit hindi naman kami close. Nakibirthday nga lang ako ‘eh.
“Hi, Justine.” Lumingon sila sa akin. Nakita ko pang henead to toe ako ng babae at nilapit ang katawan nito sa tabi ni Zairon.
Hindi ako apektado. Wala naman akong pakialam. Talaga Laurenestine?
“Hey, you must be Laurenestine?” Bumaling ako kay Justine na nagugulat. How did he know my name? Hindi naman kami magkausap kahit isa. Napansin niya ang pagtataka at pagkagulat ko kaya ay mahina siyang napatawa.
“I know you, Laurene. I heard about you. Ang ganda mo pala kapag hindi ka naka eyeglasses.” Puri niya. Umikot ang mata ng babae at napahalukipkip pa. Hindi ko rim maiwasang tumingin kay Zairon na ngayon ay seryoso lang nakatitig sa akin at pansin ko pa ang pagkuyom ng kamao niya. Bakit yata siya galit?
“Thank you. Happy birthday pala. Salamat sa invitation,” Ngiti kong bati.
“Laurene, girl!” Lumingon ulit kami sa dalawang babaeng parating. May hawak na wine si Jazz, habang si Dalcy ay may hawak na plato. Mukhang galing na sila sa buffet. Nagpaalam sa amin si Justine dahil may sinalubong siyang mga bagong dating.
"Tara na, kain na tayo," sabi ni Dalcy, sabay hatak sa akin palayo sa kinauupuan ni Zairon at ng babaeng kasama niya.
Habang naglalakad kami papunta sa buffet, hindi ko maiwasang lumingon pabalik sa direksyon ni Zairon. Nakita ko siyang tumayo at umalis papunta sa comfort room.
Nagpatuloy kami sa buffet at nag-umpisa nang kumuha ng pagkain. Habang abala kami sa pagpili ng pagkain, napansin kong nag-iisa na lang sa mesa ang babaeng kasama ni Zairon kanina. Tumayo siya at lumapit sa upuan ni Zairon. Nagpalipat lipat pa ang mga mata niya.
Napatingin ako sa kanya. May hawak siyang baso at nakita kong may inilagay siya sa loob nito. Napakurap ako sa nakita. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Dapat bang sabihin ko ito kay Zairon? Pero baka mali lang ang nakita ko.
"Hoy, Laurene! Ano bang iniisip mo diyan? Sabayan mo naman kami," sabi ni Jazz, na nagpabalik sa akin sa realidad.
Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa buffet table. "Wala, wala. May naisip lang ako," sagot ko.
"Ano 'yon? Share mo naman sa amin," sabi ni Dalcy.
"N-nothing important," sabi ko, pinilit kong alisin ang atensyon ko sa babaeng iyon. "Tara na, kain na tayo."
Pagkatapos naming nakakuha ng mga pagkain ay sa ibang mesa kami pumwesto. Hindi natigil ang dalawa habang ako ay iniisip kung ano ang nilagay ng babae sa ininom niya. Masama ang kutob ko at mas lalo lamang akong na-bother. Inaalala ko pa ang bote na nakita ko at tila may seneryong pumasok sa isip ko.
"Put that on his drink and send him to the room I rent here."
"Seryoso ka rito? Hindi ka ba nakokonsensiya? Ikakasal na siya Laurene."
"I don't care, Logan. I want him, and that's why I did this - to make them break up. If you have time to complain here, use your effort elsewhere.”
"Basta huwag mo akong idadamay kapag natuklasan na ha.”
"Oo na. Gawin mo na. Sa kwarto na ako maghihintay."
Nanlalaki ang mata ko at agad napatayo. Mabilis kong nilibot ang paligid at tiningnan muli ang pwesto nila at mas lalo lamang akong kinabahan dahil wala sa sila sa kaninang upuan nila.
Shit, kaya pala kanina pa ako hindi comfortable dahil lahat ng mga naririnig at nagoobserbahan ako ay nagpaalala sa akin sa mga ginagawa ko noon. Kung paano ko gusto halos na magpapansin at planohin ang pang aakit ko sa Professor ay nakikita ko na sa iba.
Tumayo ako na nagpagulat sa dalawa.
“Saan ka beh? Bakit bigla-bigla ka namang tumatayo diyan? At, naglipstick ka ba? Bakit ang putla mo?” Sunod-sunod na tanong ni Jazz.
Hindi ako makapagsalita at nilibot pa rin ang tingin ko. Hindi naman siguro ilalabas ng babaeng iyon si Zairon.
Dalcy touched my wrist para maagaw ang atensiyon ko. “Girl, ano bang nangyayari sayo? Iihi ka ba? Masakit tiyan mo? May poison ba ‘tong kinain natin? Oh goodness! What If meron?!” Hesterycal niyang tili.
Binatukan siya ni Jazz. “Gaga, kanina pa sana tayo nakabulagta, O.a?”
"Dalcy, Jazz, may nangyari kanina... may nakita ako," sabi ko sa kanila, habang kinakaban.
"Hala, ano 'yon?" tanong ni Jazz, biglang naging seryoso ang mukha niya.
"Yung babae na kasama ni Zairon kanina, may nilagay siya sa inumin niya," sabi ko at malalim na napa buntong-hininga.
"Ha? Ano yun? Poison?" gulat na tanong ni Dalcy, nagulat din si Jazz sa sinabi ko.
"Hindi ko alam, pero may kutob ako na hindi maganda 'yon," sagot ko at unti-unting nanginig ang boses ko. Kinakaban ako at kahit anong kumbense ko sa sarili ay nararamdaman kong nasasaktan na ako.
"Hala, ano ba 'yang kutob mo, Laurene? Baka naman overthinking ka lang," sabi ni Jazz, pero kita ko sa mukha niya na kinakabahan din siya.
"Baka nga, pero hindi ko rin maiwasang mag-alala. Baka kasi may mangyari kay Zairon," sagot ko, pinipilit kong pigilan ang aking pag-aalala.
“Girl, nag aalala ka?” Bumaling ang tingin ko kay Jazz nang sabihin niya iyon.
“Bakit? Bawal na bang mag alala?”
“Hindi naman pero kasi.. napapansin ko na na kanina ka pa nakatingin sa kanila,” Napasapo nalang siya ng bibig habang nanlalaki ang mata. “Huwag mong sabihing nagseselos ka?!”
Natigilan ako at hindi agad makapagsalita.
“Oh my, she's blushing!” Hindi makapaniwalang saad ni Dalzy.
Umiling ako ng umiling. “No.. hindi ako nagseselos, okay? Malamang, instructor natin iyon.”
Halatang hindi sila naniwala sa sinabi ko ngunit nagkibit balikat lang at nagkatinginan nang may kahulugan.
“Did you see Bridget earlier? She’s with that handsome doctor!” narinig kong sambit ng mga babaeng dumaan sa likod ko.
“Really? Does her plan ba ay gumana?” sagot pa ng isa.
“Mukha nga kasi parang papunta na sila sa kwart–” Lumingon ako sa dalawa at hinila ang pulso nito.
“What room?” Kunot noo kong tanong.
“The hell? Get your hands off me!” Hinila niya pabalik ang pulso niya ngunit agad kong nahila ang buhok niyang nakaponytail.
“Sasagot ka o hihilahin ko ang buhok mo hanggang sa makalbo ka?”
“Ouch.. ouch.. fine! Sasabihin ko na just get your hands off my hair!” Binato ko ang buhok niya at tinulak siya sa babaeng kausap niya.
Gulat na gulat sila Jazz sa ginawa ko. Ngayon lang nila ako makitang ganito na agad- agad na sumugod. I don't know but I'm mad.
“They're on the second floor, in the guest room.” Sabi nito. Lalapit na sana sila Jazz sa akin pero hindi na nila ako naabutan dahil mabilis kong naihakbang ang mga paa ko papunta sa loob ng Mansiyon.