Napatingin nalang ako sa bintana nang nagkasunod-sunod ang pagbuhos ng ulan. Kumakalma ang dibdib ko kapag naririnig ko ang pagbuhos nito na para kasing nawawala ang alalahanin ko sa mga nangyayari. It's Saturday today and our planned outing didn't push through because of the rain. Kailangan ko pa man din pumunta sa Mall dahil bibilhan ko ng mga damit ang kambal. We're going to the beach next week for Grandma's birthday. She initially didn't want to, but Mama and Papa wanted to go, and my sister Nave is also coming home.
“Ate, wala ng gatas si Cole. Mukhang last drop na talaga kaninang umaga.” Napatingin ako kay Serina nang sabihin iyon. Nandito ako sa sala at tiningnan lang ang labas. Para na akong emotera nito. Nakatulog na lang ang kambal at nang makita nilang umuulan ay sila na nga mismo nagsabi na susunod nalang kami gagala.
I'm lucky to have my twins. They are so understanding, lalo na si Cole. He’s understanding and sweet while Calia can a bit impatient sometimes, mas nag a-act na siya as matanda na minsan pero kapag ayaw niya ay tumatahimik lang siya.
Tumayo na ako at tiningnan ang orasan. “I will still go to the mall later. Papatilain ko lang ang ulan,"I said as I walked to the kitchen to check if we were missing anything we needed at home. Lola was also sleeping, she was with the twins in their room.
Tumuloy ako sa kusina at sinimulan kong magluto ng sopas para sa lahat. Alas tres na rin kasi at maganda naman ang sopas kapag ganitong panahon.
Habang naghihintay na kumulo ang tubig, tinignan ko ulit ang listahan ng mga bibilhin. Bukod sa gatas, kailangan ko rin pala bumili ng ibang mga grocery items.
Narinig ko ang mga hakbang papalapit sa kusina at lumingon ako para makita si Serina na may hawak na papel. "Ate, eto pa ang mga kailangan natin," sabi niya habang inaabot sa akin ang papel. Tiningnan ko ito at nadagdagan ang mga items sa listahan ko.
Tumunog ang timer at alam kong kumulo na ang tubig. Nilagay ko ang mga ingredients sa kaserola at hinayaan itong maluto. Narinig namin ang malalakas na tawa mula sa kwarto at alam naming gising na ang kambal. Tumayo si Serina at sinabi, "Ate, aalagaan ko muna ang kambal. Baka nagugutom na sila.”
Tumango ako at sumagot. "Sige, Serina. Tawagin mo muna si Lola dahil magbibihis na ako ngayon.”
Pagbaba ni Lola ay nagbihis na rin ako upang lumabas. Hindi na rin naman masyadong maulan. Nagpaalam muna ako sa kambal bago ako sumakay papuntang Mall. When I reached the entrance, I took my umbrella and began to walk in.
Habang naglalakad ako papasok sa mall, naramdaman ko ang init ng mga ilaw at ang ingay ng mga tao. Kahit na ulan, marami pa ring tao sa loob ng mall. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa department store kung saan ko balak bumili ng mga damit para sa kambal.
Habang naglalakad, hindi ko maiwasang mapangiti sa mga nakikita ko. Mga pamilya na magkakasama, mga magkakaibigan na nagtatawanan, mga magkasintahan na magkahawak kamay. Sa kabila ng mga problema ko, nakakagaan ng loob makakita ng mga ganitong eksena.
Pagdating ko sa department store, agad akong naghanap ng mga damit na sakto sa laki ng kambal. Mga cute na swimsuits para kay Calia, at mga cool na swimming trunks para kay Cole. Habang namimili, hindi ko maiwasang maalala ang mga araw na sila ay mga sanggol pa lamang. Ang bilis talaga ng panahon.
Nang may napili na ako, dumeretso na ako sa cashier para magbayad. Habang naghihintay na ma-process ang aking payment, tinawagan ko si Serina para itanong kung may iba pa kaming kailangan. Sabi niya, wala na daw at okay na ang lahat.
Paglabas ko ng Mall ay hindi agad ako nakasakay dahil sa dami ng tao na naghihintay rin na sumakay. Gabi na rin pala kaya ay naglakad lakad na rin muna ako dahil baka makasakay ako sa unahan.
Nakatingin lang ako sa daan nang nakita kong may lalaking nakayukong nagpapa ulan, bumalik rin kasi ang buhos ng ulan kaya basang-basa itong naglalakad pasalubong sa’kin. Hindi ko man lang maiwasang tumingin sa kaniya dahil mukhang may problema talaga siya.
Nang maglampasan kami, doon ko nakita ang mukha niya. Hindi man lang ito tumingin sa akin at nakayuko lang. Huminto ako sa naglalakad at lumingon rito. Hindi ito huminto at naglakad lang na parang siya lang ang tao sa daan. Parang wala siya sa sarili.
“Zairon?”
Nakita kong napahinto siya sa paglalakad ngunit agad ring naglakad upang magpatuloy. Hindi ko maatim na matingnan siya ng ganito, may problema siya.
Nakita ko nalang ang sarili kong tumakbo na papunta sa kaniya at hinila ang damit niya upang huminto siya sa paglalakad.
“Zairon..” he paused and sighs.
“Huwag mo nalang akong pansinin, naliligo lang ako ng ulan.”
“Naliligo ng ulan sa gabi?” I asked, puzzled. He turned to me and I saw how his gray eyes spoke louder than his words.
“Umuuwi ka na, okay lang ako kahit huwag mo ng tanungin.” he was about to walk again but this time, I grabbed his arms. I don't know why I can’t just leave him alone.
“Kumain ka na? Saan ka nakatira rito?” Even he was using me, ayoko rin namang makita siyang ganito. It's in the past, may naiiba na.
“I'm okay, Laurene. Doctor ako, I can take care of myself,” Bumalik ang lamig sa boses niya at kinuha ang braso niya sa pagkakahawak ko. “You don't need to act like you care even if it's not. You're just the same as them, the more I care, the more you all hate me.” Tila may bahid na sakit sa bawat salitang bibitawan niya.
Parang natamaan ako sa sinabi niya. Hindi ako makasagot. “Umalis ka na. I don't need your concern.”
Nakayuko nalang ako at hindi ko alam kung bakit kumikirot ang puso ko. Hindi ko nalang napansin na wala na pala siya sa harapan ko. Huminga na lamang ako ng malalim at sinubukang burahin ang natuklasan ko.
When I reached home, my babies were sleeping peacefully. Umupo ako sa gilid ng kama nila at marahang hinihimas ang kanilang mga buhok. Hindi pa rin mawala sa akin ang lungkot ng mata ni Zairon kanina. I hope he’s okay.
“Magiging happy kaya siya kapag nakita kayo?” Wala sa sarili kong sambit. I kissed my baby twins forehead before I slept.
Sumapit ang linggo at pinasyal ko nalang sa park ang mga anak ko. They happily walk with me and try different kinds of snacks.
“Mommy, look at that!” Namamanghang sabi ni Cole nang may lumipad na balloon. Calia is staring at it too, even if she's not amazed as Cole, nagniningning naman ang mata niya.
“Wow, that's a big balloon!" Sabi ko, pinapalakas ang excitement para sa kanila. "Gusto niyo rin ba ng ganyan?"
Tumango sila pareho at agad kaming naglakad papunta sa vendor ng mga lobo. Bumili ako ng dalawang malalaking lobo para sa kanila, isa ay paborito nilang kulay na asul at ang isa naman ay kulay pink.
Masaya silang naglalaro sa park habang hawak ang kanilang mga lobo. Nakakagaan ng loob na makita silang masaya. Kahit na may mga problema ako, nawawala ang lahat ng 'yon kapag nakikita kong masaya ang aking mga anak.
As we were walking, there was a man whose face seemed familiar. He had his back turned to us and seemed to be waiting on a bench. When he turned around, I realized it was Zairon. Kinabahan ako at agad kong sinabihan si Serina na dalhin muna ang kambal kay Lolo. Lolo is just waiting for us to finish our stroll.
Hindi pa nga nakalayo masyado sila Serina ay agad akong nakita ni Zairon. Tumitig lang siya sa akin ng ilang segundo at agad na tumayo habang nakapamulsa. He left as if he didn't know me at all. I followed him only to find out that he walked towards the ice cream vendor and bought two ice creams. Kumurap pa ako ng ilang beses dahil dumiretso ang lakad niya papunta sa’kin.
“Eat with me,” hindi yata iyon tunog na nakikiusap siya, inuutusan niya ako. Gusto ko siyang tarayan pero bakit ba parang iba na ang nararamdaman ko kapag ganito siya?
Tumango ako at sumunod sa kanya papunta sa isang malapit na bench. Tahimik kaming kumakain ng ice cream at walang nagsasalita sa amin. Naalala ko na naman ang itsura niya kagabi. Pero bago iyon, nakita niya ba ako kasama ang kambal? Kinabahan tuloy ako.
"I'm sorry for what I said to you last night. There was just a problem at home but everything's fine now." Panimula niya at nakatuon lang ang tingin sa harap.
“Okay lang. Masyado lang akong makulit kagabi. Ahm, kamusta na pala? Three years rin tayong hindi nagkita.” Sinubukan kong maging casual dahil baka mapapasin niyang tense na ako at sinesemple ang paglinga dahil baka lapitan pa ako nila Serina.
"I'm good. Still not sure where my life is heading. I don't think I know where else I could fit in." I looked at him, confused. Why is he saying this?
Napansin niyang nakatitig lang ako kaya ay ngumiti lang siya sa akin. “Don't mind what I said. Do you have someone with you? Gusto mong ihatid na kita?” Nakatitig lang ako sa kaniya at bago pa ako maka react ay dumapo na ang palad niya sa labi ko.
“You're still such a baby,” he chuckled at pinahid ang stain sa gilid ng labi ko. Nahiya akong umiwas at chineck ko pa kung meron pa.
“Wala na,” he smiled. Napatigil ulit ako at nakatitig lang sa kaniya. Nagtataka na siyang nakatingin sa akin. “Something on my face?” Pinahid niya pa ang mukha niya dahil baka may dumi pero umiling lang ako.
“Wala, it's just that.. you changed.” Ano bang nangyari sa loob ng tatlong taon? Bakit ba yata ibang version ang nakikita ko sa kaniya?
“Don't think that I'm Zaiden, Laurene. I won't act like him again. Never.” Nakita ko pang nagbago ang reaksiyon niya pero bumuntong hininga nalang siya. “Are you still–”
“No,"Pagputol ko sa kaniya. Alam ko naman gusto niyang sabihin. “I don't have feelings for him anymore.” Napatingin siya sa sinabi ko, hindi makapaniwala at maya-maya lang ay napatawa nalang siya.
Nagsalubong ang kilay ko. “What's funny?”
"Haha, no.. I don't know how you said that to me so easily but that’s not what I'm about to say." I felt embarrassed and just scratched my arm. Laurene! Nakakahiya ka!
"I just want to ask if you still hate me." We were looking at each other, and even though his gray eyes were cold, I sensed that he was expecting me to say something about our past.