NINETEEN

1556 Words
Lola and Lolo were engrossed in cooing over the babies, seemingly unaware of my brief absence. I approached them with a forced smile. Iniisip ko pa rin ang pag uusap nila kanina. Zairon is just like the others, may pasabi-sabi pa siyang mahal niya ako pero humanap na pala ng iba. Hindi ko talaga siya kayang paniwalaan. "Tingnan mo ang kambal oh, magkasalungat! Saan ba ‘to nagmana ang babaeng anak mo, Laurene? Hindi ba ‘to marunong umiyak?” Lola exclaimed. Tiningnan ko rin si Calia na ngayon ay parang nagmamasid lang. Kung hindi pa siya bago nilabas baka sabihin ko talagang ilan buwan na siya. Si Cole naman ay umiiyak na at inaalo na ni Lolo. "Laurene, may plano ka bang sabihin sa ama nito tungkol sa mga bata?" Lolo asked, breaking the silence. I hesitated for a moment, "Lolo, Lola, hindi ko pa alam kung paano sasabihin sa kanya. At saka, mas mabuti na rin sigurong huwag muna niyang malaman ngayon.” I sighed and recalled their conversation. Bakit ba ang big deal sa akin kung magka girlfriend siya? Ako ang tumaboy sa kaniya, ano pa ba gusto kong mangyari? Lumabas na kami ng hospital at ginala ko pa ang mata ko dahil baka makasalubong namin siya. Doon na ako nakahinga ng maayos pagkalabas namin ng hospital at nagtaka pa sila Lola dahil pinabilis ko ang mga kilos namin at pinasakay agad sila. Nagpasya akong maghire ng babysitter dahil may budget parin naman ako roon. Labis na nga ang pagtataka nila Lola dahil may pera raw ako para doon. Sinabi ko nalang sa kanila na may savings ako kahit hindi naman talaga sa akin nanggaling. Tumawag rin sila Mama at kinamusta ako. Ang saya-saya nila nang makita ang kambal. Bihira lang umiyak si Calia at kung iiyak man siya ay kapag hindi niya maramdaman ang kambal niya. Si Cole naman ay umiiyak kapag hindi ko siya makarga kahit isang beses sa isang araw. “Tao po? Ito ho ba ang bahay ni Ma'am Laurene?” Bumaling ako sa babaeng dumating sa bahay. Karga-karga ko si Cole at pinadede. Nilapitan ko siya at ngumiti. “Hi, I'm Laurene.” Napanganga siya nang makita ako. Lalo na nang makita si Cole. “Ikaw ho si Ma'am Laurene?” Nagtaka naman ako. “Oo? Bakit?” Naguguluhan kong sagot. “K-kasi po, ibang-iba kayo sa picture.” Nahihiya niyang sagot. Hindi ko pala nasuot ang salamin ko. "Haha, sorry naman at na-disappoint kita sa personal. Ano nga pala ang pangalan mo?" "Nagmamadali po kasi ako kanina kaya 'di ko na kayo nakilala agad. Ako po si Serina, Ma'am Laurene. Sabi po ni Nanay kanina, ako raw po 'yung magbabantay sa mga bata habang wala po kayo." "Ah, okay, Serina. Salamat sa pagtulong mo sa'kin. Pasensya na at medyo magulo yung bahay, kakalabas lang kasi namin sa hospital. Tara, sige na, pasok ka muna." Naglakad kami patungo sa bahay at dala-dala ang baby carrier ni Calia. Napansin ko na may munting buhat si Lola sa labas. "Laurene, heto na 'yung mga damit ng kambal. Matutulungan ko na lang silang paliguan at bihisan para makapagpahinga ka." "Thank you, Lola. Si Lolo, okay lang ba siya?" "Tulog na si Lolo sa sala, Laurene. Sobrang pagod din yata sa araw na 'to." Dahan-dahan akong umupo sa sofa habang si Serina ay inaayos ang mga gamit ni Cole at binababa si Calia. Parang gusto ko ring humiga at magpahinga pero gusto ko rin sanang makipagkwentuhan kay Serina. "Serina, ilang taon ka na ba?" "18 lang po, Ma'am." "Wow, bata ka pa pala. Paano ka napadpad dito?" "Nangangailangan po kasi ng trabaho, kaya naisipan kong subukan dito. First time ko pa lang po sa Pampanga." "Ah, ganun ba? Sana ay okay lang sa'yo dito. Atsaka, wag mo na ako tawaging 'Ma'am.' 'Ate nalang o hindi kaya ay pangalan ko." "Opo, ate Rene. Salamat po ulit sa pagtanggap sa'kin dito." "Walang anuman. Sabihan mo lang ako kung may kailangan ka. At ingatan mo ang mga bata ha?" "Opo, ate. Promise po, aalagaan ko sila nang maayos." Masaya akong napansin na magaan ang pakiramdam ko kay Serina. Sana nga'y maging okay ang lahat para sa kambal at sa amin. Binuksan ko ang laptop ko at nagplano ng schedule para kay Serina, pati na rin ang mga upcoming check-ups ng mga baby. Mamasukan rin kasi ako at pinapasok ako ng kaibigan ko rito sa Pampanga. Sales staff sa isang boutique sa mall. Kailangan ko ring makasave dahil baka babalik rin ako ng ilang taon at itutuloy ko ang kurso ko. Kinabukasan ay ang nagplano akong bumili ng mga bagong damit nila. Ayaw nga sana ni Lola na palabasin kami ng bahay kahit na babalik din naman ako agad, pero pinilit ko siyang pumayag. Nagmamadali akong nagbihis at nag-ayos habang iniisip ang mga dapat bilhin. Binilin ko kay Serina na maayos na bantayan ang kambal habang wala ako. "Babalik agad ako, Serina. Pakisabi kay Lola na hindi ako matagalan, ha?" "Opo. Ingat po kayo sa labas," sagot ni Serina na masigla. Dahil wala akong sasakyan, nag-decide akong sumakay sa tricycle na bihirang-bihira ko nang gawin. Hindi ko rin gusto ang init na dulot ng tanghaling tapat, pero kailangan kong bumili ng mga gamit para sa kambal. Pagdating sa mall, agad akong nagpunta sa mga tindahan ng damit para sa mga sanggol. Pinili ko ang mga pastel na kulay at mga soft na tela. Naalala ko ang payo ng doctor na maging maingat sa mga damit ng mga baby para hindi sila magka-allergy. As I browsed through the baby section, carefully choosing cute outfits for Nevan and Nirvana, I suddenly felt a tap on my shoulder. Startled, I turned around and found myself face to face with a woman who seemed furious. "Watch where you're going! Are you blind or something?" she snapped at me. "I-I'm sorry," I stammered, taken aback by her sudden anger. "I didn't mean to—" "Save your excuses! Just be more careful next time," she scoffed, eyeing me with irritation. Before I could respond, a familiar voice interrupted the tense moment. "What's going on here?" I looked to my side, and there was Zairon, approaching with a concerned expression. He placed a reassuring hand on the angry woman's shoulder, revealing that she was his girlfriend. I was shocked and didn't even move even a slightest. Bakit ba nakikita ko siya palagi? "This woman bumped into me and didn't even apologize!" she complained, shooting me an accusing glare. Zairon's eyes met mine and he was shocked to see me. Kumurap siya at bigla na lamang umiwas ng tingin. Nanginginig akong hinahawakan ang mga damit at gusto ko nalang magpalamon roon. "I'm sorry, Miss. Hindi ko napansin na nabangga pala kita." Hindi ko talaga maalala na nabangga ko siya. Ang luwag naman ng daan kung saan ako naglalakad kanina. "Next time, see where you are going. Miss." Bumaling ako kay Zairon at nakikita ko na naman ang lamig sa mga tingin niya. Nabigla pa ako nang dumapo agad ang kaniyang tingin sa hawak kong damit. Mabilis ko itong tinago sa likod ko. Tumaas ang kilay niya at natataranta naman akong nag isip ng dahilan. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Serina. Bago pa ito makasagot ay nagsalita na ako. "S-serina, hello? Anong gusto mong kulay para sa mga anak mo? Nandito na kasi ako sa baby section 'eh." "Ma'am Laurene? Ano pong--" "Ah! Okay, okay. Blue ba? Oo, maganda rin 'yan. Iyon lang ba? Okay.. " Sumusulyap pa ako sa kanila at doon na ako naginhawaan nang hinila na siya ng girlfriend niya. Nakita ko pa ang masamang tingin ni Zairon sa akin habang hilang-hila siya ng babae. "Ate? Nandiyan ka pa ba? Ano po bang sinasabi niyo kanina?" Napakamot nalang ako sa ulo dahil sa sinabi ko. "Pasensya ka na, Serina. Nakita ko kasi dating kakilala ko. Hindi nila alam na may anak na ako." Pagdadahilan ko pa. "Okay lang po, Ate Laurene. Ano pong gusto niyo para sa kambal?" "Uhm, siguro bibilhin ko na lang lahat ng available na colors, para safe. Basta soft and comfy yung fabrics." "Opo, Ate. Tapos na po ako dito sa bahay. Okay na okay ang dalawang baby n'yo. Makakatulog na po ako kasi antok na rin ako." "Salamat, Serina. Huwag mo na masyadong intindihin kung magulo, ha? Tawagan mo lang ako kung may problema." "Opo, Ate. Ingat po kayo diyan." Binaba ko ang cellphone ko at nadatnan ko ang sarili na nanginginig pa. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang epekto ni Zairon sa akin. Pero sa kahit anong paraan, kailangan kong kontrolin ito para sa mga anak ko. Nagtungo ako sa counter para bayaran ang mga binili ko. Mabilis kong nilisan ang boutique at dumiretso muna sa comfort room upang ikalma ang sarili. Kinakaban pa rin ako dahil baka magtanong pa si Zairon. Bakit ba ang liit ng mundo naming dalawa? Sumusulpot siya sa hindi inaasahan kong panahon. Ilang minuto ako roon at nagpasya agad na lumabas ngunit hindi pa ako nakatapak sa labas ng comfort room nang may humarang sa daraanan ko. I lifted my head to know who the person blocking my way at sana dumiretso nalang ako sa labas dahil sa harap ko, nakikita ko ang sama ng tingin ni Zairon sa akin at walang balak na palabasin ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD