SEVENTEEN

1802 Words
“P-pero bakit? Ano bang nangyayari sa inyo? Hindi ko na kayo maiintindihan!” Nanggigigil kong sabi. "There are things you're better off not knowing. Just trust me on this," he replied cryptically. "No, I need to understand. I can't just leave things hanging like this," I insisted. He took a deep breath before finally speaking. "Zairon has his reasons, but it's complicated. I'll take care of the situation. I'll send you money to ensure you and the baby are provided for. Just promise me you won't dig deeper into this mess." Jusko naman, pagpahingahin niyo naman utak ko. Ano bang nangyayari? “And Laurenestine, alagaan mo ng mabuti ang anak mo, ang anak niyo. Ako palang ang nakakaalam sa nangyayari sa'yo. I will accept his wrath if the time has come." dagdag niya. “Tataguan ko siya ng anak gano’n?” Napahilod ako sa aking sentido. “For the meantime, yes. To ensure that no one will know our conversation, palihim ko lang na hulugan ka ng pera para sa pagbubuntis mo. Don't worry, ako ang bahala sa kambal ko. I'm sure he will follow you, kaya mas nahihirapan akong ilayo ka sa kaniya.” “P-prof.. mas nagiging curious ako sa nangyari pero kung valid ang reasons mo, I will trust you pero ayokong itago rin ito sa kaniya ng matagal. Nagsinungaling pa akong nakunan ako para lumayo siya sa’kin. I thought he rejected the baby.” “Kung nakilala mo ang kambal ko ng matagal Laurenestine, you will understand him dahil mag katulad kayong dalawa sa ibang aspects. I will hang up now, make sure you have someone to be with you all the time.” Binaba na ni Professor ang tawag habang ako ay hindi parin alam kung ano ang susunod na gagawin ko. Nakokonsensiya ako sa pagre-reject sa kaniya pero sana tama ‘tong ginagawa ko. Umuwi ako ng bahay at wala muna akong planong sabihin sa kanila. I asked Mama if I could stay in my grandparents house in Pampanga. Doon ko planong manatili hanggang sa manganak ako. “Are you sure na makakaya mo roon? Alam mo naman ang lola mo, Laurene. Baka, ma stress ka lang roon.” Kahit ako ay nababahala sa desisyon ko dahil nang tinawagan ni Papa si Lola roon, ilang oras yata ang putak ng bunganga at pinutol nalang ni Papa ang tawag dahil walang ending ang pagsasalita ni Lola. “Iintindihin ko nalang si Lola, pa. Nasabihan niyo naman siya sa kalagayan ko ‘di ba?” Lumabas si Mama sa kwarto nila at may binigay sa’kin. Mga vitamins at ibang kailangan kong inumin na binili niya kanina. “Baka makalimutan mo. Uminom ka habang nasa byahe.” Yumakap ako sa kanila at inihatid ako ni Papa sa terminal ng bus. May kasabay pa akong matandang babae papasok at siya ang pinauna ko. Magkatabi lang rin kami ng upuan at sa may bintana siya malapit. Kinuha ko ang mineral water at vitamins sa bag ngunit nakita ko ang gamot na iniwan ni Zairon noong nasa apartment ko siya. Hindi ko napansin na nadala ko parin pala ito. Walang label ang gamot dahil hindi naman pala ito sa panghihilo, nalaman kong vitamins rin ito dahil alam niyang buntis na ako sa panahong ‘yon. Nalungkot ako dahil kahit galit parin ako sa kaniya ay hindi ko maiwasang maghinayang. Gusto kong malaman kung ano ang magiging reaksiyon niya paglabas ng anak namin. Hindi ko parin siya kayang patawarin ngayon pero alam kong darating rin ang panahon na iyon sa aming dalawa. “Marahil ay iniisip mo ang nobyo mo, hija.”Bumaling ako kay Lola na katabi ko lang. “Alam kong masaya iyon kapag nalaman ng nobyo mong magkakaanak kayo. Lalo na at–” tumingin siya sa aking tiyan na hindi pa naman halata. “Hindi lang isa ang nasa sinapupunan mo.” “Aswang po ba kayo, la?” Diretsahan kong tanong. Tumawa siya sa sinabi ko. Napatingin tuloy mga kasama namin sa bus. “Kung aswang ako, baka naglalaway na ako ngayon. Matagal na akong manghuhula hija at unang kita ko palang sa'yo ay alam kong may pinagdadaanan ka ngayon. Ito ba ang dahilan kung bakit gusto mong lumayo?” Parang alam na alam niya talaga nangyayari sa akin. Hindi ako naniniwala sa mga kagaya nila pero nawiwili naman akong pakinggan ang sinasabi nila. “Parang ganoon na nga po.” Ngumiti siya sa akin ngunit agad ring sumeryoso. “Huwag mong pangunahan ang nararamdaman ng iyong puso, hija. Baka mahuli ka na at mahihirapan sa gagawin mo sa hinaharap. Nandiyan na sa loob mo ‘yan at ang tanging gagawin mo ay ipakita ito sa kaniya.” Hindi ko namamalayan na malapit na ako sa destination ko. Unang bumaba si Lola kanina habang ako ay may 30 minutes pang hihintayin bago ako makarating. At ayon, bunganga agad ni Lola ang bumungad sa akin. Napatakip nalang ako ng tenga habang si Lolo ay tawa ng tawa. Ganiyan talaga ‘yan na parang ngayon lang nakatawa sa buong buhay niya. “Ano? Anak mayaman ang ama niyan? Paano kung kunin sa'yo ang bata?! Nag iisip ka ba?! Aba ineng, hindi tayo mayaman kaya anong maipagmamalaki mo?!” Umupo ako sa upuang kahoy at busangot na kinuha ang phone ko. Nakita ko kasing may naghulog ng pera sa account ko. “Pinatulan mo pa ang maestro mo?! Jusmiyo! Ano bang nangyayari sa mga bata sa panahon ito! Walang mga delikadesa!” Pag open ko sa message ay napasapo nalang ako sa aking bibig. Anong– ba’t ang laki?! Ilang zero yata ang nakita ko. Grabeng mayayaman, okay lang naman sa akin ang 10k per month. Hindi naman ‘to, thousands, million na ‘to. “Use that money for your check ups, your cravings, and other expenses in a month. I'll send money every two months. Take care, Ms. Valencia.” Lumunok ako at iniisip na baka nga ay sapat na ‘to ng ilang taon sa aming dalawa ni baby. “Ano ang perang igagastos mo? May pera ka ba? Bente anyos ka pa!” Tumayo na ako at kalmadong pumunta sa taas dahil humihikab na naman ako. “La, tulog muna ako. Need ko pong magpahinga.” Hindi man lang narinig ni Lola at todo pa rin siya putak habang nagwawalis sa loob ng bahay. Si Lolo naman ay may binabasa sa diyaryo niya pero nakita ko naman siyang tumango nang nagpaalam ako. Bago ako dumiretso sa higaan ay naglinis muna ako ng katawan kahit na hindi pa naman gabi ngayon. Mas mulat pa yata mata ko sa gabi kaysa umaga. Humikab pa ako habang nagbibihis ng damit pagkatapos kong magpunas ng katawan. Bumaling ang aking tingin sa aking cellphone nang tumunog ito. I placed the towel first at sinabit iyon sa labas ng kahoy na cabinet saka ko kinuha ang phone. Unknown number ang nakalagay at hindi ko maiwasang kabahan nang maalala kong baka si Zairon ‘to. Kahit naman na block ko ang number niya ay pwede niya parin akong tawagan sa ibang numero. Natataranta na tuloy ako at hindi agad nasagot ang tawag kaya ay kusa itong namatay. Kinakagat ko ang kuko ko nang maka received ako ng message galing rito. “Hi Lau, it's Tristan. Kinuha ko number mo kay Jorih. I want to tell you something, can I call you?” Tumawag na naman siya ulit kaya hindi na ako nagdadalawang isip pa na sagutin ako at masiglang sinagot ang kaniyang tawag. “Tris–” “Where are you?” Nawala ang ngiti sa labi ko nang marinig ang pamilyar na boses. I thought it was Tristan, masyadong convincing ang tinext niya sa’kin. “W-where’s Tristan?” Tinatago ko ang pagkautal ng boses ko dahil sa kaba. Baka may ginawa siya kay Tristan. “Laurene, I didn't say you have to find that guy to me. I said, where are you? Saan ka nakatira?” Napaupo ako sa higaan at napalunok. I shouldn't give him hints. I won't let him be near me again. I promise Zaiden to avoid him. “I won't see you again, Zairon. O-our baby is dead, wala ka ng hahabulin pa sa’kin.” My heart rises when I think of the possibility kung nalaglag nga ang bata sa sinapupunan ko. Wala sa sariling hinawakan ko ang aking tiyan. “I- I want to see you, Laurene. I miss you, please.. gusto lang kitang makasama kahit saglit lang.” “Bakit ba napakatigas ng ulo mo? Wala ba sa vocabulary mo ang rejection? You're so persistent, you know that?” Inis na inis kong anas. “Nakakapagod ka na, Zairon. I don't need you. I don't need you in my life.” mariing sabi ko, trying to sound resolute despite the trembling in my voice. "I just want to talk, Laurene. Please, give me a chance to explain," his voice softened, but I could feel the frustration in his words. "Explain? Ano pa ang ipapaliwanag mo? That you deliberately manipulated me again? What kind of sick game are you playing?" galit na sabi ko, na halos hindi ko na kayang pigilan ang pag-iyak. Natahimik siya saglit bago sumagot, "Alam kong mali 'yun, pero gusto ko lang sanang malaman mo kung gaano kita kamahal. I thought that by having a child, you would see how much I want to be part of your life." I scoffed at his explanation, "So, you thought deceiving me and toying with my emotions was the way to express your love? That's not love, Zairon. That's just pure selfishness." I closed my eyes. f**k, now I know how to handle my own craziness back then. I'm being selfish and my obsession with Zaiden and Zairon is just the same as mine in the past. "But I love you, Laurene. Can't you see that?" he insisted. “But I don't love you. I don't need you, Zairon. P-please, leave me alone!” I tried to calm myself to ensure that I don't have to stress myself. I know I'm hurting him, I know that, I'm just trying to get rid of him.. I really know that… but my heart sank every time na bumibitaw ako ng ganitong salita sa kaniya. His desperation wants me to just be near to him. Iniiwasan ko kasing mas lumala pa ang damdamin ko dahil alam ko sa sarili kong may nararamdaman na rin ako sa kaniya. My tears started to fall like rivers, my emotions are betraying me again. Lumunok ako ng ilang beses upang hindi niya mapansin na masyado na akong apektado. "Huwag mo nang subukan na tawagan ako o hanapin. Wala nang pupuntahan 'to. Goodbye, Zairon," huling sinabi ko at binaba ang tawag. I have to change my number and stay away from him for now.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD