Ariana
Ako nga pala si Ariana, isang senior high student ng Yishin Academy. Masaya naman ang buhay ko at sa katunayan ay birthday ko din ngayon. Oo, mayaman kami pero may kirot pa din sa puso ko na 'di ko matanggap sa sarili ko. Isa akong ampon at hindi talaga totoong tagapagmana ng Yishin.
Alam lahat ng mga tao na hindi ako isang Yishin kaya palagi akong nabu-bully sa school.
Mula elementary hanggang sa ngayon ay masalimoot na ang buhay ko.
Kahit anong gawin ko ay hindi pa din nila ako tanggap bilang Yishin. Minsan nakakapagod na din.
"I really don't know kung birthday mo ba talaga today or gawa-gawa nalang ng surrogate parent mo ang birthdate mo!" saad ng kaklase ko.
Naghagalpakan naman sila ng tawa kaya napayuko naman ako.
Honestly, nasa function hall kami ngayon, may big event kasi, nagpa-free lunch si mommy kasi birthday ko today at lahat ng classmates ko ay vip guests ko.
Mapakla naman akong ngumiti tsaka lumabas sandali sa main hall.
Kusa naman tumulo ang mga luha ko nang makalabas na ako.
Ilang taon na din na tila ba may mataas na pader na humaharang mula sa pagkatao ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na minahal ako nina mommy at daddy o malulungkot dahil sa kung anong meron ako ngayon. Aanhin ko lahat ng karangyaan na ito kung 'yung puso at pagkatao ko ay hindi masaya.
Iniisip ko pa lang kung paano ako tinakwil ng mga totoong magulang ko, masakit na dito sa puso ko.
Bakit? Hindi ba ako ka-mahal mahal para maranasan kong lahat na ito?
Namalayan ko nalang ang sarili ko na naglalakad patungo sa parking area.
Nakita ko ang naghihintay kong driver.
"Manong, may foods po dun sa loob baka gusto mo po."
"Naku, younglady, busog pa ako, salamat sa offer."
Pumasok naman ako sa loob ng kotse. Ngumiti nalang ako at pinaandar na niya ang kotse.
Minsan natatanong ko kung bakit palagi nalang ako nanlilimos ng pagmamahal. Palagi nalang akong iniiwan. Palagi nalang akong nakikihati.
Nakauwi na kami. Pumasok na ako sa bahay at nakasalubong ko si mommy.
"Ariana, hija, how's your birthday event sa school?" bungad sa'kin ni mommy.
"Okay na okay po mom!"
"Mom, she's not even my biological sister, why are you always spoiling her?" inis na bungad ni kuya. Si Erik, mas matanda na siya kumpara sa akin at isa na din siya nasa pwesto ng company namin.
"Erik naman, all these years hindi ka pa ba nananawa na sumbatan palagi ang kapatid mo?"
Napayuko naman ako nang pandilatan ako ni kuya. Padabog naman siyang umakyat sa hagdanan. Pinulot naman ng maid namin ang coat na hinagis niya sa sobrang inis nito sa akin.
Naiiyak naman ako nang mapansin kong nasa akin lahat ng atensyon nila. Nakakaawa akong tingnan sa mga mata nila.
Napatakbo naman ako palabas ng mansion.
"Ariana, anak!"
Tumakbo ako at hinahabol ako ni mommy.
Gusto ko nalang mawala.
Nahagip naman ng mata ko ang naka-park na kotse ni kuya. Pinihit ko ang pinto at bumukas ito . Napansin ko din ang susi sa loob.
Sumakay ako sa driver's seat.
At pinaandar ang kotse.
Umiiyak akong naka tunghay sa rear view mirror, si mommy na hinabol ako.
Mas pinaharurot ko ang kotse nang mapansin ko ang papasarang gate.
Ayoko na sa buhay ko.
Hindi ko na kilala ang sarili ko.
Hindi ko na alam kung sino talaga ako.
Hindi ko ramdam na mabuhay sa mundong ito.
Hindi ko na alam.
Beeep!
Taranta ko naman kinabig ang manibela nang mapansin kong nasa maling lane na ako dahilan para mabangga ako sa paparating na pick up.
Ito na ba ang katapusan ko. Hanggang dito nalang ba ako?
Sana nga. Sana nga mawala nalang ako
Bakit ang liwanag? Bakit parang wala akong maramdaman.
" All set na po doc!"
"Clear!"
"Doc, bumababa na po ang heartbeat niya."
"Doc! Please do everything!" garalgal na boses ni mommy.
Mommy,mommy,
madilim, madilim dito mommy.. Mommy, ayoko pang iwan ka mommy.
"Mahal ko, mahal ko!"
Napakunot naman ang noo ko. Sino ang lalaki na kumakausap sa akin?
"Mahal, 'wag mo kong iiwan!" boses ng lalaki.
"Mahal, kung mawawala man ako, mananatili kang nasa puso ko," boses ko.
Teka, bakit?? Bakit pinipiga ang puso ko?
"Isinusumpa ko mahal, ipaghihiganti kita, uubusin ko ang lahi ng mga engkanto, uubusin ko sila!"
"Mahal, dugo't laman ko sila," boses ko ulit.
"Ngunit bakit?! Bakit ka nila sinumpa, bakit ka nila pinapahirapan?" galit nitong tugon.
"Dahil nagkasala ako, mahal, kalapastanganan sa mata ng hari na nagmahal ako sa isang aswang."
"Hindi ko matanggap na sinumpa ka nila, mahal ko, hindi ko alam kung magagawa ko pang mabuhay , mahal ko!"
"Paalam, lagi mong tatandaan, mahal, mananatili kang sa puso ko, ilang taon man ang magdaan, ilang hirap man ang dadanasin ko sa sumpang pinagkaloob nila sa akin, mananatili ka dito sa puso ko," hikbi ko pang boses.
Kumirot bigla ang dibdib ko.
Wala akong maintindihan.
"Ariaaaana!" hikbi nina mommy at daddy.
"Mahaaaaal!" boses ng lalaking hindi ko kilala.
Bumibigat na ang talukap ng mga mata ko. Dahan-dahan ng nanghihina ang katawan ko.
Paalam na, paalam na nga ba?