Kabanata 12

1496 Words
Wala sa sariling bumaba ako ng sasakyan at naglakad papasok ng bahay. Akmang didiretso na ako sa pag-akyat sa aking kwarto ngunit nadinig ko ang malamig na boses ni Gon mula sa aking likod. "Hindi baʼt sinabi kong hintayin mo ako kanina, Alli?" I bit the skin of my lower lip and scarcely shut my eyes, preventing myself from arguing with him dahil mali ako at tama siya. "Face me, young lady." he ordered authoritatively. Dahan-dahan ko naman siyang hinarap. Nang magtama ang aming mga mata ay daig ko pa ang ibinabad sa tubig na may bloke-blokeng yelo dahil nakakapanindig-balahibo ang uri niya nang pagtingin sa akin! I gulped. "S-Sorry, my guard." I apologized and smile reluctantly. Dapat hindi ko pala siya inaway kanina bago ako umalis dahil may hihilingin akong favor dito ngayon! Dapat ay magpa-good shot at maging mabait ako dito sa mga susunod na araw upang mapagbigyan niya ang bagay na napag-usapan namin ni Andi! Lumakad ito papalapit sa akin at isinuksok sa pocket niya ang parehong kamay. "Bakit ba ang tigas ng ulo mo, ha? Sinabi ko na saʼyo na hindi ka nga pwedeng umalis na hindi ako kasama, Alloira Euxine...bakit tumakas ka naman, ha?" tanong niya, waring nagtitimping sigawan ako. I lowered my gazes. Imbes na makipagtapatan ng titig dito ay mas mabuting sa mga paa ko na lang. Medyo kinakabahan ako dahil...dahil sa sinabi niyang...kapag may kinailangan akong favor dito? Kiss ang kapalit! Adik! Goodness. Sinilip ni Gon ang aking mukha kaya medyo naigilid ko ito. "...sorry na, hindi ko naman na u-uulitin, e." sabi ko sa mababang tinig, daig pa ang tuta. He snarled. "Tsk, tsk, tsk. Isang-isa na lang, young lady...bi-bingo ka na. Intindihan mo?" he warned. Agaran naman akong napatango-tango, iyong parang aso sa unahan ng sasakyan! Ganoʼn kabilis! He smirked audibly. "Good," he answered. Inangatan ko siya ng tingin at alangang ngumiti bago itinuro ang taas. "...akyat muna ako? Hehe," paalam ko. "Bilisan mo may ipapakilala ako saʼyo," aniya. "S-Sige," He blandly nod. "Go," Pagkasabi niya noon ay agad akong nanakbo paakyat ng aking kwarto. Naligo akong muli at nagbihis lang ng pambahay. Nasulyapan ko ang oras mula sa aking digital clock at magtu-twelve na pala. Pero hindi pa naman ako nagugutom dahil kumain naman kami ni Andi sa Burger King, e. "Sino kayang ipapakilala ni Gon?" tanong ko sa aking sarili habang naglalakad pababa ng kwarto. Inilinga ko ang aking mga mata sa kabuuan ng bahay. Hinahanap ko si Gon pero wala siya. Nagpasya akong pumunta sa kusina upang kumuha ng tubig sa ref ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakalapit doon ay laking gulat ko nang makita ang isang lalaking nakaupo sa isa sa mga upuan dito sa dining habang nagta-type sa phone niya! G-Goodness! Am I not dreaming?! My lips parted due to mixed amusement and disbelief! Hindi ko maipaliwanag ang aking mararamdaman sa mga sandaling ito. Halo-halo na! Pero sa lahat ng mga iyon, isa lang ang nangingibabaw! Labis-labis na tuwa at galak dahil muli ko na namang nakita ang lalaking may piercing sa kanyang labi! "S-S-Siegfried Monrad La Galliene?!" I exclaimed with excitement and walk towards his direction with twinkling eyes! He stopped typing on his phone and looked at me in a cooles way. "Alloira Euxine," he manly called my name. "...am I right?" Ngiting-ngiti naman akong tumango-tango dito. "Y-Yes, hehe! Hala...a-anong ginagawa mo pala dito?" chika ko at naupo sa tabi niya bago nangalumbaba at tinitigan siya nang malalim. Ang gwapo~! And super bango ng crush ko, kyaah! Yes. Crush ko ang pinsan ni Gon! Pero noong tinanong ako ni Gon about sa nagugustuhan ko? Hindi talaga ako umamin na iyong pinsan niya! Na si Sie nga ang crush ko kasi secret lang naman! He played the piercing in his lips then smiled at me. "Gon called me. We need to talk about something." he said. Goodness. Anong kagandahang gawa ba ang nagawa ko noong past life ko upang gawaran nang ganito kagandang tanawin?! Ang gwapo niya kasi, goodness. Tapos nagpalakas sa appeal niya iyong hikaw sa gilid ng labi niya! Goodness, makahatak attention ang baby ko! I bit my lips and stared deeply at him. "K-Kailan ka pa narito, Sie? Hehe," chika ko ulit at pasimpleng inamoy siya. He chuckled manly. "Actually, kakadating ko lang from Spain. And because Iʼm looking for Gon, he told me to go here. Sakto namang gusto niya din akong makausap over something." mahabang sagot niya. "Wala ka kanina noong dumating ako. Saan ka galing?" he asked. Lumawak ang ngiti ko nang tanungin niya ako kung saan ako galing! Pero hindi ko masyadong ipinahalata na kinikilig ako nang sobra! So not me, goodness! Inilagay ko ang ilang hibla ng aking buhok sa gilid ng tenga ko, iyong parang dalagang Filipina."I...Iʼve just need to see my bestfriend, hehe. H-Hinahanap mo ba ako kanina, huh?" I tried to joke. He chuckled. "Ahm, sort of. Nagtaka nga ako na wala ang binabantayan ni Gon, pft. Bodyguard mo pa naman siya." aniya. "Hehehe. Tinakasan ko," kwento ko dito. He smiled at me and tilted a bit his head. "M-May dumi ka sa gilid ng labi," pansin niya. Hala?! T-Totoo?! Nakakahiya! Akmang tatayo na ako upang tingnan ang sarili sa salamin nang pigilan niya ako. "Let me do it. Hindi naman halata, actually. Pft." aniya. Ganoʼn na lamang ang gulat ko nang ilapit niya ang kamay sa aking mukha. At gamit ang kanyang hinlalaki, idinampi niya iyon sa gilid ng labi ko at marahang pinunasan ang kung ano man ang naroroon! Titig lang ako dito habang ginagawa niya iyon. Ay masasabi kong mas gwapo siya kapag nasa malapitan! "There," nakangiting sambit niya bago tanggalin ang hinlalaki sa aking labi. Pigil ang kilig akong tumungo nang mababaw. "...thanks, Sie." "Pft." "H-Huh?" "Na-kwento kasi sa akin ni Gon na sobra mo daw pasaway? Totoo ba?" natatawang tanong niya. Grabe si Gon! Nasiraan agad ako sa crush ko, ah! I smiled reluctantly. "...hindi naman...masyado. Hehe," Sana ikaw na lang bodyguard ko, Sie! Promise! Mas behave pa ako sa behave! He played again the piercing in his lips while nodding lightly. "Kinda cute, ah?" he commented. "And...why? Ako ba ang cute? Hehe," biro ko muli. "Silly. Youʼre not cute," basag niya. I was about to pout my lips when he suddenly added another line of his cut words against me. "Youʼre not cute 'cause you are gorgeous, Alloira." he sincerely said and smirked cooly. Goodness! Pwede na akong mamatay! Kidding. Magpapakasal pa kami ni Sie-baby ko~! "Ah, hehe. A-Akala ko naman...hehe." namumulang pisngi at hiyang sagot ko. Hindi sinasadyang tumama ang aking mga mata sa kanyang wrist. Gaya nang nakita kong tattoo kay Gon na LG, meron din siya. And goodness, I really find it very very cool! Ibinalik ko ang tingin kay Siegfried at ngumiti nang malapad. "Parang ang sarap magpa-tattoo, Sie." sabi ko. Sinulyapan niya bigla ang sariling wrist at natawa. "Why? You want this kind of tattoo, too?" he curiously asked me. I giggled. "Ahm, baka kasi may meaningnsa inyong magpi-pinsan ang LG na tattoo kaya siguro...kung magpapa-tattoo man ako---couple tattoo, hihi." wika ko. He chuckled again. "Pwede naman...iyon ay kung may boyfriend ka?" he said. Gon, kung nasaang parte ka man ng bahay na ito please lang! Huwag ka munang e-eksena! I bit my lip. "...thatʼs the problem. Wala pa akong boyfriend. Gusto mo...ikaw na lang?" I joked. Pero pwede ding seryosohin. Hihi. "Pft. Haha! Silly, Alli." he laughed. Goodness. Why does his laugh seem so mellifluous in my ears? Ang sarap pakinggan! "Joke lang." bawi ko. "Pero seryoso," sabi ko bigla. "Serious of what?" he asked. I bit my lip to prevent myself from smiling so damn wide. "Gusto kong magpa-tattoo kaya lang baka magmukha akong adik...saʼyo." banat ko. A moment of silence... Then, "AHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" He laughed hard. Nakisabay din ako. Pero ang tawa ko, dala nang pigil na pigil kong kilig kanina pa, ngayon lang sila lumabas! "C-Cool, huh? Pft." he commented as he wiped his eyes due to his heavy laughter. I smiled. "Tawang-tawa ka, 'no? Ako ba kasiyahan mo?" banat ko na naman. "Ahahahahaha! Damn, woman!" Pinanood ko lang siyang tumawa nang tumawa dahil sa aking simpleng mga galawan. At natutuwa ako dahil dito. Nagpatuloy kami sa usapan at kwentuhan ni Sie at tawa lang siya nang tawa sa mga kwento ko. Feeling close agad ako, e. Pero ngayon pa ba ako mahihiya---minsan lang umuwi si Sie dito sa Pilipinas! Anong malay ko kung dahil sa akin, hindi na siya bumalik pa sa Spain, right? Nakakakilig tuloy! "Ahm, magtatagal ka ba dito, Sie?" umaasang tanong ko. "Actually---" Nasa ganoʼn kaming lagay ni Sie, nagku-kwentuhan at nag-uusap habang kumain ng inilabas kong ice cream nang madinig ang malamig---ay hindi, dahil sobrang lamig na ng boses ni Gon nang tawagin ako! "Young lady, mag-aaral tayo mamaya at uuwi naman na si Siegfried,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD