NAPABALIKWAS ng bangon si Duke nang mapaginipan na naman ang masamang bahagi ng kanyang nakaraan. Halos araw-araw sa dalawang buwang pananatili niya sa Paris ay napapaginipan niya iyon. It scared him a lot. Kaya naman kahit nakokonsensya siya na itinuloy niya ang business trip kuno sa Paris, hindi niya pa rin maggawang umuwi. Maraming pinapaalala ang pananatili ni Duke sa Paris. Doon kasi nangyari ang lahat ng masasamang kaganapan sa buhay niya. Doon siya lumaki at nakabase noong bata hanggang makatapos siya na mag-aral. Nang mamatay lang ang kanya may sampung taon na ang nakakaraan ay saka lamang niya naisip na pumunta sa home country ng ina---sa Pilipinas. Doon siya nagtayo ng mga negosyo at namuhay na. Minabuti ni Duke na sa Pilipinas na bumase upang hindi na muling bumali

