"YOU'RE showing," Mula sa pagkakaupo sa rest chair habang nagagantsilyo ng sweater ay napatingala si Misha. Kinurap-kurap niya ang kanyang mga mata. Kahit narinig na niya ang pamilyar na boses at nasa harap na niya ang tao, hindi pa rin siya makapaniwala. Nakabalik na si Duke! "A-anong ginagawa mo rito?" parang gustong maiyak ni Misha. Pinangungunahan na naman siya ng emosyon niya. Kahit dapat ay masama ang loob niya kay Duke dahil halos pabayaan siya nito sa loob ng buwan, masaya pa rin siya na nakabalik na ito. Na-miss niya ito nang husto. "I have to see and come back to you. Kumusta ka na?" tinitigan siya ni Duke mula ulo hanggang paa. Pagkatapos ay napako ang tingin nito sa may kalakihan na niyang tiyan. Mahigit limang buwan na ang tiyan ni Misha. Madalas pa rin na suma

