Estella's POV Halos lantang gulay ako nang umuwi sa bahay. "Ang saya magturo!" masaya kong bungad pagkapasok ko. Napahawak ako sa noo ko dahil nakakapagod. Kahit unang araw pa lang ng pagtuturo ko ay napakasaya sa kabaliktaran. Lintek na mga estudyante, pinagpapatasyahan kaming dalawa ni Melissa. Dinig na dinig ko ang pangangatyaw nila sa amin, kahit na ako ang binobola nila ay naririnig ko 'yong pinagsasabi nila kay Melissa. Kay bata bata pa nila eh, grade 8 students, nakikipagharutan sa'min. Jusko, people change now a days talaga. "Kumusta ang first day of being teacher mo?" tanong sa'kin ni Justin na bahagya akong nagulat. Naiilang akong tumingin sa kaniya na napatayo at lumapit sa akin. Nilagpasan ko siya at umupo sa sofa. Ipinahinga ang sarili sa pamamagitan ng pagsandal at baha

