Racelle's POV Naalimpungatan ako nang maraming halik ang naramdaman ko kaya napadilat ako't napangiti. Hinaplos ko ang kaniyang napakalapit na mukha sa akin. "Good morning bae," nakangiting bati niya na halos maduling ako nang napatitig ako sa kaniyang ngiti. Tumawa ako nang manlaki ang kaniyang mga mata dahil sa simpleng paghalik ko sa kaniyang labi. Napayuko naman siya sabay yakap at patong ng kaniyang ulo sa tiyan ko. Hinawakan niya ang palad ko na kaniyang pinisil-pisil habang ang isa ko namang kamay ay malikot na pinaglalaruan ang kaniyang buhok dahil sa pagpapaikot-ikot ko rito. "Hindi ka papasok?" tanong ko sa kaniya dahil pasado alas nuebe na ng umaga. Kapatid talaga ni Friday ang Saturday kaya madalas tinatamad pumasok ang mga tulad kong estudyante. Paano ba naman ako gaganah

