Racelle's POV "Tristan!" tawag ko naman sa kaniya ngunit hindi niya pala maririnig dahil nakasara ang bintana kung saan nandoon siya. Napatitig lang ako sa kanilang magkaharap sa isa't isa at tanaw na tanaw ko ang ngiti nila sa isa't isa na para bang may namagitan. Umiwas ako ng tingin sa kanila dahil masakit. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtingin-tingin sa labas, sa bintana na nasa tabi ko ako nakatingin. Pinipigilan ang sarili na huwag mag isip-isip ng kung anu-ano dahil kinukutuban ako. Umaasa rin akong wala silang masamang balita na sasabihin. Habang inaabala ang sarili sa pagbibilang sa mga taong dumadaan na may mga magagandang kasuotan ay sumasagi sa aking isipan ang nangyari sa akin noon. Iyong araw na nagpropose sa akin si Kitian tapos kinabukasan… nakipaghiwalay sa ak

