William's POV Lumingon ako sa balcony at nandoon si Mike na nakapangalumababa sa banisters. Umupo ako sa dining table upang inumin ko ang gatas na tinimpla ko. Nagulat na lang ako nang umakbay siya sa akin na kamuntikan ko pang mahulog ang baso. "Dude, ba't wala ka ngayong imik diyan?" nagtatakang tanong sa'kin ni Mike. Kunot-noo akong tumingin sa kaniya na nakatingin lang ng diretso. Parang ang lalim ng iniisip ng partner ko at ito namang lalaking ito, hindi ko alam kung ayos na ba siya o hindi. Kung okay lang ba siya o nagpre-pretend lang siyang ayos siya. Baka naman talagang ganiyan ang Casanova King, hindi nasasaktan. "Ano ang dahilan ng pagsimangot mo d'yan?” tanong niya nang ibaling niya sa aking muli ang tingin niya. Marahan kong ibinababa ang basong hawak-hawak ko sa mesa. "

