Two days later... Melissa's POV "Good morning lola, mama." masigla kong bati sa kanila na sabay pa silang natigil sa ginagawa at pansin ang pagkabigla. "Good morning," bati sa'kin ni lola nang makabawi ito pagkabigla. Umakbay ako kay mama na ipinagtitimpla si lola ng kape. "Ma, aalis ulit ako," paalam ko. Tumingin naman sa akin si mama at napailing na lamang. Inaya kasi ako nina Claire at Estella na magkita-kita. "Saan ka na naman pupunta?" tanong ni mama sa 'kin. "Gala day ko po." nakangiting sabi ko pa at tumabi na sa pinto. Preparing to leave para hindi na masita pa. "Hay ikaw talagang bata ka. Kung nandito lang ang papa mo siguradong hindi ka niya papalabasin." pailing-iling na sabi ni mama. "Sad to say ma, wala si papa nasa ibang bansa. Haha! Kaya puwede akong gumala saka ma,

