Jerome's POV "Congratulations bakla!" patakbong salubong sa'kin nina Estella at Melissa. Iiwas sana ako ngunit hindi ko hinayaan ang sarili kong pairalin na naman ng pride. Sinalubong ko rin sila ng yakap. "Thank you mga bakla!" nakangiting sagot ko naman sa kanila. Lumapit sila sa akin na agad na yumakap ng napakahigpit. Sa bagay, mga ilang araw din akong nagtiis na hindi sila kausapin at makita. "Graduate na tayooooo!" masayang sigaw ni Melissa saka tumalon-talon pa siya kaya pati kami ni Estella ay napapasama sa pagtatalon-talon niya. May kalakasan kong pinalo ang kamay ni Melissa. "Oy tumigil ka na nga sa pagtalon mo diyan. Nakakasakal." suway ko kay Melissa. Bumitaw naman siya at napasimangot. Aish, ang cute naman ng tomboy na 'to. Pero na-miss ko silang dalawa, lalo na si Este

